Lumaktaw sa pangunahing content

Sige na nga, sabihin na nating year-end post ito.


                12.31.2015 (9:56 PM)

Dalawang oras na lang bago mag-2016!

                Yey! Di naman talaga ako excited hahaha. I am full of hope (or hopeful, same lang ba yun? Lol) para sa darating na taon pero very usual na lang din ang event na ito. Lagi rin naman akong inaabot ng past twelve midnight bago matulog. Mahirap din naman magkaroon ng event sa labas; ang daming putukan at saka nakakasulasok kaya ang amoy ng pulbura.

                Kaya ngayong gabi, balak ko sanang abutan ng bagong taon na nagbabasa sa gitna ng kaingayan hahaha. Well, balak lang naman; pwedeng di rin matuloy. Ako pa ba!

                Gustong-gusto ko yung statement na nabasa ko sa speech ng isa sa naging prof ko – “…to read as if my life was dependent on it.” May sampal factor sa akin kasi ang tamad kong magbasa hahaha (I mean mag-aral na rin). Tulad ng parang nakatatak na sa isip ko yung sinabi ng isang child prodigy – “Learning is as essential as eating.” Nakakainis sila nang di ko alam kung bakit hahaha.

                Ang kinain ko ay ispageti, prayd tsiken, buko salad na fruit salad (basta)… tapus nagkape ako with tinapay na may ube dyam. Yung mga kinain ko ay wala naman talagang kinalaman.

                Ang korni-korni na dati nag-iisip pa ako ng tema ng buhay ko kada magpapalit ng taon. Gusto ko sanang ibahagi yung iba pero nakalimutan ko na sa kakornihan ng ganung uri ng pakana sa buhay. Ah ok, naalala ko yung isa – “Chasing dreams!” Yak hahaha. Ang ending, puro ako tulog at wala namang dreams na na-achieve.

                Hinahanap ko yung libro ni Ricky Lee na may pamagat na Quiapo (parang ganyan, nakalimutan ko) at saka gusto ko rin mabili at mabasa yung nobelang Tatlong Araw Tatlong Gabi ni Eros Atalia. O baka naman, nag-iipon lang talaga ako ng mga libro sa ilalim ng aking kama. At sama-sama kaming natutulog.

                I cannot recall remarkable moments ng taong 2015 (parang wala naman or alibi ko lang kasi ang ingay eh, torotot and putukan everywhere). Siguro, pag tumatanda ka na, nag-iiba na ang kahulugan sa iyo ng mga salitang remarkable, memorable or special. Maraming masasayang nangyari ngayong 2015, pero sa paglipas ng taon, nag-iba na rin pamantayan ko para maihanay yun sa mga “wow! astig events” ng buhay. Pero I’m so thankful pa rin. Napakaraming blessings kaya! Insensitive lang ako ng slight. Ganyan.

                I’m so excited na parang hindi naman hahaha. Pag nakikita ko ang kwarto ko, kahit maging 2016 na ganun pa rin naman ang itsura – messy. Pero ganun talaga, may tamang oras for things to fall into right places, and so I am waiting for things inside my room to fall into their respective places without me exerting an effort hahaha. Pero syempre, hindi papayag ang law of inertia. Hindi talaga gagalaw ang mga bagay unless may external force na magpapagalaw dito. Pero malay mo (maging masipag ako).

                One and a half hour pa… anu pa bang masasabi ko para kunwari ay may year end post ako.

                I appreciate my hair now (bawat strand lol). Hindi naman taglagas pero ganyan ang season na taglay ng buhok ko hahaha. Kailangan mabigyan ito ng solusyon sa lalong madaling panahon. Pero kung ito ay itinakda na ng aking genes… hindi, hindi pwede. Delete! Oo, pwede nga pa lang magkaroon ng deletion sa ating genes kapag nag-undergo ito ng mutation, at sana ma-delete ang portion na yun, or ma-turn off or ma-inactivate.

