Nakakatawa lang yung mga kapitbahay namin dito. Palibhasa di kasi ako madalas lumabas ng bahay, kung nasa labas man ako, wala ako dito sa lugar namin, in other words, di lang talaga ako tumatambay sa labas namin. (kunwari mabait)
Minsan, may nakasabay ako sa trike, umaga noon at papasok na ako sa eskwelahan- naka polo barong ang costume ko (cosplay lang?). So katabi ko yung matandang kapitbahay namin sa trike, habang umaandar, eto ang aming naging usapan:
Lola: Sino ka? Anak ka ba ni Nestor? (super tingin sa mukha ko nagtataka)
Ako: Opo, anak nya po ako. (nagtataka rin, baka kasi tototo na ampon lang ako at sya ang magtatapat nito hehe, teleserye lang?)
Lola: Ah... eh nasan na yung isang anak nya na lalaki na high school? Yung nakikita ko noon?
Ako: Eh ako na po yon eh. (ako lang naman ang nag-iisang anak na lalaki)
Lola: Ikaw na pala yun! Ang laki mo na, di na kita namukhaan. Gumwapo ka ah! (sinabi nya talaga yan, walang halong photoshop haha)
Ako: (wala akong nasabi, di ko alam kung compliment ba yung pagkakasabi nya na gumwapo ako, kasi naisip ko panget pala ang tingin nito sa kin dati, so dedma na, tinigil ko na yung usapan haha)
In contrast, eto naman ang nangyayari sa akin kapag di ako naka-costume (naka-uniform as teacher):
Ako ang madalas magbantay ng tindahan sa hapon kapag walang pasok. Narinig ko lang ang usapan ng nanay ko at ng isang sawsawerong kapitbahay.
Neighbor: (sosyal, ayaw ng kapitbahay lol) Mars! (short for mare) Nasan na yung anak mong teacher, nagtuturo pa rin ba sya?
Mother ko: Ayan oh! Nasa tindahan nagbabantay, wala kasing pasok ngayon eh.
Neighbor: Ay!!! (nagulantang) Sya na ba yun, kala ko wala eh, sya pala yun. (sabay tawa ng bruha, imbyerna lol)
Sa mga pangyayaring ito, eto ang mga tumakbo sa isip ko:
#1. Dalawa na ba ang aking pagkatao? At di sila makapaniwala na yung naka-costume at hindi ay AKO lang talaga at iisa lang.
#2. Dahil ba di ako nagsusuklay kapag walang pasok kaya di nila ako makilala kapag hindi naka uniform?
#3. Naduduling na ba ang mga tao sa min or nag-hahalucinate dahil sa mga nabibili nila sa tiindahan namin?
#4. Gusto ba nila na kahit sasamahan ko lang ang aking nanay sa palengke ay naka formal attire pa rin ako para lang ma-recognize nila na ako yun?
#5. O sadya lang bang isa akong hunyango na nagbabagong anyo? :)
hay... gayunpaman, nakakatuwa lang ang mga ganitong tagpo.
Lakas maka-doppelganger ng mga tao sa min :)

taragis lang! teacher ka rin!!! yey! :)))
TumugonBurahinpagbumili ng vetsin si neighbor bigyan mo ng lason haah
haha nagpapanggap lang, nakakatuwa nga eh marami pa lang mga teachers na nagba-blog :)
TumugonBurahin