"…and mudra saves the day!!! Hooray!!!"


Ika-01 ng Oktubre, 2014
Miyerkules, 6:19 ng gabi


            Ok na sana na dumating ako sa faculty (kaninang umaga) mga limang minuto bago ang klase. Naisip ko may kaunti pa akong oras para kunin yung mga gamit ko at mag-ayos. Pero…

            …pagbukas ko ng aking bag…

            …leche flan! Siomai!

            Naiwan ko yung salamin ko!!! At hindi kakayanin na umuwi pa ako at bumalik sa school sa loob lang ng 5 minutes. Na-stress ako ng biglaan hahaha.

            Nagpapanggap na nga lang akong may nakikita habang naglalakad kanina mula sa gate ng school papunta sa faculty tapus naiwanan ko pa pala yung salamin ko sa mata.

            Kaya no choice, bitbit ang aking mga gamit sa pagtuturo (wow parang totoo hahaha) naglakad na ako sa hallway papunta sa unang klase ko. Lahat na lang tuloy ng masasalubong ko sa hallway ay nginingitian ko na lang dahil hindi ko sila ma-recognize sa malayo (o kahit nga medyo malapit na, nearsighted eh), baka kasi masabihan na naman akong “ isnabero / hindi namamansin”. Sige na, kayo na malinaw mata. Lols.

            Mabuti na lang nakapagpa-load ako mula sa isang co-teacher, syempre sa mga ganitong sitwasyon, sino pa nga ba ang makatutulong sa akin… wala nang iba kundi…

            …si Wonder Mudra!

            Kaya pa-simpleng nag-text ako kay mudra habang nasa klase (habang may pinapagawa sa mga estudyante)




            Akala ko maya-maya lang ay darating na ang mahiwaga kong salamin pero medyo natagalan.

            Nahihilo na ako sa klase dahil wala akong makita. Hindi ko ma-recognize ang mga bata. Kailangan ko pang mag-effort na lumapit para masilyan ko kung sinong kutong lupa ang nagpapasaway hehehe. Pero habang nasa unahan ako ng klasrum, lahat sila ay blurred! Idagdag mo pa na para akong nasa roller coaster kapag tayuan ng tayuan ang mga bubwit na students, mas lalo akong nahihilo sa kanila. Kaya more ang effort kong manatili silang nakaupo.

            Natapos ang unang klase ko at wala pa rin akong salamin. Dalawang sunod pa ang papasukan kong klase… at hindi ko talaga kakayanin… mabuti na lang habang nasa ikalawang klase na ako nag-text na rin sa wakas si mudra




            …and mudra saves the day!!! Hooray!!!

Mga Komento

  1. hay i know the feeling nang walang salamin!!! struggle talaga! hehe

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. korek! gusto ko na nga i-try yung laser na treatment, kaso mahal :)

      Burahin
  2. Buti sa'yo naiwan mo lang. Ako, na-experience ko nang masiraan ng salamin habang nasa biyahe. Nakaka-panic, para akong nabulag. *hahaha*

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Nakaka-panic talaga hehehe.

      Takot akong mag-byahe sa gabi lalo na't walang suot na salamin. Pag nasa kalsada di ko matantiya ang mga sasakyan, at lalong hindi ko mabasa ang mga karatula.

      Burahin
  3. Tayo tayo lang ang nakakaunawa ng lubusan kung gaano kahirap ang mawalan ng salamin, lalu na kung near-sighted ka. Ang grado ng mata ko ay 400 sa left at 500 sa right (I'm not sure kung ganitong measurement ang gamit sa Pilipinas).

    Ok naman minsan na hindi ko sinusuot ang salamin ko kasi may pagka suplado din ako, ayokong makita ang sangkatauhan lalu na kung hindi ko kailangan ng mga walang kwentang human interaction sa araw na iyon, hehehehe!

    Galing talaga ni mother. Para lang nung estudyante ako, pagmay naiwan sabay tawag agad sa bahay para ipahabol. hahaha! At the time, may cellphone na noon ako. Life became easier. Pero nung elementary at may naiwan kang gamit, patay!

    Mothers will always be there....

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Ang taas ng grado ng mata mo Mr. Tripster. Akin 275 lang, hirap na ako, pa'no pa kaya ang 400 at 500...

      Ganyan din ako kapag nasusuya sa ilang tao sa mundo hahaha. Mas pipiliin ko na lang na wag magsuot ng salamin para hindi ko sila masilayan :)

      Burahin
  4. Wala man lang thank you kay mudra, ser jep!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Ou nga sir, d man lang ako nakapag-thank u...

      ...ewan ko ba.

      Burahin
  5. In fairness maayos mag text si mudra haha! Malinaw ang mata,,

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento