Lumaktaw sa pangunahing content

Ako at ang Galunggong :)

'Da best' talaga yung teacher ko nung grade 2 nang sabihan nya ako ng 'utak galunggong'; salamat kay Ma'am Manalese nung araw na yun dahil mula umpisa hanggang sa matapos ang araw ko sa eskwelahan ay walang tigil ang mga dugyot kong kaklase (haha makaganti lang) sa pangungutya sa akin at paulit-ulit na pang-aasar ng utak galunggong sa akin hanggang sa labas ng gate ng school. Mga panget na yun, utak hangin naman! (bitter lang?)


I tried to imagine kung ga'no ba kalaki ang utak ng galunggong at bakit naman naikumpara ako dun :)


Ang eksena kasi ay ganito: Na-late ako ng pasok sa klase nya nung araw na yun, dahil isa rin ako sa mga napili para kumuha ng test na susukat kung gaano kahusay ang naging pagtuturo ng mga guro sa amin (yun ang pagkakatanda ko). Sabi nung proctor sa amin nung orientation ay dumeretso na daw kami sa mga testing rooms, so yun naman ang ginawa ko (masunuring bata). Eh ang plano pala ni ma'am ay pumunta muna kami sa kanya para makapag-review at nang makakuha naman kami ng mataas na score. At yun na nga, bilang pagsuway sa kanyang utos, pagpasok ko pa lang sa room ay nag-iinit na ang kanyang ulo;


Sabi nya: Bakit di kayo dumaan sa akin?
Sabi ko: Eh sabi po nung proctor dumeretso na daw po kami dun sa testing room.
Sabi nya: Hindi ba sinabihan ko kayo na dumaan muna sa akin! (habang nanlalaki ang kanyang mga mata). Kung hindi ka ba naman 'utak galunggong!' (boom!)


At naghagalpakan na ang matatalino (weh?) kong kaklase. Di naman ako naiyak, super badtrip lang ako nung araw na yun :)


x-o-x-o-x


Hanggang ngayon, malinaw pa rin sa aking alaala ang pangyayaring yun, pero hindi ko nagawang magtanim ng galit kay Ma'am Manalese- dahil isa siya sa paborito kong guro- mabait at parang nanay ko na rin siya.


Natatandaan ko pa nga na ako ang lagi nyang inuutusan para bumili ng coke sa umaga. Laging 2 coke ang ipinapabili nya. Minsan din ay sinusundo ko pa sya (with some of my classmates) sa kanyang boarding house kapag late na sya sa school, kasi ilang lakad lang naman yun from the school, at nalulungkot ako sa tuwing sasabihin ng julalay nya na hindi sya makakapasok dahil may sakit si ma'am; kaya tumatakas na ako agad palabas ng skul kapag alam kong wala siya dahil ayokong malipat at makihalubilo sa ibang section.


Isa siya sa mga naging inspirasyon ko; sya nga ang nagpromote sa akin sa star section nung grade 3 (siguro gusto nya talagang ma-improve ang utak galunggong na ito lol) at mula noon hindi na ako nawala sa cream section.


Actually wala na sya ngayon. Namatay na sya dahil sa hepa. At isa ako sa mga huling nakakita ng naninilaw niyang mata. Kahit nasa wheelchair na sya noon nung kami'y magkita muli hindi pa rin niya nakalimutan na kamustahin ako at ang iba pa nyang naging anak-anakan. Hindi ko sya malilimutan.


Salamat Ma'am Manalese :)

Mga Komento

  1. awwww sweet nam pla si mam. meron samin, utak lamok daw. oha, mas malaki yung sa galunggong!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. haha i'm proud :) pang-galunggong pa yung level ko :)

      Burahin
  2. malaki utang na loob natin sa mga guro natin...hehehe anyway sir science teacher po ba kayo? :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. tunay ang iyong sinabi, mahalaga ang mga guro sa ating buhay (talumpati?); opo tama kayo science teacher po ako.

      Burahin
  3. incoming 4th yr ako this school year...BSEd-science major in biological science...

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. oh parehas pala tau; gudlak sa practice teaching pati na rin sa LET, God bless :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...