'Da best' talaga yung teacher ko nung grade 2 nang sabihan nya ako ng 'utak galunggong'; salamat kay Ma'am Manalese nung araw na yun dahil mula umpisa hanggang sa matapos ang araw ko sa eskwelahan ay walang tigil ang mga dugyot kong kaklase (haha makaganti lang) sa pangungutya sa akin at paulit-ulit na pang-aasar ng utak galunggong sa akin hanggang sa labas ng gate ng school. Mga panget na yun, utak hangin naman! (bitter lang?)
I tried to imagine kung ga'no ba kalaki ang utak ng galunggong at bakit naman naikumpara ako dun :)
Ang eksena kasi ay ganito: Na-late ako ng pasok sa klase nya nung araw na yun, dahil isa rin ako sa mga napili para kumuha ng test na susukat kung gaano kahusay ang naging pagtuturo ng mga guro sa amin (yun ang pagkakatanda ko). Sabi nung proctor sa amin nung orientation ay dumeretso na daw kami sa mga testing rooms, so yun naman ang ginawa ko (masunuring bata). Eh ang plano pala ni ma'am ay pumunta muna kami sa kanya para makapag-review at nang makakuha naman kami ng mataas na score. At yun na nga, bilang pagsuway sa kanyang utos, pagpasok ko pa lang sa room ay nag-iinit na ang kanyang ulo;
Sabi nya: Bakit di kayo dumaan sa akin?
Sabi ko: Eh sabi po nung proctor dumeretso na daw po kami dun sa testing room.
Sabi nya: Hindi ba sinabihan ko kayo na dumaan muna sa akin! (habang nanlalaki ang kanyang mga mata). Kung hindi ka ba naman 'utak galunggong!' (boom!)
At naghagalpakan na ang matatalino (weh?) kong kaklase. Di naman ako naiyak, super badtrip lang ako nung araw na yun :)
x-o-x-o-x
Hanggang ngayon, malinaw pa rin sa aking alaala ang pangyayaring yun, pero hindi ko nagawang magtanim ng galit kay Ma'am Manalese- dahil isa siya sa paborito kong guro- mabait at parang nanay ko na rin siya.
Natatandaan ko pa nga na ako ang lagi nyang inuutusan para bumili ng coke sa umaga. Laging 2 coke ang ipinapabili nya. Minsan din ay sinusundo ko pa sya (with some of my classmates) sa kanyang boarding house kapag late na sya sa school, kasi ilang lakad lang naman yun from the school, at nalulungkot ako sa tuwing sasabihin ng julalay nya na hindi sya makakapasok dahil may sakit si ma'am; kaya tumatakas na ako agad palabas ng skul kapag alam kong wala siya dahil ayokong malipat at makihalubilo sa ibang section.
Isa siya sa mga naging inspirasyon ko; sya nga ang nagpromote sa akin sa star section nung grade 3 (siguro gusto nya talagang ma-improve ang utak galunggong na ito lol) at mula noon hindi na ako nawala sa cream section.
Actually wala na sya ngayon. Namatay na sya dahil sa hepa. At isa ako sa mga huling nakakita ng naninilaw niyang mata. Kahit nasa wheelchair na sya noon nung kami'y magkita muli hindi pa rin niya nakalimutan na kamustahin ako at ang iba pa nyang naging anak-anakan. Hindi ko sya malilimutan.
Salamat Ma'am Manalese :)

awwww sweet nam pla si mam. meron samin, utak lamok daw. oha, mas malaki yung sa galunggong!
TumugonBurahinhaha i'm proud :) pang-galunggong pa yung level ko :)
Burahinmalaki utang na loob natin sa mga guro natin...hehehe anyway sir science teacher po ba kayo? :)
TumugonBurahintunay ang iyong sinabi, mahalaga ang mga guro sa ating buhay (talumpati?); opo tama kayo science teacher po ako.
Burahinincoming 4th yr ako this school year...BSEd-science major in biological science...
TumugonBurahinoh parehas pala tau; gudlak sa practice teaching pati na rin sa LET, God bless :)
Burahin