Like a Puzzle...


Ika-31 ng Marso, 2014
Lunes, 9:16 ng gabi

            Mahalaga para sa akin ang pagtatapos na ito. Hindi ko alam kung saan ko hinugot ang haba ng pasensya at lawak ng pag-unawa sa lahat ng naranasan ko sa apat na taon ng aking pagtuturo… sa unang paaralan na nagbigay sa akin ng pagkakataon para makita, kahit pa sa isang limitadong anggulo lamang, kung ano at paano ba talaga ang maging isang guro.

            Sa isip ko ay may malinaw akong plano sa kung saan ako dapat pumaroon… kung ano ang dapat kong gawin… malinaw sa isip ko ang mga bagay na iyon… hindi ko lang marahil masisiguro kung tutugma iyon sa mangyayari sa akin.

            Kung totoo man ang ‘tadhana(kahit parang ang ‘korni’)… pipiliin mo na rin ang ganitong ideya kung nasa katulad mo akong sitwasyon. Sabi nga ‘tiwala’ lang… kaya ngayon, wala na akong iba pang mapipiling gawin kundi ang ‘magtiwala’. May mga pansarili tayong plano sa ating buhay… sana lang ay ganun din ang plano Niya sa akin.

            Gusto kong maramdaman ang puso ko sa araw-araw. Sundin kung saan man ako dalhin ng bawat pagtibok nito. Gusto kong makita ang buhay gamit ang aking isip sa iba namang paraan. Dapat bago. Dapat nakakapanibago.

            Mapunta sa lugar kung saan ang pinakaimportante ay ang pagkilala at pagtanggap mo sa iyong sarili. Hindi sa kung anong meron ka. Higit pa sa kung paano ka nila nakikita.

            Para akong malulunod sa pagkasabik. Parang di normal na sabihin kong ‘ramdam’ ko ang aking sarili ngayong gabi hahaha.

       Ang sarap sa pakiramdam kapag ganito ka-korni. Simple lang. Wala kang dapat ipaliwanag.

            Abril na bukas. Simula na ng pagtanggap sa katotohanan.

           Masaya akong aalis. Bitbit ko lahat ng masasayang pangyayari. Marami akong nakilala. Marami ang sa akin ay nagpasaya. Mananatili sila sa aking magagandang alaala.


x-o-x-o-x


            Hindi ko malilimutan yung tagpo na naglalakad ako kasabay ng maraming tao. Nalulula ako. Natutulala ako hahaha. Pero patuloy pa rin ako sa paglakad. Yung para bang kusa na lang kumikilos ang aking mga paa. Sa isip ko, nagtatanong ako kung bakit parang di ako ‘katulad’ ng mga taong nakakasalubong ko. Naitanong ko sa sarili kung napapansin ba nila ako. Halata ba nila yung di ko ma-explain na pagiging awkward ko hahaha.

            Muntik na akong maiyak dahil gusto kong maging tulad nila. Yung nabibilad na ako sa sikat ng araw, pero parang wala lang ang init sa aking pakiramdam. Dahil mas dama ko yung gulo sa loob ko.

            Yung may mga matang umiilag dahil parang bigla mo na lang nabasa kung ano ang meron sa likod ng mga makikinang nilang mata. Iiwas na lang. Ako naman takang-taka.

            Na kung may lakas ka lang ng loob na tanungin ang bawat tao ng “bakit ka ganyan?”, para naman ma-justify ko kung bakit din ako ganito lols.

            Pero baka kasi pinipilit ko lang na buuin ang mga pira-pirasong kaisipan ko ngayon. Na di ko pa marahil napagtatanto. Yan tuloy, nagmumukhang walang punto ang mga sinasabi ko.

            Parang puzzle. Magulo. Pero mabubuo.



x-o-x-o-x


Mga Komento

  1. uu nga parang puzzle nga medyo puro riddle ang dating ng lahat

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. haha pasensya na kung parang ako lang ang naka-relate :)

      Burahin
  2. There is something deeper in this random post. I just don't know what it is. I hope what I think is not what it is.

    Ang lalim mong mag isip - saludo ako at ang galing ng sequence of thoughts mo. Gusto ko ring managalog sa blog ko kaya lang I'm after the foreign readers kaya nagpapaka-trying hard sa pag e-english hehe.

    Pero, way back, may mga mangilan ngilan din Tagalong posts ako, di na nga lang nasundan. Ayoko naman mag maintain ng another blog in Tagalog kasi added responsibility na yun sa overloaded kung responsibilities haha

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Ano po ba ang nasa isip niyo? :)

      Bilib naman ako sa iyo sa pag-iingles! Minsan ginagamit ko yung mga nababasa kong words sa blog mo hehe. :) Nakakahiya nga mag-comment ng tagalog eh, lalo kapag pulido ang isang blogpost mo (na lagi naman ganun) pero go pa rin :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento