Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Hunyo, 2018

anyway...

2018 06 30 (Sat, 8:47 PM)             Na-miss ko na pumasok ng school tuwing sabado. Hindi kasi ako nag-enroll ngayong sem, eh kahit naman mag-enrol pa ako ay hindi na rin every Saturday ang pasok dahil natapos ko na ang mga kailangan kong subjects; in other words nahihirapan akong sabihin na nasa thesis writing na ako dahil ewan ko ba kung bakit wala ako masyadong motivation para doon; feeling ko tulad na rin ako ng marami na matapos makuha ang lahat ng units at makapasa ng compre ay heto na, stagnant na sa thesis writing…             Anyway. Baka ang gusto ko lang talaga ay ang mag-aral. Yung malibang. Na pagkatapos ng isang linggo na ako yung nagtuturo gusto ko naman na kahit isang araw lang eh ako naman yung tuturuan, matututo at magkakaroon ng bagong kaalaman.             Gusto ko na nga mag-enroll ng pan...

2018 06 29 :)

2018 06 29 (Fri, 9:21 PM)             Tanghali na ako nagising kanina, pasado alas-nuebe na; feeling haggard ako noong Thursday kaya nasobrahan sa tulog. Bale yung almusal ko ay naging tanghalian ko na. Pasado ala-una naman ako nakakain ulit; ang sad ng canteen sa hapon dahil wala na masyadong options, di tulad pag umaga may mga lutong ulam sila.             Okay naman ang mga bagets ngayon. Nakokontrol pa sila; 5:00 pm na ulit ako nakakain ng meryenda (bakit ba puro oras ng pagkain ang nababanggit ko). Bale, nagpasama ako kay Clang, sakto kasi na natapos na yung meeting nila sa GPTA (board member si Clang) at may 1 hour akong break bago ang last period. Bumili ulit kami ng totoong prutas na shake, avocado-mango ang flavor na binili namin; at para may pambara bumili kami ng ham-egg-cheese sandwich.            ...

mano po

2018 06 28 (Thu, 8:30 PM)             Np: Kathang Isip ng Ben&Ben, sa aking kwarto.             Yung kapitbahay namin, madalas mga kanta ng Ben&Ben ang pinatutugtog sa gabi. Ang maganda lang sa kapitbahay namin na yun ay hindi naman sila balahura magpatugtog; sa katunayan tuwing nasa banyo ko lang ito naririnig, nasa bandang likod ata sila ng bahay namin. Feeling ko narinig lang nila ang Ben&Ben sa akin (sobrang assuming lol) tapus naadik na rin sila sa kanilang mga kanta, pero malabo naman yun dahil hanggang kwarto lang din naman ang lakas ng pagpapatugtog ko. Na-amaze lang ako na halos parehas ang mga tugtog na pinakikinggan namin.             Mano-po Day ata ngayon. Kanina pagpasok ko ng school, may isang student na nagmano sa akin, di ko na nga sya namukhaan, at saka palabas ng school ang way n...

gc at avocado-cheese shake

2018 06 27 (Wed, 9:30 PM)             Idinagdag ako ng mga bagets sa group chat nila sa fb; mula nung mapasok ako sa public school hindi ko preferred ang sumali sa mga gc ng aking advisory class. Una, ayoko ng maraming notifications mula doon; pangalawa, madalas ay nonsense naman para sa akin ang kanilang mga convo. Ang nakagawian ko talaga ay yung ako mismo ang gagawa ng closed group page namin sa fb para dun ko sila i-update. So, naisip ko na mag-leave sa gc ng mga bagets, dahil ano pa nga ba, most of the time ay nonsense talaga ang mga usapan doon; idagdag pa na kaya ayoko ng gc ay dahil kapag nag-post ka doon at marami nang umepal na usapan ay natatabunan ang importante ng mga hindi mahalaga. Pero, di pa rin ko nag-leave, lol. Una, naisip ko isang way na rin ito para masubaybayan ko sila; sa kung paano ba sila makipag-usap na kahit nandun na nga ako ay wala rin naman silang adjustment sa paraan ng kanilang pakikipag-ch...

