"...magpapak ka na lang ng BreadStix at Eggnog."


Ika-04 ng Nobyembre, 2014
Martes, 5:12 ng hapon


            Himala!

            Wala akong inabutang sermon kay mudra sa kanyang pagbabalik sa bahay. Dati, lahat ng hindi namin naligpit o nalinisan ay ina-identify niya isa-isa. Ngayon wala… as in zero. Di naman kami naglinis ng bahay at di rin naman nagligpit ng mga gamit… ‘for the first time in forever’ wala kaming narinig na sermon mula sa kanya.

            Pagdating ko kaninang hapon masyado siyang abala kakahanap ng mga cd’s na pang-videoke, alam na  daw niya kung paano ikokonek ang tv sa aming dvd player. Nagpaturo daw siya sa isang mall nung siya ay nasa probinsya. Mula kasi nung napalitan ang tv, hindi na nila malaman kung anu-ano ang mga ikakabit. Hindi na rin naman ako nag-effort na makialam pa kasi sila lang naman ang gumagamit ng tv dito. Hehehe.

            Kaya ‘birit-birit din kapag may time’ itong si mudra. Okay na rin, at least payapa ang tenga ko mula sa mga sermon niya.

        Kapag ang buhay ay nagbuhos ng maraming gawain, magpapak ka na lang ng BreadStix at Eggnog!

            …at isang bote ng Cobra (yung Cobra Fit para lasang apple).





Mga Komento

  1. May time sa buhay ko na sobrang adik ko sa breadstix! As in.... Yung fir years of working ko yata yun. Hahaha.

    Ayoko ng Cobra. Di ko alam. Parang sobrang tamis ng amoy nya. Lels.

    Hurray to Mudrakels! Di na technophobic. Nagffb ba sya? Hmm.. Mama ko tinuturuan namin, ayaw. Lol. Babaho daw bahay namin at wala na syang magagawa parang kami. Wahahaha

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Eggnog naman ang trip ko cher Kat. Idinagdag ko lang itong BreadStix :)

      Di ko rin kaya ang mag-Cobra (o kahit ano pang energy drink) ng araw-araw, para akong naha-high :) Kaya minsan lang talaga kapag haggard mode ang life (eh parang everyday naman haggard lols).

      Hindi siya mahilig mag-computer :) Ang dami raw kasi pinipindot.

      Burahin
  2. I think ang swerte ng mga anak ko dahil hindi ako nagsesermon sa kanila.

    Well, maybe paminsan-minsan. hehehehe. Mas madalas kasi ini-email ko ang sermon ko o di kaya via text message, at hindi sa wikang English---in Bisaya. Kailangan din in Bisaya sila mag-reply. :D

    Breadstix, Eggnog at Cobra. Di ko yan natikman lahat.

    Hello Jep!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Modernong paraan ng pagse-sermon via text at email :)

      Di po ba kayo nag-stay dito sa 'Pinas? Ililibre ko po kayo niyan hehehe.

      Hi Ma'am Lili! Salamat sa muling pagbisita :)

      Burahin
  3. now alam muna ang reason why mudra is not complaining. She is saving her voice para makabirit ang hard lolz

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. korek :) ni hindi nga ako nilingon nung pagkauwi ko sa bahay nung araw na iyon.

      Burahin
  4. mapagsamantala sa panandaliang kabaitan ni ina? lol. diverted ang focus sa ibang bagay.

    TumugonBurahin
  5. Mga Tugon
    1. one of a kind...
      ...at bawat ina ay ganun naman talaga :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento