Lumaktaw sa pangunahing content

"– may coke, royal, sarsi at sprite."


Ika-17 ng Abril, 2015
Biyernes, 8:54 ng gabi


            Isang kulay asul na drum na may itim na takip na dati’y lalagyanan ng tubig ang pinuno ng maraming bote ng softdrinks at yelo – may coke, royal, sarsi at sprite. Naisip ko nun, kung yung mga matatanda ay naglalango sa alak, ako naman kasama ng mga kaibigan ko ay magpapabundat sa pag-inom ng softdrinks!

            Hindi ko matandaan kung pang-ilang kaarawan ko na yun. Ikapito ata o ewan. Basta, pinagsabay-sabay ang birthday naming tatlo – ng kapatid ko at ng tatay ko; tutal iisang buwan lang naman pumapatak ang aming mga kaarawan at tig-isang araw lang naman ang mga pagitan.

            Napakalamig ng mga nalusaw na bloke ng yelo sa loob ng drum. Saglit na mamanhid ang kamay sa kada kuha ko ng maiinom. Yung nasa ilalim pa yung pilit kong kinukuha, para kasing mas may thrill kapag kukunin ko mula sa ilalim; may kaunting surprise dahil hindi ko nakikita kung anung bote ng softdrinks ang mahuhugot ko sa loob ng drum.

            Napakadami namang nasa ibabaw lang na mas madali kong maintindihan at maramdaman.



Mga Komento

  1. Matutulog na lang ako, mapapahugot pa ako. Cher Jep, siguro kasi, nasa kaibuturan ang hiwaga.. Anodaw?! Makatulog na nga! Siguro masarap din lumangoy dun sa drum n may yelo! Ang init eh! Hahaha

    TumugonBurahin
  2. Minsan, mas masarap maatim ang pinaghirapan. Puwede nga namang kunin na lang ang kahit ano ang ialok sa atin, pero kung pagpupursigihan ang isang bagay, mas malalim ang kanyang ligayang makakamtam. Isang drum ng softdrinks para sa mga ninanais natin sa buhay.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. need ko yata ng diving gear at umattend ng scuba diving lessons. ang lalim ng komento ni sir Jo XD

      Burahin
  3. Metaphor ba ito ng something.... sir Jep? lols

    Ang sarap mag-softdrink ngayong tag-araw. Peyborit ko din yang Sarsi saka Sprite :D

    TumugonBurahin
  4. di ko alam ang ikokoment ko sa totoo lang sapagkat malalim ang gusto mong ipahiwatig sa iyong akda ngunit para sa isang ordinaryong tao katulad ko masasabi ko na ang buhay ay di kasing dali na inaakala ng iba, ang buhay ay may trill mahirap pero kaya.

    TumugonBurahin
  5. mas ok kasi pag may konting thrill sa pag atim ng ninanais. ung mga nasa bukana medyo boring kasi andun na un. sometimes mas gusto pa naten ung may knting hirap at sakit. sadista kasi siguro ang bawat isa sa atin,,,, somehow in some ways. hehehehe

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. bakit nga ba may elemento ang bawat isa ng pagiging sadista? hahaha :)

      Burahin
  6. Yes! Yes, I remember something like this back in my youth in the province during fiestas. Coca Cola or Pepsi would rent us portable metal coolers. Neverheard pa ang softdrinks in cans noon. Hahahaha.

    TumugonBurahin
  7. Ganun daw talaga kasi yun. Minsan may madali namang daan pero pinipilit natin na pahirapan ang sarili natin. Sa bandang huli dun lang natin mare-realize ang bagay na yun. Tulad ngayon, late mo na narealize lolz

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...