PASKO
___ Parang pasko lang ang pagtatago ko dito sa bahay. After nine days na walang gala, lumaktaw lang ng isang araw, tapus eto nakakulong na naman sa sariling mundo :) Parang mga ninong at ninang lang na ayaw magpakita sa mga inaanak. Bakit nga ba di ako lumalabas para gumala? Simple lang- walang pera :) hahaha. Kaya di na rin ako nagbubukas ng facebook, nagtetext o kahit ano pa mang form of communication :) Allergic na muna ako sa mga salitang "labas," "gala," "event," "invited," "swimming," "birthday," "reunion," "sine," "mall" at "getaway" :) Wala pang kakayahan ang magic kalupi ko para dyan hehe. Badtrip! :)
SULAT
___ Minsan natanong ko ang isang kaibigan kung bakit napakahilig nya sa pagsusulat. Ang daming kwento, ang dami nyang ideya. Sabi nya, sa pagsusulat na lang daw kasi nagkakaroon ng katotohanan ang mundong inakala nya ayon sa mga bagay na kanyang pinaniniwalaan. Mas mabuti pa nga daw na magsulat na lamang sya, dahil sa tuwing naiisip nya ang totoong daigdig, naglalahong lahat ang paraiso sa kanyang isip. (who cares?) hahaha. Rolling in the deep :)
PASKO- yep, parang masarap pa rin talaga takasan ang mga tao during vacation. Hehehe... But don't lock yourself in your room. I'm sure there are lots of other things you can do. Happiness is just around, all you have to do is try to look for it harder (nagsalita ang natural born pessimist. hehehe!)
TumugonBurahinSULAT- writing is really a drug. Idiots and fools will never understand this gift. And at the same time, only the privileged can write and can understand the gift of writing. Pagtawanan na nila ang mga tulad namin. At least addicted lang kami sa mga words at stories, at hindi sa drugs or alcohol or nicotine. Kanya kanyang trip yan! Walang basagan ng trip!
#1: oo nga bakit napakadaling magsabi ng positibong advice sa ibang tao, samantalang pag sa sarili mo nega ka naman? :) ganyan din ako :) pero narealize ko rin na kahit kaunti lang ang pera basta nariyan ang mga kaibigan, oks na rin! (pero mas ok if may pera, mas masaya lol)
Burahin#2: na-guilty tuloy ako :) hindi ko naman po pinagtatawanan ang mga mahilig magsulat, dahil kahit papano kaisa ko rin sila :) masarap talaga ang magsulat, magkwento... feeling malaya! salamat sa iyong mga komento :)
Burahin