Paalala ng 3 Idiots: "All is Well"

Grabe. Isa kami sa maraming 'pinalad' na nasalanta ng matinding buhos ng ulan at pagbaha. Mahirap. Nakakabadtrip.

Pero kung ikukumpara ko yung naranasan namin sa iba, feeling ko wala akong karapatang magreklamo... kasi ngayon kahit pa'no nakakaraos na kami, di tulad ng iba na patuloy pa rin ang nararanasanang hirap.

Kaysaklap. Sana lang patuloy na ang pagganda ng panahon para 'everybody happy' :)

1. Nanghihinayang
Nung sabado lang lumisan nang tuluyan ang panauhing pandangal namin sa bahay... ang baha. Nasiyahan s'ya masyado sa space na binigay namin sa kanya para makapasok s'ya nang tuluyan sa aming munting tahanan. Actually, tuwang tuwa kami dahil ang dami nyang pasalubong sa amin na basura :) Gara! Galante pa :)

Nanghihinayang ako kasi, di tuloy ako nakagala nung sabado, wala si mudra eh, so ako talaga ang kailangang maglinis... hay... Di tuloy ako naka-attend ng birthday ng kaibigan ko... ako lang ang wala sa dabarkads... ang ending nakakalungkot kasi ako sa ang wala sa japan-japan *picture* :(

2. Instant Career
Naulit na naman ang shooting ng titanic sa bahay. Sabi ni direk kelangan ng part two. Tumabo ng husto ang tubig baha... ayun na nga umabot sa bahay namin. Extra lang naman ako sa pelikula, wala namang kinita...

At yun pa rin naman ang role ko... ang magtaas ng aming mga gamit. Sinulit ko nga eh, sayang ang exposure :) Ma-nominate kaya ako? Best in Over Acting? :) Yung tipong kahit damit lang mga binubuhat ko, binuhos ko talaga ang buong pandama ko para mai-portray ko ng maayos ang pagbubuhat... ang ending- inabot ng baha yung ilang damit namin, pero oks lang, may award naman kay pudra eh :) Ang kupad ko daw kasi... eh yun yung nasa script eh, magagawa ko? :)

3. Instant Model na rin?
Well, di ko naman to inasahan. Two nights tumagal ang aming pictorial. Dahil nga meron kaming panauhing pandangal *baha*, dun kami lahat natulog sa itaas. At dahil brownout, dun ako pumwesto sa may maliit na bintana. Walang kuryente. Madilim. Eh wala akong magawa *bukod sa wala akong makita* ayun pinaglaruan ko ang liwanag ng mga kidlat. Feeling maraming flash ng camera sa paligid :)

Dinama ko ang bawat liwanag na nalilikha ng kidlat papunta sa munting bintana. Ganun pala ang feeling ng isang celebrity, bubulagin ka sa mga flash ng camera *kidlat* Magrehistro naman kaya ang mga pose ko sa langit? haha :) Dami kong japan-japan dun ah. Dalawang gabi kong ginawa ang trip na yun. Mukha na nga akong sinto-sinto eh. Ayun, kahit madilim, enjoy pa rin lol :)

On the other hand, feeling ko talaga minumura ako ng langit sa bawat matatalim na guhit ng kidlat at super lakas na dagundong ng kulog. Marahil nabadtrip lang sila sa ginawa kong trip. "Pose ka pa dyan ah, etong sayo !$#&!!@%!" parang ganun.

4. At kapag walang makain, "oh eto BISCUIT" :) Da best pamatid gutom habang naghihintay ng grasya :)

5. Mga Alaalang Nawala
Nung bagyong Ondoy, naitapon ko na ang kalahati ng aking mga memorabilia *mga picture, sulat, journal, test paper, ID, magagandang project, etc abubot* Nag-iipon talaga ako nun para kapag tumanda na ako at hirap nang makaalala ay kukunin ko lang ang mga gamit na yun at *presto* balik alaala :)

Pero, wala na eh. Nabasa lahat. Tinapon ko na. Tsk! Balak ko pa naman yun ipakita sa mga pamangkin o magiging anak ko at ipamana sa mga susunod pa sa aming lahi :) Ipon na lang ulit. Wala na tuloy natirang sulat mula sa mga estudyante ko... lahat nabasa. Pati yung apat kong journal kung saan una akong nagsulat. Wala. Taon pa man din ang binilang ko para dun. Leche flan... kaytamis. Di ko na mababalikan ang mga una kong naisulat pati na rin yung pinakatatago kong talaarawan. hay... :(

6. NGA-NGA
Sa sobrang desperado ko na mapahinto ang malakas na ulan, naisip ko lang, kung lahat ng tao ay nga-nga-nga para saluhin ang tubig ulan... maiiwasan kaya natin ang baha?

Tapos, naisip ko pang gumamit ng genetic engineering para makalikha ng bagong breed ng mga halaman na matakaw sa tubig... nang sa gayon mas mapabilis ang paghupa ng baha.

