Winner o Loser?

Haist! Tagal ko ring nawala sa mundong 'to. Pa'no ba naman kung saan-saan napunta ang aking energy nitong mga nakaraang araw. Daming arte, daming pagod, daming inisip, daming tinapos.Lahat na dumami, pera lang talaga ang hindi LOL :)


Oh sya, dahil bakasyon naman, at tulala lang ako sa bahay, maglaro na lang tayo:


    

Tingnan natin kung pang winner o loser ba ang mga moments ng buhay ko ngayon :) Vote na!!! May premyo!!! (weh?)


#1 BAKASYON
Winner: Masaya kasi bakasyon na! Tapus na ang school works, deadlines, mga forms at kung anu-ano pang sakit ng ulo. 2 months na walang gawain, yahoo! Walang mga pasaway na estudyante at ang super effort checking, recording and computing process :) pati na LP na pampalago ng kalyo at visual aids with nakakaadik na amoy ng marker :)
Loser: Nganga ako ngayong bakasyon. Pati sahod bakasyon din :( Kakalurkey. Summer job please? lol. Dahil nasa private school pa ako, ganun talaga, no work no pay lalo na under probation status. Lowngkowt!!!


#2 NETBOOK
Winner: Nakabili na rin ako ng netbook! yeepee :) Di na ako makikihati sa paggamit sa desktop. Buti na lang wifi na rin sa bahay. After 2 years ngayon pa lang ako nakabili. Hagardnez.
Loser: Waley na anda :) super tigang na talaga ang kalupi ko :) pa'no na ako mabubuhay? makakain ko ba ang netbook? lol


#3 SUMMER GETAWAY
Winner: May plano ang school namin para sa aming summer getaway!!!
Loser: Plano pa lang naman. Malay mo (madalas sa hindi) di matuloy hahaha. Nung nakaraan halos itapon ko ang sarili sa dagat ng Caramoan Islands (sagot ni ate) ngayon isa akong preso sa loob ng bahay. Di makagala dahil walang sponsor lol.


Uhmmm... pagkatapos nyan ay wala na talaga akong maisip, kasi iniisip ko talaga kung pano ako kikita ng anda ngayong bakasyong hagardnez :) ito ang ilan sa mga lumutang na solusyon mula sa mabunga, lohikal at analitiko kong pag-iisip hahaha: Piliin ang da best! lol


A. Gusto ko sanang mag summer job kaso wala na rin akong perang pang-apply, kaya naisip kong magtutor na lang kaya ako dito sa aming mga kapitbahay? Kaso, malamang ang lagay nito ay baratin ang talent fee ko haha, at ang pinaka sawi ay mauwi na lang sa isang taimtim na TY!


B. Maglalakad ako sa mall at mamamalimos hahaha.Sa mall pa talaga para aircon :)


C. Mag-aaudition ako para maging lead vocalist ng isang banda, yung mga bandang basagan ang tugtog, tutal basag din naman ang boses ko :)


D. May makakabasa ng post na ito at maaawa sila sa akin lol. Bilang pagtulong magbibigay sila ng donation hahaha, o kaya kukunin nila akong writer dahil may talent naman daw ako sa pagsusulat. Piso kada isang word hahaha, so bubula ako ng bubula :)


E. May isang mayamang mag-asawa ang may balak umampon sa akin. Kaya libre na ako sa pagkain hahaha.


F. Dahil sa post na ito, may mag-ooffer talaga sa akin ng summer job- katulong.


G. Dahil ulit sa post na ito, makakapasok ako sa hospital- mental!


H. Dahil na naman sa post na ito, di naman talaga ako yayaman. So wala enta hahaha.


I. At dahil ako ang nakaisip nito, malamang walang matutupad dito.


J. At sa huli, mananatiling dilat na lamang ang mga mata ko lol. Tapus kukunan nila ng picture, ipapaframe at ididisplay sa national museum :) ayan kikita na ako ulit :)






___ o sya, puro kalokohan na naman :)
___ gusto ko rin talagang ma feature sa blog ni bino- damuhan.com para ma-feel ko naman ang presence ko dito sa blogosphere lol in short magpapansin hehe.
___ hay, salamat at may bukas pa!!! hahahaha :) i'm still alive and kicking lol 

Mga Komento