Ika-18 ng Oktubre, 2014
Sabado, 4:32 ng hapon
Isang grading period ko pa lang sila nakasalamuha, natuturuan at
kinabubwisitan hehehe. At hindi naman
siguro makatarungan na hanggang ngayon ay hindi pa rin nila alam ang aking
pangalan o kahit pa ang tamang spelling
nito.
Matapos mangalay ng kamay ko kaka-check ng kanilang periodical test, natawa na lang ako sa sari-saring bersyon ng aking
name. Narito –
1. Jep Buendia – Oo, ito ang
nakalagay na panglan sa masking tape ko kaya siguro ito rin ang naisulat ng
batang ito. Pero nakapa-close naman namin para gamitin niya ang Jep Buendia.
2. Sir Bindiya – Parang binastos
naman yung apelyido ko. Nasaan ang
hustisya! Lols.
3. Sir Guendia – Lokohan na ito.
4. Sir Gwendia Abuen – Aba, ako
nga ba talaga ang teacher ng batang ito?
5. Mr. Buendiya – malapit na
maging Buwaya.
6. Sir Jeff – eto, close na
close kami nito, Sir Jeff lang talaga.
7. Sir Buen Dia – tama na sana eh, may space pa.
8. Sir Vuendia – sosyal, V as in victory.
9. Mr. Bendiya – bastusan na talaga hahaha.
10. Sir Guindia – hindi ko na ito maatim.
Ang
sampung bersyon na yan ng aking panglan ay nanggaling lamang sa 2 out of 5 sections na hawak ko. Hindi
ko na hinanapan pa ng ibang bersyon ang natitirang tatlong pangkat, dahil mukhang
hahaba pa ang listahan.
Sige…
sa umpisa ng 3rd quarter,
pagkatapos ng sembreak na ito,
magpapakilala ulit ko.
Mabigyan nga ng plus 5 ang lahat ng tumama sa pangalan ko… in their dreams!
minus ten na lahat yan!!!! lol
TumugonBurahinbaka di na pumasa hehehe :)
Burahinnyahaha alam mo may funny story ako sa isang teacher nung Highschool. Iglesias ang last ng ginoong guro pero ang sinulat ng estudyante ay "Egglessya" ahahaha
TumugonBurahingrabe naman hahaha :)
Burahinparang mayaman / maharlika pa naman ang dating ng "Iglesias" tapus naging "Egglessya"... eggless? lol