TICTAC


Ika-23 ng Oktubre, 2014
Huwebes, 4:34 ng hapon


            Malamig sa faculty kaninang umaga (pasado alas diyes ang oras) habang nagri-record ako. Mahina lang naman ang aircon sa faculty pero nakadagdag sa lamig ang medyo maulan na panahon.

            Ang lamig.

            Pati mga tao sa paligid ko, ang pakiramdam ko sa kanila ay malamig.

            May ilan na maaari kong lapitan para kausapin o makipag-chikahan pero mas pinili kong maging busy sa aking ginagawa dahil naisip ko ‘pag umuwi na ako wala na akong magagawa ulit. Tamad.

            Medyo mahirap mag-focus kanina. Kayang kong i-record ang mga hawak kong papel, pero tumatagos ang tingin ko sa mga ito. Parang na-miss ko bigla yung mga dati kong kasama. Yung tipong kahit busy kami sa paggawa ay naisasabay pa rin namin ang daldalan. Ngayon kasi napaka-objective ng mga pakikipag-usap ko. Opinionated naman akong tao, pero hindi ko magawang maitapon ang interes ko sa kanila. May iilan na pwede pero pinili ko ngang mag-busy-busyhan. Ayoko ng small talk.

            Pareho lang naman de-aircon ang faculty na pinanggalingan ko noon at sa ngayon. Pero mas nanunuot ang lamig sa ngayon. Ang emo ko lang.

            Sa dati kasi para kaming mga immatured na nilalang hahaha. Kapag bumanat ng joke ang isa pwede maki-ride on ang lahat, havey man o waley ay keri pa rin!

            Yung makipaglaitan na nakaka-engganyo na manlait pa lalo. Pero walang nasasaktan, may napipikon lang hahaha. Sa mga kasama ko noon inaabangan ang kakaiba / maling pagbigkas ng mga salita, at automatic word of the day na yan! Kaya ingat na ingat kami sa pagsasalita lalo na kung ingles, dahil di ka pwedeng mag-explain o magdahilan, matinik ang pandinig nila hehehe.

            Mas naa-appreciate kong lalo ngayon ang mga foodtrip namin dati ng mga kasama ko. Damang-dama ko na yun talaga ang bonding namin, at hindi para may mai-post sa nakakaumay na fb hahaha. Ngayon kasi, nabababawan ako sa mga sinasamahan kong ‘foodtrip thing’ kasi wala ata na hindi nai-post sa fb, pakiramdam ko – “Yung totoo, bonding o picture? Hindi pwedeng both.” Lol. Nalalabnawan ako sa bonding. Pakiramdam ko mas nananaig sa kanila na may maipakita sa fb kaysa namnamin yung moment na magkakasama kami. Di tulad ng mga kasama ko dati, kahit simpleng chicha lang, nanunuot sa pagsasalo namin ang samahan, kwentuhan at pati na okrayan hahaha.

            Ang tanging ikinasaya ko lang ay yung araw na sabay-sabay kaming kumain ng tanghalian kasama ang ilang seasoned teachers. Gustong-gusto ko ang presensya nila (mga seasoned teachers), may calm and warm effect. Hindi ko alam kung bakit, basta ganun!

            Ilang araw na ang nakaraan, sakay ng mausok na jeep, bigla na lang naibulalas ni mudra

            “Bumabalik na yung kulay mo ah, hindi ka na maputla. Iniinom mo ba yung ferrous sulfate mo?”

            “Oo, di ba bumili ako nung nakaraan… araw-araw umiinom ako,” kahit di naman hahaha. Kung di pa nga niya nabanggit di ko maaalala, mabuti na lang nakapagpapa-pula ng kulay ang masikatan ng araw (pati na rin ang mausukan).



Ang totoong mint flavored tictac (kaliwa),
at ang mga tableta ng ferrous sulfate (kanan)...
...na aking nilalaklak.
Reduce. Reuse. Recyle. Lol.

Mga Komento

  1. Nag change ka ba ng faculty or ng school? May similarity yung last school ko and my feelings toward it with the school I work now from your post. Very interesting! Question, anong basehan ng seasoned teachers, ilan taon bale? Baka nasa Maggi club na rin ako, puwede na tayong mag tsikahan.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. School po sir Jo, pinalad akong makapasok sa public nitong school year.

      Yung mga seasoned teachers ay yung mga matatagal na, ayoko naman sabihin na matatanda na :) Hindi ko alam sir Jo kung ilan taon ang basehan, mga 20 years pataas siguro...

      Burahin
  2. Akala ko tictac lang ininom. May Ferrous sulfate din pala. You moved to a new work place? I do not have work mates. I work alone kaya I find this post interesting. Hi Jep! :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Anemic po kasi ako eh :)
      From private to public school po ako lumipat.
      Ano po bang work ninyo? Sariling business?

      Hello Ma'am Lili! Salamat sa pagbisita :)

      Burahin
  3. awww naalala ko lang bigla yung fave teacher ko na lumipat sa public school. ang galing galing pa naman niyang magturo.

    anyway masasanay ka rin i guess. siguro bahagi yan ng pagaadjust mo at baka soon enough mahuli niyo rin kiliti ng isa't-isa. hehe

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. sana nga magkilitian na rin kami soon hahaha :)

      nag-aadjust pa nga marahil, pero tiyak ko na yung mga magiging bago kong kasama (kahit ilan lang) ay sila na talaga :)

      Burahin
  4. hay new environment kasi Sir. so nasa adjustment period pa. Pero syempre mahirap nga ang maramdaman mo na parang nahiwalay ka sa mga kaututang dila mo dahil nga naging mas comfortable ka na na ipakita sa kanila ang totoo mong sarili

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento