3 Uri ng Kwento na Nakaka-Victim ang Feeling After Basahin :)


                (1) Yung kwento na kung tutuusin ay ang ikli lang pala, pero humaba dahil sa mga paligoy-ligoy na naidagdag. Na ikaw naman pilit mong binasa ang bawat ‘palabok’ hoping na may kinalaman yun sa kwentong binabasa mo, tulad ng mga ‘flashback-thingy’ na nagbibigay paliwanag sa mga anek-anek na misteryong meron sa kwento. Pero at the end, feeling mo talaga ay nauto ka lang ng nagsulat. Hahaha. Ako lang ba ang biktima? Pero okay lang din kasi maayos naman ang pagkakahabi at may sense pa rin naman basahin… pero feeling ko talaga, nang-uuto lang sila.

                (2) Yung napakahaba ng tunggalian / conflict sa istorya… yung malapit ka na sa ending pero bakit di pa rin natatapos at hindi pa rin nabibigyan ng solusyon. Ang pinakamasaklap, matapos mong ma-excite na para bang “Eto na! Malapit na ang ending! Malalaman ko na!” pero nagulantang ka na lang na biglang natapos na yung istorya sa isang open-ended na paraan. Shet! Hahaha. Bitin na bitin! Effort pa man din akong magbasa hanggang sa dulo tapus wala naman pa lang konkretong wakas. Sana di ko na lang tinapos yung kwento, ganun din naman pala ang ending – walang ending.

                (3) Yung kwento na napakabagal mag-build up. Nakailang pahina ka na pero parang simula pa rin ang ganap. At nung unti-unti nang kumakapal at lumalalim ang mga tagpo saka na lang biglang nag ending?!! Yung binuklat ko pang mabuti kung yun na ba ang dulo, kasi baka may napunit lang or whatever, pero hindi, last page na talaga! Hindi na nga ako mahilig sa part 2, sequel, trilogy atbp… pero parang gusto ko s’yang hanapan ng ganun kasi nakakaloka na tapus na pala hahaha.



Mga Komento

  1. hahahahaha. actually ang tatlong yan ay normal sa pinoy kwentos, teleserye, politics, and etc. kacheapan. pero normally, sa facebook articles mo yan makikita. at oo, nagcrave ako sa palabok. kasalanan mo to.

    TumugonBurahin
  2. Hahahah ;) Cliche moments

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento