Naisip Ko Lang

Kapag ba bakasyon, lahat ay nagbabakasyon talaga?
Yung iba wala lang talagang pasok tulad ko :) Kaya di naman talaga bakasyon, wala lang pasok. Therefore, anung gusto kong patunayan? Wala. Wala lang.


SA BAHAY
___ Nakakatawa lang. Tatlo na nga lang kaming nandito sa bahay (ako, yung tatay ko at yung kontrabidang kapatid ko hehe), di pa kami nagkakausap :) Feeling ko talaga di naman mga kapamilya ko ang kasama ko dito, actually room mates lang kami lol. Walang pansinan, kanya-kanyang trip- nuod ng tv, computer, kain, cellphone, tulog. Ayos di ba? :) Di pa kami sabay sabay kung kumain hahaha. Siguro aparisyon lang sila, ako lang talaga ang nag-eexist lol. Anung bago? Lagi naman ganito. Tulala ever :)


HOLY WEEK
___ In my 22 years of existence (Venus Raj?), I haven't done any major major, i mean, big event in my life during holy week. Nasa bahay lang ako, ganun lang. Isang linggo na ata akong di lumalabas ng bahay. Kahit nga dulo ng daliri ko ay di man lang makalabas sa gate. Lumabas na naman ang pagiging anti-social ko. Never ko pa talaga na-experience ang mag-alay lakad o mag visita iglesia pati na rin ang pasyon. Yung pasyon na-experience ko na pala (slight lang), kung di pa ako nagwork sa isang catholic school di ko pa yun magagawa. Sa tv ko lang talaga nararamdaman ang holy week- kasi walang ibang palabas kundi patungkol kay God. Hindi nga rin ako nakapag-reflect man lang. Ewan ko. Ang mahalaga di ako masyadong naging masaya, bawal ang sobrang saya kapag holy week di ba? :) Solve na.


MGA TELESERYE
___ Dati napakahusay ng mga pinapalabas na drama sa tv. Original. Ngayon, matapos nating magsawa sa malalanding teleserye ng Mexico lol, dinumog naman tayo ng mga Koreanovela. So, anu pang aasahan mo? Yung mga teleserye ngayon ay remake, copy cat, ginaya, kinopya, hinango at puto maya sa mga Koreans. Mula costume, buhok etc. Badtrip! Naloko na. Basta patok go! Kahit parang pwede mo namang ikwento yung isang bagong palabas ng ABS-CBN or GMA kasi alam mo naman na kinopya lang ang konsepto nito- di na pinag-isipan at di na rin gumawa ng bago. Pati pelikula ganun din. Kaya mas gusto ko pa mga indie films eh :) Saka manuod na lang sa youtube :)


MGA DOCUMENTARY PROGRAMS
___ Madalas kong pinapanuod yung replay ng mga magagandang episode ng iba't ibang docu programs ng GMA sa channel 11. Totoo. Sumasalamin sa katotohanan.Nakakapukaw ang kanilang mga ginagawa. Yung tipong di agad ako makakatulog sa gabi dahil iniisip ko kung pa'no, kahit sa simple man lang na paraan, ako makakatulong sa nakakaawang sitwasyon ng ilan sa ating mga kababayan. Mas malakas ang impact sa akin kapag edukasyon na ang pinag-uusapan. Ako bilang isang batang teacher (talagang dapat may adjective na bata? lol) Nakakalungkot kasi. Di na nga sapat ang kita, kalunos-lunos pa ang sistema at kalidad ng edukasyon sa ating bansa. Eh sino nga naman ang gugustuhing magturo? Kahit tawagin kang bayani ay di na rin sapat. Naisip ko rin, bukod sa magandang rating at awards na narereceive ng GMA dahil sa magaganda nilang docu programs, may iniiwan ba talaga silang tulong sa mga ipinakita nilang nangangailangan? Kasi wala ring saysay kung pinapanuod lang.


Sa dulo nito...
wala na inaantok na ako :)
Sana naman bukas...
It's really more fun in the Philippines :)

Mga Komento