Pero da best talaga yung NGANGA solution. Yun talaga ang solusyon.
Kaya pag may malakas na unos, halina't ngumanga tayo! lol :) Sabay-sabay saluhin ang ulan! Yum Yum Yum!!!

7. Center of Excellence: Swimming
Kakatuwa dito sa lugar namin. In two weeks time natuto nang lumangoy yung mga bata dito ng dahil lang sa baha. Panalo. Malay mo, nandito sa amin ang susunod na olympic champ! Go for the gold!

8. Bakit nga ba?
Ang mga kalokohan ay di rin mawawala. Sabi nung mga thunders na lalaki sa lugar namin-
"Bakit bawal lumusong sa baha ang mga babae?"
Sagot: Eh kasi daw may sugat. Malalim ang biak, baka daw mapasukan ng kung ano at maimpeksyon.

Eh may sumabat na ale: "Maghuhugas naman ah!"
OK. haha :)

Syempre, nariyan din ang 'inuman tuwing baha'.
Akala naman nila cool... weh... 

x-o-x-o-x

*ang haba lang di ba...
*super update ako...
*mabuti na lang napanuod ko yung 3 Idiots bago pa ako nawala sa kabihasnan
*kaya kahit nangangamba, lagi ko na lang sinasabi "all is well"
*yun ang natutunan ko sa pelikula

x-o-x-o-x

Pagsasanay:
1. Ikaw, kamusta ka?
2. Lumilikas din ba ang mga multo kapag baha? Sa'n sila pumupunta?
3. Inalala mo ba yung mga ipis at daga noong kasagsagan ng baha? Kawawa naman sila di ba? *walang masilungan*

Mga Komento

  1. Ako ay nakikidalamhati sa sinapit ng iyong bahay, damit at mahahalagang kagamitan.
    1. Mabuti naman ako at nakabalik na bago man naghasik ng baha ang nagdaang sama ng panahon.
    2. Ang multo ay hindi takot sa tubig maliban na lamang kung ito ay agua bendita, wari ko lang. Feeling nila jellyfish sila, transparent kasi.
    3. Hindi ako naniniwala sa kuwento ng Pied Piper of Hamelin kasi marunong lumangoy ang mga daga. Isa sila sa mga dahilan ng pagbaha, overcrowding sa imburnal.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. 2. haha so cool lang pala sila kahit nariyan na ang tubig baha :)
      3. wag daw sila ang sisihin sa pagbaha, kundi ang mga basura, in other words ang mga tao raw ang may kagagawan *sumasagot na daga*

      Burahin
  2. Aliw na aliw ako sa iyong entry hahahaha..galing mong manghuli ng kiliti ng readers. Ako walang talent ng ganyan sa pagsusulat..hahaha..Weird ang ibang ideas pero may logic siya hahaha.

    Sa kinaroroonan ko, kulang nalang may daily prayers ako for rain to fall pero wala eh talagang tigang lang ang parte ng mundo kung saan ako nakabase ngayon. hahaha. Honestly, nami-miss ko ang baha sa Pinas..college days ko sa may Espana tawanan pa kaming mga magkakaklase habang nilulusong ang baha sa UST hahahaha..basaan pa..

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. buti naman at naaliw ka, pakiabot na lang po ang inyong bayad, salamat lol :)

      sayang wala ka dito, di mo man lang nasaksihan ang mga lumulutang na ipis at daga sa baha, actually sila yung ginamit na props para sa mga nalulunod na nilalang, lam mo na, si direk eh nagtitipid ng bayad sa mga extra :) *titanic part 2*

      Burahin
  3. Hahahaha tawa naman ako dito.. kahit kami binaha eh.. lahat kame nasa second floor.. pero swerte dahil may ilaw.. lahat halos nag iinternet.. pero sa pagkaen.. grabe.. yung feeling na wala ka makaen..parang kahit kakakaen mo lang.. nagugutom ka ulit dahil sa feeling na yun.. lol.

    Anyway, ewan ko sa mga multo.. at sa mga daga.. comment ko.. LEPTOSPIROSIS.. dun kaya ako napaparanoid dahil lumusong ako sa baha para maghanap ng food.. nyahahaha

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. nakakagutom talaga ang baha, nakaka-stress kasi eh
      buti na lang before tumaas ang tubig nakabili ako ng maraming voice overload :) *pantagal inis*

      Burahin
  4. kaya pala ang tagal mo nawala..namiss kita ser jep :)
    nalungkot ako sa sinapit ng memorabilia, journal at talaarawan mo :( sayang ang mga memories na naipon..pero di bale ipon ka na lang ulet..
    buti naman at umalis na ang guest of honor sana wag na syang bumalik pa..
    na-iimagine ko pano ka ngja-japan japan sa flash ng kidlat hihihi..

