Lahok para sa "Bagsik ng Panitik" contest ng Damuhan :)
-nakikisali sa pakulo ni bino-
x-o-x-o-x
Masaya ako na nakabalik muli sa aming probinsya dito sa Cotabato. Mga anim na taon din ang hinintay ko sa pagkakataong ito. Mapalad akong nakakuha ng scholarship para makapag-aral sa Maynila. Sabi ni ina, kahit mawalay man ako sa kanila, dapat kong pagsumikapan ang pag-aaral. Malungkot man para sa akin ang mag-isa, hinarap ko pa rin ang buhay sa Maynila. Kinasanayan ko na lang din ang buhay ko doon sa araw-araw. Heto nga't nakapagtapos na ako ng kursong edukasyon, nagbabalik ako ngayon sa aming bayan bilang isang guro.
Pagtuntong ko sa aming tahanan ramdam ko pa rin ang mga maligno ng nakaraan. Ganun pa rin ang itsura ng aming bahay, gula-gulanit ang dingding, luma pa rin ang mga kasangkapan, ang mga kapatid ko'y hindi na nakapagpatuloy sa pag-aaral at may sakit pa rin si ama. Bukod dun ay kaawa-awa pa rin ang aming bayan at marami pa rin ang mahihirap. Pakiramdam ko wala ring saysay ang pagtatapos ko sa kolehiyo. Sarili ko pa lamang ang aking nabago, ganoon pa rin ang pinanggalingan ko. Hindi ko matagalan ang aking mga nakikita, kaya minabuti ko munang magpaalam kay ina, bibisitahin ko muna ang dati kong paaralan na sya ngayong aking pagtuturuan.
Walang tao nung magpunta ako sa paaralan. Sabi ni Ka Gimo baka sa makalawa pa ang balik ng ilang guro, pero bukas naman ito kaya naisip ko na ring maglibot sa loob. Luma pa rin ang mga klasrum, walang bagong gusaling naitayo. Ang kinatuwa ko lamang ay nandun pa rin ang damuhan sa likod ng paaralan kung saan ako madalas tumambay kapag may problema. Doon sa damuhan ako nakakapag-isip ng maayos, nakakapagmuni-muni, natutulog pagkatapos ang paggawa sa bukid. Doon ko nabuo ang aking mga pangarap, dito sa damuhang ito binigyan kong hinuha na hindi mananatiling mahirap ang aking buhay.
Sa luntiang damuhan, nakatutuwa lang na naroon pa rin ang punong mangga na pinag-ukitan ng aking pangalan; "gino galunggong" ang nakaukit doon. Hindi talaga ako ang may gawa nun, yun ang naging bansag sa akin ng aking mga kaklase nang sabihan ako nung aking guro sa panitikan na ako raw ay utak galunggong! Napakatamad ko raw magbasa kaya hindi ako makasagot sa kanyang mga tanong. Dinaan ko na lang sa ngiti ang alaalang iyon. Marahan akong nahiga sa damuhan, pinagmasdan ko ang kagandahan ng kalangitan. Naisip kong marami din pala akong naging alaala sa paboritong lugar ko na ito. Natatandaan kong madalas din akong magpalipad dito ng saranggola; iniisip ko noon sana kung gaano katayog ang nararating ng aking saranggola ganun din sana ang aking marating sa buhay. Madalas mang mapatid ang aking pisi, alam kong di ako magsasawang magsimula muli. Hitik din sa mga kulisap ang damuhang ito; madalas namin itong hulihin at paglaruan ng aking mga kaibigan. Maihahalintulad ko ang mga kulisap sa aking mga kababayan, madalas paglaruan ng mga nakatataas sa lipunan. Matagal akong nawala dito sa aming bayan, pero ganoon pa rin ang inabutan kong kalagayan.
Papalubog na ang araw, napasarap ang aking paghiga't pagtambay. Bago ako tuluyang umuwi sa aming tahanan, naisip kong dumaan muna sa silid-aklatan. Bukod sa damuhan, pangalawa ito sa paborito kong lugar. Dito ako namamalagi tuwing tanghalian; imbis na kumain dito ko na lang inuubos ang aking oras. Madalas kasing wala akong baon noon na pananghalian kaya't pagbabasa na lamang ng mga lumang libro sa silid-aklatan ang aking ginagawa.
Pinagmasdan kong muli ang kabuuan ng paaralan. Kung makikita lamang ng Kagawaran ng Edukasyon ang kalunos-lunos na kondisyon ng aming paaralan, maisipan kaya nila itong tulungan? Napailing na lamang ako sa aking naisip. Kung sa Maynila nga ay di rin maayos ang lahat ng paaralan, sa amin pa kayang bayan.
Pagbalik ko sa aming munting tahanan, masaya naming pinagsaluhan ang masarap na hapunan. Dalangin ko nga na sana'y laging may pagkain sa aming hapag. Na sana sa pagbabalik kong ito ay may maidulot akong pagbabago.
Bago matulog, pinagmasdan ko ang mga lumang larawan ng aming klase. Hindi ko akalain na ang gusgusing bata sa larawan ay magiging isang guro na ngayon. Naitanong ko na lamang sa aking sarili kung matutupad pa ba ang ilan sa matatayog kong mga pangarap. Pagkalipas lamang ng ilang linggo, isa na ako sa magsisilbi sa kumalinga sa aking paaralan. Walang kasiguraduhan kung mababago ko ba ang aking mga nakikita. Kung kakayanin ko bang maging bayani para sa kapakanan ng iba. Ipinikit ko ang aking mga mata, umaasa ako na sa aking paggising ay may isang umaga akong makikita na puno ng pag-asa.

wow ayos na ayos ang pagkakagamit ng mga salitang requirements ni bino, mukhang pwede ka ring filipino teacher sir!
TumugonBurahintengks ng marami :) i actually wanted to be a filipino teacher hehe (mkapag-english lang)
Burahinsalamat sa paglahok :)
TumugonBurahinsalamat din sa pagkakataon :)
Burahinang ganda ng likha mo! goodluck sir!
TumugonBurahinsalamat po!pag tinatawag akong sir feeling ko ang tanda ko, bata pa po ako :) hehe
Burahinnice post...gudluck sa contest sir...
TumugonBurahinmaraming salamat :) nakakatuwa pala pag may nag gugudlak sayo, feeling contestant talaga :)
Burahingaling! good luck po...
TumugonBurahinthank u po! :)
BurahinMaganda ang paglalarawan.
TumugonBurahinsalamat po :)
Burahingino galunggong! di naman pala totoo na tamad kang magbasa, tumatambay ka nga pag lunch time sa library eh =)
TumugonBurahinhaha napansin ko nga rin yun :)di nag-match :) kaya ibig sabihin mali yung guro niya sa panitikan o talagang bipolar lang si gino :)
BurahinNagbasa. Humusga. Maayos ang daloy ng kwento. Sana nga'y mapansin ng Kagawarn ng Edukasyon at ng mismong pamahalaan ang kakulangan nila at pagtuunan ng sapat na budget ang mga paaralang bayan, lalo pa't marami ang hikahos sa buhay.
TumugonBurahinsalamat sa pagbabasa. totoo ang iyong mga sinabi, napakaraming pauso ng deped samantalang marami pa rin ang kulang na hanggang ngayon ay di pa nila mapunan.
Burahin