"...isipin mo na lang na ‘tomorrow is another day’ bilang pampalubag loob sa iyong nakaraan."


Ika-01 ng Nobyembre, 2014
Sabado, 6:41 ng gabi


            Napakahaba ng dumaang linggo… damang-dama ko ang pagka-haggard ko.

            Minsan pakiramdam ko ay dalawa ang katumbas ng isang araw. Naaalimpungatan ako kapag nakakatulog sa hapon. Nung huwebes, nagising ako ng 6:41 (oras sa aking cellphone), muntik na akong lumipad patungong eskwelahan kasi akala ko late na ako… yun pala 6:41 PM… akala ko kinabukasan na ako nagising (eh 6:00 AM ang pasok ko). Sumakit lang ang aking ulo.

            Hindi ko alam kung masaya o malungkot na eksena ba ang sumakay ng LRT. Nakakatawa kasi na makita mo kung paanong nayuyupi ang mukha ng isang mananakay kapag ipinilit pa niyang makasakay sa tren na punong-puno na ng mga pasahero. Yung tipong pagsara ng pintuan ay dikit na dikit na ang kanyang face sa salamin. Nakakalungkot kasi… ano ba… ganito na lang ba lagi ang kapalaran sa ‘Pinas… masikip… mabagal.

            Ang nagdaang linggo ay nagturo sa akin ng kahalagahan ng pagmu-move on (pero hindi sa pag-ibig dahil wala naman ako nun hahaha). Pag-move on mula sa lahat ng mga ‘haggard things’ na nangyayari sa iyo. Dapat lagi kang makaalpas mula sa mga nangyari sa iyo sa nakalipas na araw, linggo, buwan o taon. Ang pag-iisip mula sa mga bagay na nakalipas na ay walang patutunguhan. Sa halip, isipin mo na lang na ‘tomorrow is another day’ bilang pampalubag loob sa iyong nakaraan.

            At isa pa, wag mong iri-recommend sa kaibigan o kasama mo ang isang libro (na gusto mong bilhin) na nahanap mo habang kayo ay nasa ‘bargain book sale’. Dahil kapag kinuha niya yun, di mo naman gugustuhing agawin yun sa kanya para mapasaiyo ulit. Sa mga ganung eksena, mas pipiliin mong isalba ang inyong pagkakaibigan kaysa sa libro na gusto mo hahaha!!! Di ba…


Mga Komento

  1. Nangyari na sa akin yan, biglang akong gigising at kakaripas ng takbo, yun pala linggo at walang pasok. Nakakahaggard nga ang buhay buhay. Trabaho, pagbibiyahe, pakikisalamuha sa mga tao, lesson planning, at pagpapahingang hindi naman nakatulong dahil mas pagod pa tayo.

    LRT person din ako since sa Manila ako nag work for six years. Siksikan pero hindi kasing tulad ngayon. Iniisip ko na lang na mas magandang sumakay sa LRT natin kesa sa Tsina dahil maantot at madamo ang mga kili kili ng mga babae, lol!

    Move on, kailangan ko rin niyan at hindi yan patungkol sa love life. Patungkol ito sa mga bumabagabag sa aking isipan araw araw.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Minsan talaga napapaisip ako sir Jo na buti pa ang mga nagwowork sa corporate world paglabas ng trabaho tapus na rin ang obligasyon, pero kapag guro ka tuloy-tuloy lang ang paggawa hanggang sa bahay lols :)

      Hahaha :) Maantot talaga sir? :)

      Yeah... mag-move on tayong lahat!

      Burahin
  2. Ako kailangan ko nyang move on na yan. Patungkol sa love life HAHA

    TumugonBurahin
  3. Move on talaga ang topic.. haha lahat nakamove on na trapik na lang yata ang ayaw,, ...
    buti ka pa nagigising ng 6:41PM haha.. at least may hapunan pa..

    TumugonBurahin
  4. Nangyari na rin sa akin 'yan. Nakatulog ako pagkagaling kong nagsundo sa eskuwela ni "the boy". Pagkagising ko, dali-dali kong kinuha ang bag ko at susi ng sasakyan. Ngek. Akala ko lampas 2:30 ng hapon na, yon pala nasa kwarto na niya si "the boy", at oras na ng pagluluto ng hapunan.

    Naiimagine ko yang LRT. Parang subway ng New York kung weekdays. Gustong-gusto kong magpunta doon minus the masikip at sisikan ride sa tren.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Ang sakit pa naman po sa ulo kapag naaalimpungatan.

      I-try niyo po ang LRT lalo na kapag rush hour, the best! Hehehe :) Kapag nakabalik po kayo sa Pinas, it's more than the usual :)

      Burahin
  5. GUsto ko ung topic of moving on sa mga nakaka haggard sa buhay. and tama, traffic and haggard sa mrt lrt nalang ang hindi pa nag momove on hanggang ngayun.

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento