Lumaktaw sa pangunahing content

Sino si 3500c?

Bilang pagkilala sa natatanging serbisyo ng pamato kong cellphone na nokia 3500c, napag-isipan kong sya ang i-feature ngayon haha :) Kung si Faye ang unang taga-ibang planeta na na-feature sa blog ko, ang gula-gulanit kong cellphone naman ngayon! :)


Sya ang dahilan kung bakit wala akong 'friendship phone'. Lahat ng mga kaibigan ko sa faculty naka samsung galaxy... ako ganun pa din- keypad kung keypad. Sila na ang touch screen at wifi, ako naman ang may cellphone na pedeng ipanlaro sa tumbang preso LOL :)


Pero bakit nga ba di ko sya maiwan? Heto ang mga dahilan: (naglista pa?)


1. Bigay yan sa kin ng panganay kong ate bilang birthday gift. Ika nga eh, may sentimental value.
2. Dahil sa cellphone na yan, natutunan kong i-appreciate ang pagmumukha ko haha :)
3. Nag-feeling photographer talaga ako sa 2megapixel nyang camera :)
4. Yan lang naman ang madalas kong maihagis tuwing nag-aalarm sa umaga. Mabuti nga't buo pa rin sya, matibay!
5. Bukod sa taga-gising sa umaga, sya rin ang gamit ko para gumawa ng to-do-list at whatever na dapat kong gawin na hindi ko naman talaga ginagawa.
6. Higit sa lahat, sa halos apat na taon kong paggamit sa kanya, marami nang mahahalagang bagay ang nakalagak sa kanyang memory- mga text ng kaibigan, mga importanteng contacts, mga picture, mp3 at video. Dulot nya ay ligaya :) San ka pa? Bili na!


Gamay na gamay ko na ang paggamit sa kanya, kahit nakapikit kayang-kaya! (weh?)
Yan na talaga ang naging ka-buddy ko sa buhay. (makapag drama lang)


Minsan nga eh nung nagbike kami eh nalaglag yan sa kalsada, dahil nakita nilang isang malaking pamato ang cellphone ko halos walang gustong pumulot, di rin nga ata tatangkain nakawin yun eh :) Talagang ipinagsigawan pa nung ale na nalaglag yung cellphone ko tapus ang ending nagkatamaran pa silang pulutin yun :) Pero may naawa namang isang mabuting mamamayan ng Pilipinas :) may paparating kasi na jeep kaya pinulot na nya, kundi pa dahil sa kanya malamang durog na ang mahal kong nokia 3500c. (eh di sana nakapag samsung na ako hehe, ginusto ko pa palang mangyari yun)


Heto naman ang ilan sa mga captured moments ng aking ka-buddy:
(ito yung mga tipong baliw-baliwan mode)


#1. Ito yung hagdan malapit sa lalagyanan ko ng mga libro at kung anu-ano pang mga papel. Sa likod ng kurtinang yan ay ang mga sandamukal na files (files talaga ang ginamit kong term para sa kalat hehe) at yang hagdan na yan ang ginagamit ko para abutin yung mga nasa taas na files lol. Parang library lang di ba? Pero wala na ito ngayon. Winasak at ninenok na ng sanlibutan.





#2. Ito ang ginagawa ko sa mga naka-kalat na 25centavo sa bahay namin. Haha, halatang wala lang magawa sa buhay.









#3. Ito naman ang pinagkakaabalahan ko kapag ayokong makinig sa mga prof ko nung college, napaka ganda kasi nung sunset sa may bintana ng room namin, kaya madalas dun ako napapatingin.
















#4. Madalas ko ring kunan ang malalabo kong mata. Baka luminaw lang :)












#5. Pati mga gagamba ay di naliligtas sa akin lol. Wagas tong gagambang to, ginambala talaga ako nyan para magpa-picture.
















#6. Syempre di rin mawawala sa eksena ang mahal kong watawat. Ang drama kasi ng pagwagayway ng flag na to kapag humahangin.
















#7. At akala ko talaga ay malapit na ang end of the world nang makunan ko ang eksenang ito matapos naming kumain ng mga kaklase ko sa Mang Inso. (promotion lang, sa malinta po yan)
















#8. Pati ang antigong tasa na minana pa namin sa aking lola ay napagdidiskitahan ko rin. Yan ang madalas kong gamitin sa pag-inom ng kape. Nakakalungkot lang kasi basag na yan. At least may picture na, di na sya mababasag lol.
























#9. Halata bang mahilig akong kumuha ng mga larawan ng hagdan? Iba talaga ang tama ng hagdan sa akin. Siguro ang ikamamatay ko ay yung pagkahulog sa hagdan hehe. Pinipili ko lang talaga na sana maganda naman yung hagdan na huhulugan ko. (napaka morbid)






















#10. Ipinagmamalaki ko ang konsepto ng center of gravity. Medyo epic fail lang ang pagkakadaya ko dito :)




























#11. Kuha ko ito noong kasagsagan ng bagyong Ondoy. Wala na akong makitang maganda noon sa paligid, puro baha, putik, burak at mga basura. Hanggang napansin ko habang nag-eemote sa bintana na may naka dikit na dahon sa salamin. Wala lang. Naramdaman ko lang ulit ang presensya ng hope kahit lubog kami sa baha.
















#12. Yan naman ang bestfriend ko sa science lab. Laging sya ang kaharap ko tuwing may quiz kami :) Hindi naman talaga ako nangongopya nung Anatomy class namin eh, dahil nasa harap ko na ang kasagutan haha :)




























Ilan lang yan sa mga moments sa buhay na maaari kong i-share nang dahil kay nokia 3500c.
Hehehe, feeling ko talaga pag nabasa to ng may-ari ng nokia ay bibigyan nya ako ng unlimited supply ng cellphone at gadgets!!! (yun lang eh kung maiintindihan niya ang lahat ng ito).


:)

Mga Komento

  1. ganda ng mga shots. cgurado may future ka sa photography.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. salamat :) gusto ko rin talagang matuto about photography :) gusto ko rin makabili ng isang mahusay na camera... kelan kaya yun? :)

      Burahin
  2. Yang mga naka samsung na yan at yang cellphone mo, walang laban yan sa NOKIA 1110 ko! Bakit? may flashlight ba ang sa inyo at snake?! hahahaha!

    Hindi ako fan ng mga touchscreen. I still prefer yung may keypad. Nasira na kasi yung blackberry ko kaya bumalik na ako sa aking good old nokia phone.

    Refreshing din for the soul. Makes you realize the importance and value of things in a time where everybody's indulging with their senseless refined domestic consumption (other words: waste).

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. ibig sabihin, swerte pa pala ako sa 3500c ko :) pag naglabasan na kasi ng cellphone feeling primitive ako sa gadget ko hehe :) pero oks lang naman din, di rin kasi ako yung sunod sa "uso" lang or para may "bago" lang, satisfied pa rin naman ako sa 3500c ko kaya di ko sya mapalitan :)

      Burahin
  3. ui pwede to sa Nokia contest sa PEBA a!

    ako din, gang ngayon kahit lahat na naka-smart phone, di ko pa rin ma-dispose ang aking antigong cellphone. yaan na natin sila, dami nilang pera haha :D

    sensya na po kung napa-epal, napadaan po!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. salamat sa pagdaan :)uhm, mukhang may mga kaanib na akong mga nilalang na gumagamit pa rin ng mga lumang model ng cellphone, sige magtatayo tayo ng grupo para dyan hehe :) anu yung PEBA? (pagkakakitaan ba yan lol)

      Burahin
    2. Naalis ng may-ari ang komentong ito.

      Burahin
    3. oo lol yearly to sa peba, am sure mababalitaan mo rin to pag lumabas na ang contest :)

      Burahin
  4. hahaha...pinagtagpo ng pagkakataon? nokia 6670 naman yung saken...may access ng internet to kaya panis mga cp nyo...ginto pa presyo nito 8 years ago..pero kagaya mo may sentimental value din ito saken kaya di ko pinapalitan bukod sa wala talaga akong pambili ng mga "taskrin" na cp...enway keep on blogging sir..

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. haha high end yang cp mo kumpara sa kin, akin din naman may internet nuh, madalas lang wala kasi wala rin akong panload :)saka slow motion na kasi to, madalas kasing magpatiwakal ang cp ko sa hagdan, sa bag, sa kama, sa kalsada, kita mo buo pa! sey mo? hehe. salamat sa pagdaan:)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...