Ilang Bagay na Makati sa Isip



Ka-haggard naman ang mga nagdaang araw. Tatlong linggo nga kaming nawalan ng pasok, pagbalik naman super buhos ang biyaya ng trabaho. Yung tipong pumasok ka ng fresh tapus paglabas mo expired ka na haha. Ganun talaga. Hay buhay. Buti na lang nariyan pa rin ang tawanan at kulitan na dulot ng mga kaibigan mo sa trabaho :)

Dagdag pa ang extra challenge 'pag high tide. Bawal sumayad ang mga paa sa lupa kung ayaw mabasa. Matagal na nga ang byahe, mahal pa ang pamasahe.


x-o-x-o-x

Napapanahon na ba?

Nung nasa bakasyon mode ako (dahil sa bagyo, baha at high tide), naisip ko na mag-shift ng career. Feeling ko kasi, I need to expose myself to another type of workplace or environment para mag-grow tulad ng malalagong puno sa kagubatan :) Yung ideya na 14 years na nga ang inilagi ko sa eskwelahan, pati ba naman ang trabaho ko sa school pa rin? Siguro ayoko lang maging masyadong familiar sa atmosphere ng eskwelahan. Ganun lang. Di naman sa ayoko magturo, masaya naman talaga ang magturo eh, kinilig lang ako sa ideya na "ano pa kaya ang maio-offer ng life sa 'kin?" Exciting lang di ba :) Tapus saka na ako babalik sa pagtuturo after ng exploration period :) *dora?*

x-o-x-o-x

Totoo ba? Di nga?

Minsan inaatake na naman ako ng ka-morbidan na mga ideya sa buhay. Nais kong matuklasan kung totoong may langit :) *seriously?* Kaya 'pag natutulog ako I make a wish upon a star na mag-astral project ako sa heaven :) Eh kasi naman, isa ito sa mga misteryo ng buhay, yung feeling na di mo masasagot hanggat di mo masusubukang mamatay lol :) So, kapag napatunayan ko na may heaven, 'lam na, magpakabait kayong mabuti para maisalba :) Anu kaya ang buhay sa langit nuh? Yung tipong ang sarap isipin na anghel ka rin pala, akalain mo haha :)

x-o-x-o-x

Bakit nga ba ganun?

Oo, naniniwala ako kay God. Pero inaamin ko na di ako masyadong relihiyosong tao. Ni hindi nga ako makapagbasa ng bibliya araw-araw. Pero mahilig din naman akong makinig at manuod ng mga programang patungkol sa Kanya. Pero bakit nga ba di ginawa ng Diyos na kausapin tayo sa ating mga panalangin tulad ng pakikipag-usap natin sa kapwa tao? Yung tipong may naririnig ka talagang response... ang weird eh, pero sana ganun :)

At saka, ang sarap siguro ng feeling na nakikita rin natin s'yang nag-eexist dito :) Yung tipong palakad-lakad din Siya sa daan, bumibili sa tindahan tapus kapitbahay mo pa *ambisyosa* di ba? Bakit nga kaya di Niya ginawang ganun ang kanyang sarili? Bakit ba napaka-hiwaga ng mga bagay tungkol kay God... nakaka-kati ng isip, yung tipong parang may sinosolve kang puzzle na gustong gusto mong makuha ang sagot.

x-o-x-o-x

Yan lamang ang ilan sa mga random thoughts ng buhay ko ngayon. Kaw, anu naman ang sa iyo? :) Share!

Mga Komento

  1. minsan, maiisip talaga ng tao na mag attempt mag shift ng career. ako madalas pero hahahaha, nikakabahan ako kapag naiisip ko ang exam, interview, what if and stuff.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. yun na nga eh, ang hirap din magsimulang muli sa pag-aaply'

      Burahin
  2. Napapanahon na ba?

    - gusto ko ito. suportahan kita diyan.

    Totoo ba? Di nga?

    - ewan. pero sa lahat kasi ng uri ng religion merong nadi-dicuss tungkol diyan eh di ba? may mecca, may tian, may nirvana, may jannah, may deva loka, may malkuth hashamaim at may mt. olympus.. choz! so siguro nga merong life after death pero sa pagbabasa ko ng mga ibat ibang paniniwala diyan isa lang ang nagustuhan ko--- yung konsepto ng Nirvana.

    Bakit nga ba ganun?

    -Religion is communal, faith is personal I myself had given up my religion 2 years ago but not my faith and spirituality.

    - feeling ko magigin kontrobersiyal siya. marami ang babatikos sa kanya. parang jesus christ superstar.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. 1. sa tingin mo ba pag nag-iba ako ng work ay magtatagumpay ako? ipahula mo naman ako sa quiapo lol :)
      2. basta ako, gusto ko sa heaven :)
      3. pag natupad ang ideya ko, di ko Sya babatikusin, makikipag kwentuhan ako to da max :)

      Burahin
  3. Habang binabasa ko to, naalala ko ang song na to..

    ♫ What if God was one of us?
    Just a slob like one of us
    Just a stranger on the bus
    Trying to make his way home ♪

    Seryoso, na-lss ako, haha!

    Tas naisip ko, kung nakikita at nakakasama naten si God dito, ang faith ay parang hindi na "faith" talaga.. di ba kasi parang ang daling maniwala sa isang bagay na tangible, sa mga bagay na napapatunayan ng 5 senses, pero pag yung wala kang idea kung totoo o hindi ang isang bagay, pero naniniwala ka pa rin, yun yung tinatawag na "faith"

    Ang gulo ko no?ah basta.. haha!




    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. parehas tayo, umalingawngaw din ang song na yan sa tenga ko :)

      tama ka sa sinabi mo tungkol sa faith'

      Burahin
  4. mahirap talaga magtake ng risks but you'll never know unless you try di ba? who knows? baka mahanap mo talaga ang calling mo.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. kaya nga eh, kung di ka magti-take ng risk di mo rin talaga malalaman'

      Burahin
  5. I like that: fresh pagpasok, expired paglabas. Hindi na ako maka-comment, expired na din ako eh two weeks of school pa lang yan ah.

    TumugonBurahin
  6. Gusto ko rin magshift ng career, kaso may contract, haha. perokaya to. XD

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. naku' palarin sana tayo pag nagbago na tayo ng career'

      Burahin
  7. Risk ang pagpapalit ng career pero it's all worth it, wag ka matakot basta alamin mo lang at siguraduhin kung anong next career ang gusto mong I-try, why not mag-ofw!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. gusto ko rin talaga ang maglakbay at magtrabaho sa ibang parte ng mundo bukod sa philippines lol :)

      Burahin
  8. Sir, walang questionnaire ngayon? Hehehe...

    1. It's okay to find a job. Make sure na hindi mo talaga calling ang maging guro. It's not really a profession. It's a calling. And if you're called to be a teacher, I believe you'll find joy and happiness in teaching. Tulad ng lola ko. Maliit ang sweldo but she loved teaching 60 students EVERYDAY hanggang sa nag-retire na siya. Satisfied na satisfied siya sa naging buhay niya. Sabi kasi nila, kapag-iniwasan mo ang calling mo, puro ka-lechehan lang ang matatagpuan mo sa buhay. Make sure kung saan ka talaga tinawag.

    2. Heaven ba kamo? Hmmm... I look at the faces of my nieces, at the face of my beloved. Shucks, totoo nga ang langit. hahaha!

    3. Hirap naman kasi kay Lord hindi talaga natin ma-gets ang diskarte niya. God wants us to have faith in Him, hindi lang yung naniniwala, pati din yung nagtitiwala ka sa Kanya. Tao tayo, and we have free will. Kasi puede din naman siya magpakita at magpaka tangible, but if we won't have faith and trust in Him, it would be useless. Mysterious ways talaga ang pagkilos ng Diyos. We really need to have faith and definitely you'll experience his abounding love and presence. Naks, ang holy naman!

    Ako naman, eto, naisip ko lang kung paano sasabihin ang I LOVE YOU sa minamahal ko. Malakas ang loob ko na makipag-flirt at landian, mahina naman ako sa seryosohan.

    Past relationships ko kasi, disastrous. Possessive, self-centered, seloso, manyak kasi ako. hahaha! Joke lang yung manyak. I'm afraid to love someone else kasi baka makasakit na naman ako ng tao, tapos iiwanan ko pa. Yes, I'm a jerk. I'm a bastard.

    Sorry, nakalimutan ko na ikaw ang nakaeksena dito. Umeepal na naman ako sa blog mo, comment lang naman ito. hahaha!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. panalo ka talaga mag-comment Mr. Tripster :) napaka-profound :)

      sana nga tawagan na ako para malaman ko na ang calling ko :P

      mahiwaga talaga si God, kaya sabi ko na lang, i'll just keep my faith no matter what'

      sana masabi mo na ang gusto mong sabihin, straight to the point dapat lol:P

      Burahin
  9. Kulit ng post.. una.. naku magandang idea.. explore life.. yan ang principle ko sa life ko.. kung may di ka pa na-eexperience.. subukan mo na.. hindi tayo tumatanda ng pabaliktad noh. Lam mo yun.. hindi naman magiging "DO MORE OF WHAT MAKES YOU HAPPY" ang title ng blog ko kung walang dahilan.

    Tapos tungkol sa HEAVEN>>> yes.. meron.. merong langit.. gusto mo mapatunayan? Maniwala ka na meron. Uyy hindi sa pagiging relihiyoso.. hindi rin ako palabasa.. at minsan di na rin ako makapagsimba.. pero pag naniwala ka sa kanya (as in now na) bukod sa grand prize na makikita mo ang langit..madaming magandang bagay ang mangyayari sayo..

    pero infairness... namangha din ako sa idea mo na bumibili din siya sa tindahan.. hahaha siguro natawa din siya sa naisip mo.. hindi ko rin alam bakit hindi natin siya nakikita dito.. siguro..katulad nga ng sinabi ko kanina.. grand prize kase siya.. hahaha... pero totoo lang.. pag kinakausap ko siya pag nagdadasal ako.. napapatunayan ko talaga na nakikinig siya.. sabi nila..ang una daw idea na pumasok sa isip mo pag nagdadasal ka ang sagot niya.. hahaha :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. i agree sa title ng blog mo: do more of what makes you happy :)

      nakakatuwa naman na ang heaven ay parang grand prize :) gusto ko yung sinabi mo na "madaming magandang bagay ang mangyayari sayo" feeling ko nagpahula ako sa quiapo :) sana nga mangyari'

      susubukan ko yang sinabi mo' ganun pala ang paraan pala malaman kung answered prayer ba or denied lol :)

      Burahin
  10. Dami random thoughts mo at nahirapan akong magcomment haha siguro dahil ang lalalim ng mga iniisip mo...

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. parang mga judges lang na hirap mamili na mananalo? :)
      lalim-laliman lang yan'

      Burahin

Mag-post ng isang Komento