Mga Pahina

Miyerkules, Nobyembre 19, 2014

"Magsasabit ako ng medyas sa krismas."


Ika-19 ng Nobyembre, 2014
Miyerkules, 7:23 ng gabi


            Dahil sa nagtanong pa ako kung ano yung pinapa-try ni Ma’am A kay Sir O… yan tuloy nabasbasan ako ng magic word na “Try mo rin Sir!”… sabay kuha sa kanyang mahiwagang bag ng –



            Akala ko kasi pampatanggal haggardness yung pinag-uusapan nila, yun pala masculine wash. Lol. Ma-try nga bukas para feeling fresh lang hahaha.


x-o-x-o-x


            Leche flan…

            Nung isang araw, pumalakda sa klasrum ang aking cellphone… yun na nga lang yung ang kauna-unahang tatskrin kong phone tapus nawaley pa. Boom na boom ang paglagapak… ang resulta, natigbak! Wala pang dalawang taon ang itinagal. Mabuti pa si Nokia 3500c, apat na taon kong nagamit.

            Kaya ngayon nga-nga… nanghihiram ng cellphone kay mudra…

            Maghihintay na lang kay Santa. Magsasabit ako ng medyas sa krismas.

2 komento:

  1. Bumabaho na ba tayo at kailangan na rin ng wash, ha,ha,ha. Bad trip yang malaglagan ng cellphone, mahal pa naman ang screen ipa repair. Magsabit ka ng sako, hindi medyas at baka mabiyayaan ka ng mga estudyante mo.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Naku sir baka basura lang makuha ko sa sako hahaha :)

      Burahin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...