Ika-12 ng Oktubre, 2014
Linggo, 7:10 ng gabi
Nakagugulat naman yung biglang
papasok si mudra sa kwarto ko (kani-kanina lang) para lang sabihin na “Hay naku Jep, maya-maya na kayo kumain.
Hilaw pa yung sinaing ni Papa mo,” sabay
labas sa kwarto.
Mabuti na lang hindi niya nakita
yung pinagkakaabalahan ko sa netbuk…
…yung blog ko at blog hopping. Lols.
Maulan ang panahon ngayon. Nakaka-miss yung nakakakilig na lamig sa paa
kapag naka-tsinelas ka lang habang naglalakad
sa basa at medyo maputik na daan. Yung kumukulubot na yung paa mo sa pagkabasa
dulot ng lamig ng ulan.
Hindi na ako makausad sa kwento ni Amapola…
…ilang araw ko na siyang nakakatulugan
sa kama. Sana mamaya maumpisahan ko na ulit ang pagbabasa para ma-meet ko na ulit ang mga alter ego niya.
Eh kasi naman… antukin at tulala.
hmmm Ricky Lee book ☺
TumugonBurahinbiglang napaisip ako kung babasahin ko sya lolz
try mo Rix :)
Burahinkala ko kung anong ginagawa sa kwarto lol
TumugonBurahinsir bino! babalik na? yey :)
BurahinI've always wanted to read that. hehehehe
TumugonBurahinI've always wanted to... finish reading that book :)
BurahinFilipino authors FTW! Nabasa ko yung life story ni Ricky Lee, at oo nga, gusto ko na din magbasa ng iba pa nyang books! Review Cher ha!
TumugonBurahinYan ay kung matatapos ko ito cher Kat :)
Burahin