                Sniff… Sniff…

                Di pa naman amoy pulbura sa kwarto… pero mamaya sure na yan. Nagiging tinapa ang lahat ng tao dito sa lugar namin tuwing new year’s eve. Tradisyon na eh! Eh! Eh! Eh!

                Speaking of tema para sa taong ito, naisip ko pwede na ba yung – “Reading as a form of procrastination.” Parang di naman tema, parang slogan. Magbasa na lang kaysa matulog lagi. O kaya magbasa na lang kaysa tulala. Magbasa kapag walang maisip, kapag tinatamad or walang magawa.

                Nakaka-conscious magbasa kapag nasa jeep. Nung unang mga subok ko, nakakailang. Nakaka-paranoid nung simula, para sa mga kasabay mo sa byahe na wala namang hawak na libro, ikaw lang ang meron. Pero nakagawian ko na rin, dedma lang din naman ang mga tao eh, ako lang ang praning sa loob ng isip ko hahaha. Tapus tinigilan ko na rin. Kasi ang hirap pa lang magbasa sa byahe, yung pagbaba ko sa jeep may hilo-effect lol.

                Isang oras na lang.

                Happy New Year Na!

                12.31.2015 (10:53 PM)



Mga Komento

  1. hahahaha shet ang hair issues talaga nating dalawa wagas na wagas! pero ha, kumalma na ang hairfall ko. biotin supplements ang inilaban ko. kumapit naman sila.

    happy new year Jep!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. regulahan mo ako nyan hahaha :)
      happy new year too nyabachoi!
      i'll try it, hopefully or full of hope lols.

      Burahin
    2. My god haha I have hair issues too I just cant seem to find right style for me

      Burahin
    3. at least i'm not alone in this battle...
      in other words, damay-damay na! hahaha :)

      Burahin
    4. Shet! yun lang masasabi ko sa hair fall issue na yan

      Burahin
    5. sheet of paper talaga yang hair fall :)

      Burahin
  2. Relate ako dun sa buko salad na fruit salad. hehe. Na-try ko na ring makapagbasa sa loob ng jeep. Keber naman sa mga passengers pero ang ayaw ko dun ay yung sakit ng ulo dahil nakakahilo nga talaga. Pero wala pa ring mas hihilo pa sa pagbabasa habang naglalakad. Try mo. haha

    Manigong Bagong Taon sa'yo! Nawa'y maging productive tayong lahat at ma-achib ang ating mga hopes and dreams this year!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Ayoko nga i-try, ipapahamak mo pa ako hahaha :)

      Yup! Sana maging masipag ako this year, more inspired and very determined and positive (nag-wish para sa sarili?) o s'ya sige para sa iyo na rin ang wish na yan :)

      Burahin
  3. Ang tumatak sa utak ko eh yung mga libro sa ilalim ng kama at hanggang duon na lang. Marami kayong pagba asa ang resolusyon pero ikaw naman eh collection muna. Kaya mo yan, ikaw pa na very studious na laging nasa mall. Kodakan pa more, ha,ha,ha!

    Pumunta ka ng Europa and in my experience, ang mga tao nagbabasa sa tren, sa bus, pero hindi sa motorsiklo o bisikleta, dangerous yun. Sana ngayong taon ay mabahagian mo naman kami ng panahong makita ka at makilala ng personal kaya pumarito ka!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Hindi naman ako laging nasa mall ah, dumadaan lang ako dun pagpauwi na hahaha :)

      Sana nga mag-krus ang ating mga landas, yung biglaan lang para nakakagulat lols.

      Burahin
  4. For me, ang full of hope sounds like punong-puno talaga, at ang hopeful ay may hope lang". Hehehehe

    I'm tamad rin magbasa ng libro. Sige, I'll you join. Let's read more sa 2016.

    Happy New Year, Jep!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Kaya mas gusto ko yung full of hope :)
      Naku, hopefully magawa ko nga ang magbasa ng mga books this year!

      Thanks! HNY too :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...