Lumaktaw sa pangunahing content

ESSAY


Ika-18 ng Oktubre, 2014
Sabado, 10:29 ng umaga


            Nung huwebes, habang nag-iisa ako sa science room, nakaramdam ako ng pagkabagot sa pagtsi-check ng papel ng mga estudyante kong grade 7




            Natanong ko sa sarili – “Bakit ba kasi ako nagpapa-essay… dami ko tuloy babasahin.” Hindi naman sa nagrereklamo… nakakaumay lang magbasa hehehe. Natatakot din ako kung paano ko nagagawang intindihin ang kanilang mga sagot kahit pa mali ang grammar. Nababahala ako na baka masanay ako sa pag-intindi ng kanilang maling grammar sa ingles, baka ma-adapt ko hahaha. Kaya kapag nakakatapos akong mag-check ng kanilang mga essay, nagbubuklat ako ng ingles na libro para masabi o mapaalalahanan ko ang aking utak na ‘ganito’ ang tamang English lols.

            Bakit nga ba ako nagpapa-essay… pwede namang identification / true or false / multiple choice ang mga quiz ko. Hmmm… bukod sa paminsan-minsa lang naman ito…

            …siguro natutuwa lang ako kapag nakasasagot ng tama at nakapagpapaliwanag ng maayos ang mga bata. Yung tipo ng pagkaintindi sa lesson na hindi mababaw kasi nga mas may proseso ang pag-iisip ng sagot kapag essay type ang quiz. Saka, dun ko nakikita kung paano mag-isip ang isang chikiting. Meron kasing tahimik lang pero pag bumanat ng sagot sa essay ay tumpak! Meron namang maboka sa recitation pero pagdating sa pagsulat ng sagot sa papel ay gulo-gulo ang mga ideya, masabi lang na napuno ng sagot ang papel lols.

            Marami ring mga balakid para sa akin (bilang taga-check), bukod sa nakaka-lurkey na ingles, kaunti lang ang may maganda at maayos na penmanship tulad ng sa akin whahaha. Pero ang mahalaga, kahit parang pilipit na dila ang mga sagot nila, nakikita ko yung kanilang effort, na kung pwede lang nila ikuwento na lang sa akin yung kanilang sagot malamang mas napabuti pa ang aking buhay!

            At syempre hindi mawawala ang –

            “Sir, pwede tagalog?”

            “No.”

            “Taglish sir?”

            “No.”

            Oh di ba, tipid na tipid din ako sa sarili kong pag-i-ingles hahaha. Pa-NO NO na lang.

            “Sir, ano English ng ____ (salita o kaya minsan buong sagot na pinapa-english),”

            At ang tanging sagot ko lang ay…

            “Dami mo na tinanong sa akin, ako na kaya sumagot d’yan sa quiz mo. Kaya mo yan!”

            Hehehe… Hey buhay…


Mga Komento

  1. Ahihihi... Kids! Wahahaha.. A for Effort nga naman 'cher Jep!
    Sa grade 3 puro pa lanv kami cloze exercises. Kakapagod din gumawa ha. Ayun nga lang madaling magcheck.
    Sembreak na! Woohoo sa kanila :P

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...