Mga Pahina

Lunes, Marso 17, 2014

She's Simply Amazing and Surprising!



          Siya ang unang magte-text para ipaalam sa akin na naiwanan ko yung salamin ko… na pag-uwi ko sasabihan niya ako ng - “Naiwanan mo yung salamin mo, tanga!” Oha wagas maka-tanga lols.

            At ngayon may bago na siyang pauso… akala mo kaylaki ng bahay namin at kaytaas para hindi niya ako maakyat sa kwarto para sabihin na i-google ko kung anong magagandang lugar ang pwede nilang puntahan ng tita ko sa Tagaytay… na aakyat din pala siya sa kwarto para sabihan ako ng- “Hoy! Na-receive mo ba yung text ko!”

            Na akala mo napaka-urgent ng pinapagawa niya eh sa Mayo pa naman sila maglalamyerda lols.

            Siya lang din ang mag-i-effort na maglagay nito sa banyo -


            Para daw di na ako mahuli sa pagpasok. Hindi naman niya ipinamumukha sa akin na matagal akong maligo lols, lagi ko lang naman naririnig ang - "Sus! Anong oras na? Ang tagal mo maligo, late ka na!" 

            Yan ang nanay ko… simply amazing and surprising! Isn’t it? Hehehe…

x-o-x-o-x

Sponsors:
#SalamatpHCare
#SalamatPantene
#SalamatPalmolive

14 (na) komento:

  1. naks naman. sweet tlaga ang mga nanay, miss ko narin mama ko. makauwi nga sa Isabela. hehehe.


    nawirdohan lang ako sa orasan sa banyo hahaha.

    nice post. bumabalik para mag koment- jei

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. ang weird talaga pag may orasan sa banyo...
      kasi napapansin mo kung gaano ka katagal mag-toothbrush, mag-sabon, mag-shampoo etc hahaha :)

      Burahin
  2. kakaiba naman ang mudrax mo heheheheh

    TumugonBurahin
  3. Haha. Naalala ko si Mama! Ang panakot nys sakin nun pag Sunday at tinatamad pa ko bumangon, para mauna ko maligo ay baka maunahan ako ng isa ko pang kapatid na super antagal maligo. As in. Pag yun na yung sonabi nya, babangon na talaga ko at maliligo agad. Hahaha... Bongga si mudrakels mo ah! Suprisingly surprising! Hihi

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. kami rin dito ay nagpapaunahan maligo kasi pare-parehas kaming nagbabakasyon sa banyo :)

      Burahin
  4. nyahaha natatawa ako sa text tungkol sa salamin... infairness ha sweet in her own way ng mudjar mo ehehe.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. tama ka d'yan :) kahit laging nagsusungit ay cool pa rin para sa amin :)

      Burahin
  5. aww sweet. hehe

    uy salamat sa pagpasok sa aking aparador. :)

    TumugonBurahin
  6. HAHAHAHAHAHA!

    natawa ako dun sa nag text pero umakyat din para itanong kung na receive yung text. Hahahahaha!

    Haaaaay! Moms :)

    TumugonBurahin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...