Luhang KABIT ng Pamamaalam



KABIT
-jep buendia-

"Alam ko na darating din tayo sa puntong ito. Malungkot man pero, sabay nating lilisanin ang mundong ginawa natin. Inasahan ko na rin na baka mangyari nga... na baka nga di talaga pangmatagalan... baka nga... siguro tama sila.

Pero... nais kong malaman mo na, nung mga oras na yun...masaya ako.

Ang hirap pala ng ganito...

Akala ko kasi wala nang katapusan yung mga oras na magkasama tayo... pero... yun na nga... dumating na."


Nung mga oras na yun... Walang ibang naramdaman si Lyn kundi panlulumo at awa. Wala man lang ni isang salita s'yang nabanggit sa pamamaalam ni Ricky. Batid niya na wala siyang karapatang ipagtanggol ang sarili... isa lang siyang kerida. Kabit.

May pamilyang dapat balikan si Ricky. Samantalang siya... akala niya'y makakaalis na siya sa dati niyang gawi. Pero hindi pala. Natapos din ang mga masasayang panaginip. Ito ang pinakamalungkot para sa kanya.

Walang namutawi sa kanyang bibig. Unti-unti... naramdaman na lang niya ang pag-agos ng luha sa kanyang mga pisngi... tumakbo na lamang siyang papalayo kay Ricky. Umaasa na MABUOng muli ang sarili.

x-o-x-o-x

Wala akong tanong ngayon... ikaw meron ba? :)
Nung nakaraan super tawa ako kay Elsa. Tapus bigla na lang ako nalungkot. Ano 'to karma? lol :)

Mga Komento

  1. kawawa nmn ung girl peo sa tingin ko tama ginawa nung guy na tapusin na

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. kung sa bagay... kaysa lumala pa ang sitwasyon at may masirang pamilya

      Burahin
  2. True story ba ito?o ayan, may tanong ako ha!haha.. Malungkot ka ba dahil umalis na si Gener at siguradong may pasok ka na sa Monday?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. totoo na rin :) dahil yan sa panunuod ko ng face to face lol :)
      yung tungkol kay gener... slight lang haha, dahil after nito babalik na naman ako sa totoong mundo :)

      Burahin
  3. Parang talambuhay ko pero ako yung kabit, naglabas ng sikreto, ha,ha,ha. Dapat pala lagi kang walang klase para may regular entries ka. BTW, ganda ng pic, akmang akma.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. haha talaga? naging kabit? :)
      tama ka! pag walang pasok, dun lang ako nakakagawa ng mga post :) lam mo naman pag may pasok kailangan ialay ang buong sarili lol :)
      ganda nga nung pic, sakto :)

      Burahin
  4. sya ba yung kabit dun sa "Bobong pag-ibig"? supertawa din naman ako sa kwento mo tungkol kay Elsa kaya wag ka ng malungkot di ka nag-iisa sa karma chos!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. uhm... marahil sya rin yung sa Bobong Pag-ibig *ako gumawa di alam* :)
      nakarma ka rin ba? ganyan talaga ang magkakaibigan, nagdadamayan... ng karma :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento