It's OK Not To Be OK



Kaninang umaga nakita ko na naman ang mga kalapating lumilipad... Naisip ko, buti pa sila malaya, eh ako padungaw-dungaw lang dito sa bintana.

Napansin ko na, may isang kalapati sa grupong iyon na parang may problema sa kanyang paglipad... Maya-maya'y nabaling sya sa kanan, at muntik nang sumadsad sa lupa... buti na lang nakabawi siya ng lipad.

"Elena!!! Anu bang ginagawa mo dyan! Halika nga't bumaba ka dito. Wala ka nang ginawa kung di ang dumungaw dyan!!! Tumulong kang mag-ayos dito para mamyang gabi. Dali!!!"

Gabi-gabi na lang laging ganun... Tuwing pagkagat ng dilim, sya ring pagsadsad ko sa putik. Elena... pinaikling Magdalena. Nakakatawa. Isa rin pala akong kalapati... hindi malaya... mababa ang lipad... Makakaalis pa ba ako sa ganitong buhay? Sawang-sawa na ako sa ilalim ng pulang ilaw.

"Anu ba?! Ang tagal mo ah!!!

Hay naku... nagwawala na naman ang balyena. Sana pagkatapos nito, makabawi rin ako ng lipad.


"Elena"
-jep buendia

x-o-x-o-x

"Why am I doing this to myself?"
Losing my mind on a tiny error,
I nearly left the real me on the shelf.

Haha :) Minsan talaga shunga-shunga lang ako. May topak ako na ayokong nakikitang nagkakamali ang sarili ko. Feeling ko kasi people around me will not forgive kung magkamali man ako. Yung tipong parang walang lugar sa mga mata nila kahit na maliit na pagkakamali ko. In short, dati, I tried to fit into their expectation hanggang sa di ko na nakikita yung sarili ko... na di naman pala talaga ako perpekto... at yun ang totoo.

Don't lose who you are in the blur of the stars!
Seeing is deceiving, dreaming is believing,
It's okay not to be okay.

Tapus, oo masaya pag natutupad mo yung inaasahan nila sayo. Pero pagkatapos nun... wala na. Nasunod mo nga ang expectation nila, pero ako naman sa bandang huli  ang totoong nawawalan. Tama. Hindi lahat ng nakikita ay katotohanan. Minsan, maniwala ka, kung anu ang nasa puso mo, yun talaga ang totoo :) Minsan okay lang naman pala talaga ang hindi maging ok :) Kasi nga di naman tayo perfect...

Sometimes it's hard to follow your heart.
Tears don't mean you're losing, everybody's bruising,
Just be true to who you are!

Inaamin ko na nung una, naninibago ako, pero masarap din pala talagang sundin kung anu ang gusto mo. Nariyang lalayuan ka nung mga taong dati'y nakaikot sa iyo. Akala nila nagbago ka na, pero ang di nila alam, sinunod ko lang ang nasa puso ko. Nakakatawa nga eh, tinawag nila akong talunan :) Tapus, dati akala ko, talunan lang ang umiiyak. Pero tuwing gabi, inaasam ko ang pagpatak ng aking luha. Kasi dun ko nakikita ang totoong sarili. Na vulnerable din akong tao.

The more I try the less it's working...

Nainis lang ako nung na-realize ko na, ang tagal din pa lang naging sunud-sunuran ako sa iba. Yung tipong todo effort ka to please everyone... pero di naman pala talaga ganun... buti na lang natauhan na ako...

Real talk, real life, good love, goodnight,
With a smile, that's my home!
That's my home...

Matapos kong kumawala sa kung anu man ang gustong mangyari sa kin ng iba... Dun ko lang naintindihan ang pagiging malaya. Yung buhay ko ngayon, ito na yung umpisa ng good life :)

Just be true to who you are!

"Who You Are"
-jessie j

"Naka-Relate Lang"
-jep buendia

link:

Mga Komento

  1. May kasunod pa ba ang kwento ni Elena? Lulunurin ba nya si balyena?

    Just be true to who you are - tomo!!!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. abangan ang susunod na mangyayari *kung meron* :)
      yan na ang motto ko ngayon: just be true to who you are

      Burahin
  2. Akala ko naman, nagpalit ka na ng pangalan, Elena ka na? Tapos mayroong sundin ang puso, ha,ha,ha. Kidding aside, I do like the reflection since everybody can relate to it. Tama, wag maging sunod-sunuran dahil may sarili tayong kakayahan.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. hahaha natawa rin ako dun ah, yaan mo try ko maging elena lol :)

      Burahin
  3. Alam mo ba na walang tao ang nagiging successful ng hindi sumasayad sa lupa.. halos lahat ng tao may failures.. pero ang dahilan kaya nasa pinakatuktok yung iba ay dahil hindi sila sumuko sa buhay.. hahahaha..

    and just be yourself..if people hated you for that... then who the fuck cares.

    TumugonBurahin
  4. naalala ko dito yung friend ko na pinipilit baguhin kung ano talaga sya..hindi namen alam kung para saan at para kanino :(

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. siguro kung for the better naman yung kanyang pagbabago ok lang, pero kung hindi, kalungkot din...

      Burahin
  5. haha at first pinilit ko din baguhin sarili ko gang naging kung sino ako naun haha may ilang pagbabago lng tlga na for good

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. tama' kung ang pagbabago ay for good or better naman why not'

      Burahin

Mag-post ng isang Komento