kakamber

2018 06 26 (Tue, 11:52 PM)             Masayang natapos ang araw na ito 😊             Una, sa homeroom ng advisory class ko, kahit nahihiya sila ay active naman na nag-participate ang mga bata sa aming getting-to-know-you activity (naalala ko tuloy si Sir Jonathan at ang mga getting-to-know-you activities at post niya). Nung hinati ko sila into small groups mas naging okay at smooth ang sharing at pagkilala nila sa isa’t isa.             Pangalawa, sa klase ko naman sa aking advisory class pa rin (bale dalawang beses ko sila na-meet today, isang homeroom at isang science class), naging maayos din ang aming discussion (salamat sa powerpoint at video clips ni Neri). Kahit pa medyo mahirap tandaan yung mga terms at nangangailangan ng effort ang pag-i-explain, nakuha naman nila. Sa assessment ko kanina, karamihan...

2018 06 25

2018 06 25 (Mon, 9:29 PM)             Bale, nasa baba ako ngayon sa sala, may inaabangan kasi akong palabas sa channel 11. Sakto na wala naman nanunuod, so makakapanuod ako (di ko nga lang maalala if anong oras, SONA pa lang ang palabas; patok sa balita ang pangulo dahil sa kanyang “stupid god issue”).             Kaninang tanghali, yung section ko ang naka-assign para mag-present ng video habang nakapila ang panghapon at hinihintay na makalabas ng room ang mga pang-umaga. Medyo sayang ng kaunti dahil di masyadong makita ang video dahil may defect na yung projector, at lalong sayang yung paliwanag ng president at vice president ko dahil ang transition time ang isa sa maiingay na oras sa school. Proud pa rin naman ako kila students J and J, kahit kabado sila at may kodigo pa ng sasabihin, at least ginawa nila ang kanilang makakaya.      ...

2018 06 24

2018 06 24 (Sun, 10:28 PM)             Inakala ko na makagagawa ako ng 15-minute journal araw-araw, hindi pala. Minsan haggard na rin kasi pag-uwi; pero ayos lang, pwede naman ulit mag-umpisa.             Gusto ko sanang ikuwento ng detalyado yung mga nangyari noong nakaraang araw, pero hindi pwede dahil hindi ito matatapos sa loob ng labinlimang minuto.             Kaya kaunting recall na lang:             Natutuwa talaga ako kay student J, lalo na kapag naririnig ko yung feedback ng mga dating teachers nya; ibang-iba na sya sa kung ano dati. Maayos na ang kanyang behavior ngayon; pero dahil nga may mga na-experience na rin akong students na ningas-kugon lang ang pagbabago kaya di ko pa rin inaalis sa isipan na dapat pa rin syang bantayan, purihin ng ...

"...hopiang hapon o intsik?"

2018 06 18 (Mon, 8:47 PM)             Bago ako pumunta sa D.O., iniwan ko muna ang worksheet ng mga bagets sa guardhouse (naka-memo naman yung report; kaya nag-iwan ako ng gawain kung sakaling di ko sila maabutan sa oras ng klase ko). Ipinasuyo ko ang worksheets sa mga officers ng aking section, sa tingin ko ay okay naman, nakasunod. Sa katunayan, tuwing uwian ay nagre-report pa rin si Jhobert sa akin ukol sa mga nangyari sa klasrum sa maghapon, minsan sumasama pa ang ibang officers kahit alam kong uwing-uwi na sila. Naka-attend din si Jhobert sa meeting ng mga president kanina kahit pa hindi ko siya napaalalahanan. May potensyal naman ang mga batang ito, sana nga.             Pang-anim kami sa listahan, pero panglima kaming sumalang. Okay naman. Marami kaming natutunan sa pag-present ng aming papel kanina. Oo, matrabaho. Pero ganun talaga. Experience pa rin ang mahal...

2018 06 16

2018 06 16 (Sat, 9:09 PM)             Sinubukan ko pa ring i-charge yung netbook ko, hoping na baka after 1 hour o higit pa ay magbukas na rin ito, sa ganung paraan kasi ito nagka-second life. Sad to say, walang epek!             Nakaka-miss din ang netbook ko. Very portable at saka gamay na gamay ko ang mga keys; sa lapad ba naman ng kamay ko at haba ng mga daliri, kahit kaunting galaw lang (o kahit steady lang) ay makakapa ko pa rin ang mga keys nito. Sulit na rin ang netbook kong yun; 5 o 6 years ko na rin napakinabangan. At sa mga taon na iyon, ni hindi ko ito kinailangan ipa-reformat, ipaayos o anuman, naging swabe naman ang kanyang performance. Kahit pa nga nung nagloko ang ilan sa mga character keys nito, ako pa rin ang ang nag-adjust, nag-on screen keyboard ako lol, hanggang sa nag-function na lang ulit sya ng normal; oo may kabagalan pero napagtyatyagaan....

samot-sari: pandesal midnight snack party

2018 06 16 (Sat, 1:11 AM)             Oha! Gising pa rin ako sa mga oras na ito. Sabi ko kasi kanina iidlip lang ako, tapus na-derecho ng tulog, kaya ngayon mulat na naman. At oo, kakakain ko lang. Naiiba na naman ang mga oras ng kain at tulog ko (bakit ganun parang napaka-lazy ko, lol).             Ang palabas sa tv kanina ay yung OA Shopping, este O-Shopping pala. Ganda ng mga products, lalo na yung zero gravity chair na Php 3,000.00 lang, at take note isa lang yung makakaupo di ba, pa’no yan eh apat kami sa bahay, eh di ibibili ko na lang yun ng sofa!             Kanina, habang nagtitimpla ako ng tea na may kape at coffee mate, iniisip ko kung may kinalaman ba ang genes na meron ako (makonek lang dun sa nabasa ko sa blog ni ate Dianne… ate? yare hahaha) kung bakit ako late sleeper? o may kinalaman ba ang p...

"...naligo ako di ba hahaha,"

2018 06 14 (Thu, 8:35 PM)             Kanina lang napakalakas ng bugso ng ulan; pagkaupo ko rito, bigla na lang nawala. Pero at least, hindi nagpaasa ang ulan, may pa-suspend pa rin siya (kahit pa naantala ng konti ang suspension sa aming city dahil you know… for whatever reason that I don’t know, lol).             Sobrang LT sa twitter mula pa kagabi. Ang daming G na G sa announcement ng suspension ng klase. Well, let’s do a recap (sports ba?).             Noong lunes, pasok sa top 10 ang City of Valenzuela kung ang pag-uusapan ay ang maagap na suspension ng klase, so very happy ang mga students dahil real na real ang long weekend. Pero sa Makati may pasok pa rin; sila ata ang nanalo na waterproof nation noong Lunes.             Pero, di nagpakabog an...

"...kararating mo lang sa school, uuwi ka na?”

2018 06 13 (Wed, 8:21 PM)             Maulan pa rin kanina… medyo lang. Pero dahil wala namang announcement ng suspension (kahit bed weather pa rin), wala nang choice ang sangkatauhan kundi ang pumasok.             12:30 PM na ako nakarating sa school kanina (10 minutes before my official time, pero kakaba-kaba na ako nun, dahil kapag alas-dose na ako nakakaalis ng bahay, napakadaming hindrance sa kalsada); kaso ang epic ng ganap ko sa biometrics. Naabutan ko kasi si Ma’am V sa may guardhouse (kung saan naroon ang biometrics), at pauwi na siya kasi morning ang schedule ni Ma’am V (katulad ng sked ko dati). Kaya ewan ko ba sa aking sarili, imbes na IN ang ginawa ko, nag-OUT ako! Lol. Nakita ko si Ma’am V na pauwi na kaya ang feeling ko ay pauwi na rin ako, saka ko lang na-realize na papasok pa nga lang pala ako. Pambihra.        ...

"Masarap naman ah…"

2018 06 12 (Tue, 12:21 AM)             Yung katotohanan na gising pa ako hanggang ngayon ay isang patunay ng pagiging nocturnal ko. Kumusta naman ang walang pasok na June 11? Ayon, nganga; sa sobrang sipag ko, puro tulog ang inatupag ko hahaha.             Ano ang ganap ng buhay sa mga oras na ito?... Bumaba ako sa kitchen kanina (kahit kusina lang ang tawag namin dun), di pa kasi ako naghahapunan, pero kasi hapon na rin ako nag-lunch.             Nagtimpla ako ng Bearbrand milk sakto pack… kaso di naman ako palainom ng gatas. Nakita ko yung Alicafe tea, hinalo ko… so, sa isip ko para lang akong nagtimpla ng milk tea, solb!             Kumuha ako ng 3 slices ng sliced bread lol. In fairness, ang daming palaman ngayon sa bahay… may peanut butter, isa pa...

"may pasok ba bukas…"

2018 06 10 (Sun, 4:31 PM)             Natuloy naman ang pagkikita namin nila Eldie at Neri. Hindi nga lang as I imagined, eh kasi na-resked, at kailangan din naming kumilos ng efficient para walang sayang na oras.             Saglit lang ang aming pagkikita. Nagpalitan lang ng files, at kumopya na rin ako ng ilang movies mula sa laptop ni Eldie. Kumain ng lunch, at kwentuhan. Manunuod pa sana kami sa sinehan, kaso alangan kami sa oras. Isa pa, hindi pa kasi nagde-declare ng suspension ng klase hahaha. Kaya ‘pag sunday at mga guro ang kaibigan, kahit hindi namin sabihin, alam namin na kailangang umuwi agad para sa kung ano mang preparation na dapat gawin para sa panibagong linggo ng pagtuturo (naks, tunog dedicated kami dun ah lol). Pero ganun talaga eh, ang hirap naman magpakasaya ng may iniisip na gawain (kaya madalas ay sabado ang pinaka-convenient time for gala at ...

"...anong pwede kong gawin to spice up my life,"

2018 06 09 (Sat, 9:08 PM)             Nagkita muli ang grupo para mag-edit ng action research. Napakadiwara talaga ng papel na iyon. O baka first time kasi naming gumawa, kaya hindi pa namin gamay ang format at iba pang technicalities ng papel… di bale na, uuusad din naman.             Idagdag pa na napakalakas ng ulan.             Dapat sana ay magkikita kami nila Eldie at Neri pagkatapos. Na-imagine ko pa naman na magkukwentuhan kami habang kumakain ng pansit (yun kasi ang napag-usapan) sa kainan na ang ngalan ay Batangas (ayon kay Eldie). Trip ko rin sana magpaka-food blogger hahaha. Pero hindi eh, hindi natuloy. Una, kailangan kasing matapos na ang ginagawa naming iyon. Pangalawa, alanganin na rin kasi gabi na, at umuulan pa.             Pangarap k...

“yehey!”

2018 06 08 (Fri, 9:10 PM)             Isang “yehey!” muna sapagkat naka-survive ako sa unang linggo ng pasukan!             Gayunpaman, di ako masyadong excited sa weekend; mas excited pa rin ako na magkape tuwing gabi pagkauwi galing sa school. Kahit naman kasi weekend may mga gawain pa rin (reklamador? Lol). Ang goal ko nga next week ay magamit ang time ko sa mga dapat gawin, at sana hindi ito manatiling goal lamang hahaha.             Nung miyerkules, nagpa-preassessment ako sa pamamagitan ng isang move test. Tapus, napagalitan ko sila Michael at Tim, di kasi sila sumunod sa aking panuto. Ang sabi ko, habang nakapila ay walang maghaharutan, eh sakto nung malapit na ang turn nilang dalawa sa move test ay nagkatulakan sila habang nakapila, kaya iyon… the rest is history.      ...

"Byernes na bukas, laban pa!"

2018 06 07 (Thu, 8:46 PM)             Natututunan ko na kahit paano ang mag-inject ng personality sa pagtuturo, nagagawa ko na (pwera na lang tuwing may observation ng klase, ang hirap kasi maging natural kapag may observers, mas nangingibabaw na maging formal). Naalala ko, nung mga unang taon ng pagtuturo, lalo na nung nasa private school pa ako (tapus catholic school pa), I was so blunt serious! Hahaha. Very formal at masyadong concern sa content ng tinuturo ko. Then, after ng isa o dalawang taon, unti-unti naman akong nagiging conscious sa mga strategies na ginagamit ko. Tapus, unti-unti ko nang naa-appreciate yung experience sa pagtuturo at mastery ng content. Kaya minsan may “ahhh” moment ako kapag naili-link o nai-integrate ko na yung content ko sa iba. So, ano bang saysay ng mga sinasabi kong   ito… wala lang, na-realize ko lang.             Bumili ako ng i...

"... ganyan talaga sa hapon.

2018 06 06 (Wed, 8:49 PM)                Kaninang umaga, nag-text ako kila Eldie at Neri. Ang sabi ko, ang unfair naman ata ng environment… kasi, naligo naman ako, nagsabon at naghilod pa nga tapus paglabas ko puro trak ang kasabay ko sa daan na namamahagi ng alikabok at usok, so balewala rin ang pagligo di ba.                Ang sabi ni Neri, ganyan talaga sa hapon. Okay.                Nakakapagod ang araw na ito. Kakaiba talaga ang Wednesday, parang taun-taon, miyerkules ang pinakapuno kong sked. Pero okay lang naman, mas gusto ko pa ngang marami ang klase kasi parang mabilis lang ang oras. Pero masaya rin ang medyo maluwag na break, marami ring magagawa or minsan tulala.                Hmm...

"... 15-minute journal writing na lang."

2018 06 05 (Tue, 9:06 PM)                Napagtanto ko na medyo mahaba na ang twenty minutes para gumawa ng isang journal; kaya babaguhin ko na ang ruling, 15-minute journal writing na lang.                Kanina ay nag-elect na kami ng class officers; sa paraang dating gawi. Sa bawat posisyon na pagbobotohan, maaaring mag-volunteer na i-nominate ang sarili, maaari ring mag-nominate ng iba pero kung ayaw ma-nominate ng ninominate mo, eh di wag. Tapus, botohan.                Interesting ang set of officers ko ngayon. Yung 2 sa possible favorite students ko (kasi mukhang mga future pazaways) ay na-elect na officer! Demokrasya nga naman lol. Natuwa na rin ako para sa kanila, kasi di ko naman sigurado kung may “label” na ba sila noong nakaraang school year, kasi ku...

"... parang World War Z!"

2018 06 04 (Mon, 8:56 PM)                Kumusta naman ang first day high?                Bago ko yan sagutin, magpapauso muna ako sa aking sarili. Bawat araw ay gagawa ako ng journal (parang ganito) pero isusulat ko lang sa loob ng twenty minutes! At kung ano lang ang masulat ko ay yun na ang ipapaskil ko. May advantage ito. Una, may entry na ako araw-araw (assuming na magagawa ko ito lage); at pangalawa, pang-exercise na rin sa mga daliri hahaha.                Oh, mabalik ako sa tanong… narito ang mga sagot: 1.       Okay pa naman. First day pa lang eh, kaya natural lang na tagutaguan muna ng sungay. 2.       Mukhang effective ang hindi paglalagay ng basurahan sa classroom. Naiiwasan ang kalat. O baka nga fi...