Lumaktaw sa pangunahing content

Pasko na!


PASKO
___ Parang pasko lang ang pagtatago ko dito sa bahay. After nine days na walang gala, lumaktaw lang ng isang araw, tapus eto nakakulong na naman sa sariling mundo :) Parang mga ninong at ninang lang na ayaw magpakita sa mga inaanak. Bakit nga ba di ako lumalabas para gumala? Simple lang- walang pera :) hahaha. Kaya di na rin ako nagbubukas ng facebook, nagtetext o kahit ano pa mang form of communication :) Allergic na muna ako sa mga salitang "labas," "gala," "event," "invited," "swimming," "birthday," "reunion," "sine," "mall" at "getaway" :) Wala pang kakayahan ang magic kalupi ko para dyan hehe. Badtrip! :)


SULAT
___ Minsan natanong ko ang isang kaibigan kung bakit napakahilig nya sa pagsusulat. Ang daming kwento, ang dami nyang ideya. Sabi nya, sa pagsusulat na lang daw kasi nagkakaroon ng katotohanan ang mundong inakala nya ayon sa mga bagay na kanyang pinaniniwalaan. Mas mabuti pa nga daw na magsulat na lamang sya, dahil sa tuwing naiisip nya ang totoong daigdig, naglalahong lahat ang paraiso sa kanyang isip. (who cares?) hahaha. Rolling in the deep :)



Mga Komento

  1. PASKO- yep, parang masarap pa rin talaga takasan ang mga tao during vacation. Hehehe... But don't lock yourself in your room. I'm sure there are lots of other things you can do. Happiness is just around, all you have to do is try to look for it harder (nagsalita ang natural born pessimist. hehehe!)

    SULAT- writing is really a drug. Idiots and fools will never understand this gift. And at the same time, only the privileged can write and can understand the gift of writing. Pagtawanan na nila ang mga tulad namin. At least addicted lang kami sa mga words at stories, at hindi sa drugs or alcohol or nicotine. Kanya kanyang trip yan! Walang basagan ng trip!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. #1: oo nga bakit napakadaling magsabi ng positibong advice sa ibang tao, samantalang pag sa sarili mo nega ka naman? :) ganyan din ako :) pero narealize ko rin na kahit kaunti lang ang pera basta nariyan ang mga kaibigan, oks na rin! (pero mas ok if may pera, mas masaya lol)

      Burahin
    2. #2: na-guilty tuloy ako :) hindi ko naman po pinagtatawanan ang mga mahilig magsulat, dahil kahit papano kaisa ko rin sila :) masarap talaga ang magsulat, magkwento... feeling malaya! salamat sa iyong mga komento :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...