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. salamat :)
      buti na nga lang at nag-start na rin akong mag-blog, at least ito hindi mababaha
      actually bumabalik yung guest of honor namin tuwing may LPA or typhoon, naka-schedule na yun :)
      japan-japan ba? parang ganyan lang si picture mo :) *japan with smile* pantanggal ng badtrip sa sinapit

      Burahin
  5. Sana okay ka lang kahit pa naging ala-titanic ang iyong buhay nitong mga nakaraang araw. :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. ok naman kami ngayon, nahaggard lang ako sa paglilinis kaya sakit ng katawan ko. salamat :)

      Burahin
  6. same thing happened sa amin. may bisits na baha. lols

    Sa opis ako tumutuloy ngayon.

    At tama ka, all is well lang from 3 idiots!

    TumugonBurahin
  7. 1 ok nmn ako di mnn gano naapektuhan
    2 oo nga nu baka nmn nagsuswmming na lng sila
    3 ang inaalala ko ee kung makikita mo silang palutang lkutang anu bgagawin mo haha

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. 1. naks! buti ka pa pinagpalang lubos :)
      2. baka nga nag eenjoy nlng din sila
      3. well, kung makikita ko silang palutang lutang, bibingwitin ko sila, yun ay kung makaka kagat pa sila sa pain :)

      Burahin
  8. hello ser

    kami din pinasok ng baha sa loob ng bahay sa baba hanggang bewang daw ako naman hindi nakauwi galing office kaya nakitulog ako sa ibang bahay eh nung ikalawang araw nahiya na ako sa mudra ng kaibigan ko kaya hanap uli ng bahay na matutulugan. grabe para akong pulubi noon pero keri lang

    natawa ako dun sa script sa titanic. haha!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. at least nalaman mo sa mga panahong iyon kung sino ang mga kaibigan mong handang tumulong sayo :) pero duda ko napilitan lang talaga sila haha :)*joke*

      Burahin
    2. hahaha :) syempre tatanggihan ka ba nila, eh alam naman nila ang sitwasyon, actually no choice lang sila :) *joke lang ulit*

      Burahin
    3. hahahaha! kaw ah nang aasar ka *harte*

      Burahin
    4. hahaha biro lang talaga... pero sabi nga, jokes are half meant lol :)

      Burahin
  9. kaya pala medyo matagal ka nawala sa limelight. ka-haggard yang bahang yan pero good to know na okay ka naman.. as much as possible, ayoko nga lumulusong sa baha, kasi.. yun nga. haha.

    TumugonBurahin
  10. keep the positive attitude... it can move mountains.

    TumugonBurahin
  11. Hope ayos na ayos na kayo by now kakatakot lang na meron tayong bagongbagyo. Siguro stay vigilant pa rin to be sure.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. ok naman po kami ngayon, salamat.
      sana nga di na ulit maulit :( *mukhang malabo*

      Burahin
  12. Masakit mawalan ng memorabilia... Para sa akin napakaprecious ng memories kaya nanghihinayang ako kapag nawawala ang mga pictures etc.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. tama ka... kaso wala na akong magagawa... ipon na lang ulit :(

      Burahin
  13. Bilib ako sa'yo, nakakalungkot na kung tutuusin ang mga nangyari nakukuha mo pang magbiro.. kung ako siguro nagkwento naku nalungkot pati readers at co-bloggers :P

    1. Okay naman kasi ngumunguya ako ng yelo.
    2. Parang mga trapo yan e, kung kelan nagkakaproblema ang bansa saka naglilipana. Sila ang multo, nasa pwesto pero wala ang katawang-tao, wala ang presensya kapag kelangan ng masa.
    3. Hindi sila kawawa mga ipis at daga sila, bagkus tuwang-tuwa pa sila. Trapo ulit, habang ang masa ay palutang-lutang, naghihirap makaahon ayon ginagawa nilang salbabida.. dun sila magpapasikat habang nakatapak at tuluyang nilulubog ang sariling bansa para sa mga pansariling ambisyon at kapangyarihan. Hindi ako galit, umu-opinyon lang Pinoy pa rin ako e ;)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. salamat :) eh minsan kasi pag sineryoso ko pa ang mga bagay bagay sa buhay naku mababaliw lang ako :)

      i agree with you, dahil dyan iboboto kita kapalit ng mga TraPo'

      Burahin
  14. hehe,, kaw na talaga ang hari ng posivity jeff,, ako nung kasagsagan ng baha eh feeling ko eh dooms day na ang peg ng sitwasyon namin samantalang ikaw nakuha mo pa talagang magtake down notes haha...

    sagot kung bakit mga lalaki lang ang pedeng lumusong sa baha:
    yon ay dahil tayo lang ang biniyayaan ng built in protection.. tayo lang ang mga nilalang na laging handa! laging may dalang sandata hehe lalapit palang ang mikrobyo natatakot na sila sa espadang bitbit ng mga kalalakihan hehe ^^

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. eh nakaka-haggard kasi maging negative :) kamusta na pete? kamusta na ang blog mo :)

      Burahin
    2. ok naman ako humihinga pa,, eto nalang ang masasabi kong legal na site na binubuksan ko haha,, tinalikuran ko na yung mga dati kong delusyon haha,,

      Burahin
    3. haha sige sinusubakan is the term haha,, unti unti na kong natatauhan eh haha

      Burahin

Mag-post ng isang Komento