Lumaktaw sa pangunahing content

Tindahan Scandal :)

BABALA: Ang post na ito ay naglalaman ng ilang maseselang salita mula sa mga chikadorang nilalang. Patnubay ng sino man ay kailangan :)


 Nakakatuwa rin pa lang magbantay dito sa aming tindahaan. Kung anu-anong kwento ang di ko naman sadyang marinig (promise!).


Nung isang araw, may isang pulutong ng nanay ang tumambay malapit dito sa aming tindahan. (pulutong talaga eh nuh). Meron kasi silang kumare na nagtitinda rin sa may tabi lang namin. Mainit ang panahon, kaya normal na dito sa aming lugar ang makakita ng mga grupo ng tao na nagpapahangin sa labas.


So todo kwentuhan ang mga chikadorang nanay, naghahagalpakan pa ang mga tawa nila. Pati nga ako ay natatawa at naloloka sa mga pinag-uusapan nila.
Ang eksena ay napunta sa itlog ang usapan:


chikadora 1: ang init ngayon noh, pero masarap pa rin kumain ng itlog.
chikadora 2: ah oo nga eh, itlog ba? (tawanan) teka anu bang itlog ang gusto mo, yung nilagang itlog o yung itlog ng asawa mo? (tawanan ulit)
may sumabat 1: tinatanung pa ba yan! (super lakas ng boses) syempre yung itlog ng asawa ko (tawanan na naman) mas gusto ko yun kasi masarap amoy-amuyin! (super proud sa sagot niya)


hahaha, grabe naloka talaga ako sa usapang yon, di ko alam kung bubuhusan ko ba sila ng tubig para ipagtabuyan :) tapus di pa natigil;


may nagtanong: eh bakit itlog ng asawa mo?
may sumabat 1: nagbabago kasi ang amoy nun habang tumatagal (hagalpakan)


gusto ko na ibaon ang sarili ko sa kinauupuan ko sa mga usapan nila :) dinudumihan nila ang inosente kong pag-iisip (weh?)


tapus napunta pa sa sex toys;


chikadorang hinihika: (hinihika kakatawa) wag nyo akong patawanin, mamaya hikain ako dyan, sige kau pag-ako nagkulay blue dito isugod nyo ako ah! (nagkulay blue talaga teh?)
sagot ng sumabat: naku kunwari ka pa! (pinalo pa si kumare nyang hinihika) tuwang tuwa ka naman! basta ako nagpapakatotoo lang (sya nga naman haha)
chikadora 1: uy may narinig ako ah, may bago ngayon eh, yung sex toys ba yun?
chikadora 2: (namamangha) laruan yun teh? anu itsura nun?
sagot ng sumabat: naku anu pa eh di katulad nung sa asawa mo (tawanan)
chikadora 2: eh ganu kalaki yun? pwede ba yun ipasok? (walang humpay na hagikgikan)
sagot ng sumabat: (nagmamaalam) alam ko iba iba yun eh, eh di piliin mo na yung malaki (tawanan ulit) ayoko ngang ipasok yun mamaya di na mailabas! (super tawanan)


grabe talaga di ko maisip na ganun pala magkwentuhan ang mga nanay hahaha
pero humirit pa talaga yung hikaing kumare nila:


chikadorang hikain: wag ka mag alala (nagpayo pa) hahawakan ko naman yun para mahugot mo pa!!!
chikadora 1: pero di pa talaga ako nakakita nun
sagot ng sumabat: meron yan, bumili ka, pumunta ka ng SM! (nagpromote pa? pati tuloy ako napa-isip kung meron nun sa SM haha)


mabuti na lang at unti unti nang dumami ang mga tambay sa labas at napuksa rin ang mga chikadorang mudra. di ko talaga sila kinaya :) sila na!!!


hahaha di lang yan, umaga pa lang yan ah, gusto ko pa sanang ituloy yung mga kwento naman ng mga lasing nilang asawa pag tumatambay sa harap ng tindahan pag gabi :) kala nila sila lang ang malupit, malupit din ang kanilang mga mister! hahaha. o sya baka mabasa pa to ng mga sawsawerong mga imbestigador na may radar, at pag-ugatan pa ng gyera between mga chikadorang nanay at lasenggong mga tatay :)


Panawagan:
Nananawagan po ako sa samahang kababaihan na gumawa po kayo ng maraming livelihood projects para may mapaglibangan ang mga kababaihan at mga nanay dito sa aming lugar :)

Mga Komento

  1. kaswal na usapan lang ah hahaha

    TumugonBurahin
  2. Parang masarap tumambay diyan, ng madagdagan naman ang aking knowledge, lol!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. sige po sabihin niyo lang kung kelan nyo gustong tumambay at pagbabatantayin ko kayo ng tindahan :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...