Ika-22 ng Oktubre, 2014
Miyerkules, 5:19 ng hapon
“Bakit
ang tahimik mo?”
Madalas itong itanong sa akin nung
bata pa ako. Na pakiramdam ko ‘abnormal’
ba ako para tanungin ng ganitong tanong… kasi sa loob ko gusto kong sabihin na –
“Bakit ikaw di naman kita tinatanong kung
bakit ang ingay mo?” Lols.
Naalala ko lang yung klasmeyt kong transferee noong 2nd
year high school – si Rachel.
Katabi ko siya sa upuan. Mas tahimik pa siya sa akin. Sa mga ganung
pagkakataon, mas kaya kong maging maingay o makipag-usap sa mas tahimik pa sa
akin. Alam ko kasi (o baka assuming lang
ako hahaha) kung ano ang tumatakbo sa kanyang isip o kung anong uri ng tao
ang nasa loob ng ganung personality. In other words, nakaka-‘relate much’ ako. Kaya mas madali kong
ma-approach yung mga kauri ko na
tinatanong ng nakakainis na tanong na “Bakit
ang tahimik mo?”
Kaya tuwing first day of class, lagi ko na lang ini-introduce ang sarili ko bilang “timid
and shy” para wala na magtatanong, pero di ata nila natandaan o
naintindihan hahaha.
Hanggang sa natutunan ko ang tungkol
sa introvert and extrovert personality,
na how I wish ay alam sana ng marami.
Kasi lugi naman yung mga introvert…
laging tinatanong ng “Bakit ang tahimik
mo?” (paulit-ulit hehehe). Minsan
nababansagan pa ngang anti-social.
Nung high school at college,
mahilig akong mag-sagot ng mga personality
test kapag nagsu-surf sa internet… and as always laging introvert
ang interpretation sa mga sagot ko. And through further readings, research and
study (wow meron?), mukhang akma
naman talaga sa akin yun.
Kaya naiintindihan ko ang tahimik
kong mga estudyante. I know, maingay
sa kanilang loob. Hindi dahil nasa loob ang kulo nila (na napaka-judgmental na idea), kundi alam ko na ang kanilang isip
ay napupunta sa kung saan-saan, nakakapag-isip ng kakaibang mga ideya, may mga visions at may matinik na paraan ng
pag-oobserve. I always like how the introvert people talk… because every word coming
out from their mouth makes sense… you know hahaha. (effort maghalo ng english lols)
I think yung mga kauri ko ay very particular sa details. Minsan nga habang kumakain kami ng mga kasama ko feeling ko nailalabas ko ang sarili ko
sitwasyon, yung parang pinapanood ko lang sila. Kaya kong i-describe kung gaano ka kapangit ngumuya hahaha, kung gaano kaayus ka gumamit ng
tinidor at kutsara, ang expression ng
iyong mukha kapag nagsasalita o tumatawa, kung ano yun ginagawa ng iba habang
nagkukwento ang isa, kung may tira pang pagkain sa plato mo, kung lagi ka bang
nag-iiwan ng inumin sa baso, yung enjoy na enjoy kumain, yung kung anu-ano ang
inihahalo sa pagkain, yung gusto pang kumain kahit tapus na siya hahaha, yung totoong tumatawa sa
nakikitawa, yung nakakaintindi sa usapan at yung iba dedma na lang matatapos din
ang topic na yan, at kung anu-ano pa.
Nung lumalaki na ako (parang hindi akma ang word na lumalaki
haha), I feel annoyed kapag may
nagtatanong sa akin ng “Bakit ang tahimik
mo?”. Hindi ko kasi makita yung reason
kung bakit iyon ay tinatanong pa; katumbas nung tanong na “Okay ka lang?” eh nakita mo na nga na hindi naman talaga siya okay. Whenever I feel comfortable sa mga kasama ko bigla na lang malakas
na ang tawa ko o kaya ay marami na rin akong kwento. Hindi ko alam kung bakit
ganun. Basta nangyayari na lang… at sa iilang grupo ng tao lamang. (choosy?)
Oo, sabi ko sa mga estudyante ko
importanteng tanong ang “Why?” lalo
na sa science. Pero minsan ang mga
taong nagtatanong ng “bakit?” ay
nakakainis ng kaunti (dapat sana ang
ilalagay ko ay magpaka-shunga ng kaunti haha, pero ayan na nailagay ko na rin
naman), lalo na yung tanong na –
“Bakit ang tahimik mo?”
O
baka… hindi ko lang din ma-gets ang
tanong na iyon. Paki-explain lol.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento