Lumaktaw sa pangunahing content

Writer for Hire

Naalala ko lang na kagabi ay hindi naubos ang oras ko kakalaro ng mga online games... Hindi ko alam kung bakit pinagtyagaan kong maghanap ng online part time job para may magawa naman ako ngayong summer (weh?) total eh madalas naman akong naka online at para may pambayad na rin sa internet sa bahay lol. Isa sa mga napagdiskitahan ko ay ang pagiging "online writer" (masabi lang na writer hehe), inisip ko kasi na mahilig naman ako magkwento ng kung anu-ano, kaya ipinagpalagay ko na merong magsasakripisyo na magbayad para sa mga kwento ko :) hehehehe :) Sabi ko nga eh, sagot ko na ang kwento! (bayaran nyo ako hahaha, puro na lang pera ang naiisip ko lol) Halata na bang wala akong pera? :) Ito yung ilan sa mga nahanap ko:


#1. Naghahanap sila ng mga bloggers na mahilig sa mga hayop, halimbawa, gusto nilang magsulat ka tungkol sa paano ba alagaan ang isang iguana- *who cares?* hahaha, waley ako dito.


#2. Babayaran ka nila ng P10 kada comment mo sa mga blogs ng iba according to their guidelines- pag pumasa, sampung piso agad :) Walang limit, kahit ilan!!! (wala ngang limit di ba? natural kahit ilan lol). OK na sana to sa kin tutal mahilig naman akong mag blog hopping o kahit anu pang type ng blogs ang gusto nilang basahin ko go!!! Kaso, expired na pala ang ad na iyon. Waley ulit.


#3. Meron din na handang magbayad ng P300-P600 per 30 reviews, 100 words per review. Gusto ko sana, pero kakaloko naman yung 30 reviews, parang masakit sa ulo hehe. At saka wala akong nakita kung paano mag apply sa kanila. At nararamdaman ko na sasakit talaga ang ulo ko dito :) Ang gusto ko talaga ay yung may magbabayad para sa mga kwento ko at sa mga gusto lang na may ng kausap, ok na ako dun haha (choosy?) Tapus meron pang isa P600 for 25 reviews lol, binawasan lang ng lima :)


#4. Hanggang sa makita ko ang isang grupo ng mga freelance writers na binubuo ng mga propesyonal- doktor, teacher, manager etc. Naghahanap sila ng mga writers for different fields- eto nag-apply talaga ako dito haha. Ang mga chineck kong fields ay chemistry, medicine and health at syempre ang field of education. So, nag-sign up ako, after 24-48 hours daw ay ichecheck nila ang aking application. Totoo kaya ang online job na ito? Kukunin ba nila ako? Well, bahala na.


#5. Wala talaga akong nakita na naghahanap ng wirter para malibang lang, yung tipong bobolahin ko lang sila sa mga sinusulat ko tapus ayun na- may pampabigat na sa bulsa lol :) Kaya naisip ko di rin pala biro ang maging isang writer. Isa talaga yong talento at craft na kailangang paghusayin.


Ang ending- naglaro na lang ako haha :) Mukhang nilagnat lang ako sa paghahanap kong yon. Pero, at the back of my mind (weh?) naisip ko rin kung meron nga bang patutunguhan itong pagsusulat. O baka sulat-sulatan lang talaga ako hahaha. Well, kahit ano pa yan, basta enjoy naman oks lang!!! (lalo na kung may bayad lol) Di matigil sa pera? :)

Mga Komento

  1. ayan, may babasahin na ko. haha aliw pala dito jep hhi

    may sweldo ba kayo pag bakasyon? (pera na naman haha)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. nakakaaliw? hehe, wala pa akong sweldo pag bakasyon, under probation pa kasi ako, badtrip :) pulubi kapag bakasyon :)

      Burahin
  2. Naghanap din ako minsan pero i found out na boring din pala. Besides, masyado naman commercialized yan. They're making the art of writing a commercial nuisance, yung tipong pang spam lang.

    Pero if they tell you to make a blog na puro how-to's, yun pa siguro puede. You just have to be creative and resourceful. Kung sabihin na maggawa ka about taking care of iguana's, kung wala kang iguana, eh di mag interview ka ng isang tao na meron.

    Halimbawa, how to take care of alligators, eh di ikwento mo kung paano napunta sa bulsa ng congressmen ang mga pera ng taxpayers. ganun lang yon! hehehehe...

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. haha, gusto ko yun ah "how to take care of alligators" kung yun lang eh di ako mawawalan ng isusulat :) pwede ring "how to kill alligators" :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...