Mga Pahina

Martes, Nobyembre 11, 2014

"...seryoso ka ba sa tanong mo?”


Ika-11 ng Nobyembre, 2014
Martes, 7:41 ng gabi


Di man tayo magkakilala,
Pero…

Parehas naman tayong naka-DepEd uniform (kahit di tayo galing sa iisang eskwelahan)
Pareho ding naghahanap / nagkakalkal ng mga clearbook sa iisang istante…
Sa likod natin (sa kabilang istante), meron namang taga-NBS na nag-aayos / naglalagak ng mga folder
Nakasukbit naman ang backpack ko…
Haggard look pa rin naman ako…

Ang hindi ko lang ma-gets
Sa akin ka pa rin nagtanong ng –

“Ay, meron pa kayang ibang kulay nito?”
(habang hawak mo ang clearbook)

Natulala ako…
Gusto ko sana sabihin na –

“Hindi nga? Mukha ba akong taga-NBS? May bag ako sa likod oh, mamimili rin ako tulad mo…
Naka-uniform din tulad sa’yo. Ano, seryoso ka ba sa tanong mo?”

Pero,
Wala na lang akong binanggit.
Mas nanaig ang pagka-shock ko sa tanong mo.

Lol.

4 (na) komento:

  1. haha baka hindi siya laking National.. or baka mas may alam ka pa kaysa sa mga tao ng national... sana magkita ulit kayo..

    TumugonBurahin
  2. Mga Tugon
    1. minsan napagkakamalan kaming sales clerk,
      kaya nga lagi kong dinadala yung bag ko eh :)

      Burahin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...