Lumaktaw sa pangunahing content

OST ng buhay mo


                Nag-download ako ng mga soundtrack ng ilang pelikula; ang mga iyon kasi ang nagbibigay ng buhay at ‘tama’ sa mga makabagbag-damdaming eksena sa pelikula. Minsan naisip ko, bakit sa totoong buhay walang background music na ipini-play, halimbawa habang nakasakay sa bus at nag-eemote sa may bintana, o kaya naman biglang may upbeat music na maririnig kapag masaya ka! Di ba ang ‘amazing’ ng buhay kung may ‘official soundtrack’ din ang bawat eksena ng life? Laging merong award-winning moments!

                Pero, pano nga pala yun… kapag masaya ba ako, at nag-play ang masayang background music ko, maririnig din ng iba? Paano kung malungkot yung iba? O yung katabi ko? Siguro para hindi nakakalito o agaw eksena ang mga background music natin sa buhay, kanya-kanyang tunog na lang sa kani-kaniyang isip! Lol. O kaya kung parehas kayo ng nararanasan, pwede na ring parehas kayo ng OST ng kaibigan mo o ng kahit sino pang kasama mo sa parehas na tagpo / pakiramdam / eksena.

                Ang na-download kong mga soundtrack ay ang mga sumusunod:

                KissBreakdown (Michael Brook) mula sa The Perks of Being a Wall flower
                Asleep (The Smiths) mula sa The Perks of Being a Wallflower
                GoodbyeSavannah (Deborah Lurie) mula sa Dear John
                SeeYou Soon Then (Deborah Lurie) mula sa Dear John
     I Kept Writing (Deborah Lurie) mula sa Dear John
    The Moon (The Swell Season) mula sa Dear John
    Final Letter (Deborah Lurie) mula sa Dear John
    The Barn (Deborah Lurie) mula sa Dear John
                Paperweight mula sa Dear John
                FirstDate mula sa Dear John
                ThemeOST ng Rabbit Hole

                …karamihan sa mga ito ay mula sa Dear John. Ito lang kasi yung isa sa mga pelikula na feeling ko ang mga soundtracks ay pwede na rin sa ibang emote ng buhay; minsan pakikinggan ko lang para makapag-relax, minsan minumuni-muni ang ilang eksena sa pelikula, pero madalas ay yung may mapakinggan lang na mellow sa tenga.

                Kung ang buhay ay tunay ngang mala-pelikula, ano ang OST ng buhay mo?



Mga Komento

  1. Mga kanta ng buhay from the top of my head. Hahahaha.

    1. Brighter than sunshine ng Aqualung
    2. (I cant seem to) make you mine ng Clientele
    3. Chocolate ng Snow Patrol.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. parang sa Snow Patrol lang ako familiar (o baka nga hindi pa lols)
      k-pop na kasi inabutan ko sir OP haha :)

      Burahin
  2. Hmmm...

    Bihira ko magkainterest sa mga OST ng mga movies, pero usually, buong OST album din ang gusto dinadiwnload ko.

    Kung may soundtracks man ang buhay ko ilan sa mga iyon siguro ay ang mga ss:

    Brighter than the sun
    Unwritten
    I see the light
    Landslide
    I will still love you
    Different for girls

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. parehas kayo ni sir OP sa "brighter than the sun", mapakinggan nga :)

      Burahin
    2. Aww.. Magkaiba yata yan... Natasha Bedingfield yung sakin. Yung kanya, di ko alam yung band na yun. Check ko nga rin. Hahaha

      Burahin
    3. hindi ko mahanap yung sa'yo cher kat, ang meron lang ay pocket full of sunshine ni natasha bedingfield :)

      Burahin
    4. Awww.. Colbie Colliat pala to... Unwritten yung kay Natasha Bedingfield! Hahaha.. Gulo-gulo na!

      Burahin
    5. napanuod ko nga yung kay colbie :)

      Burahin
  3. Wala ako maisip na OST. But if you gonna ask me what song based on what I am feeling right now? It would be "I wanna be with you" by Mandy Moore

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. nice song, naririnig ko ito sa playlist at tuwing nag-videoke ang ate ko :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...