Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa 2016

huling post para sa 2016: kung bakit kami kahanga-hanga sa "kapit lang" at "humopia", at oo masaya yung bula-bula na blue :)

                Sa itinagal-tagal, akala ko ay napaka-problemado ko na. Pero, mas nahihirapan pa pala ang ilan sa aking mga kaibigan. Inakala ko na nahihirapan na talaga ako, pero mas mayroon pa pala silang pinagdaraanan kaysa sa akin. May mga panahon na dapat sana ay inilaan ko na lang para masuportahan ko man lang sila. Naipakita ko sana na ako rin ay may simpatya, na ako rin ay nakararamdam at naiintindihan din sila.                 Kung alam ko lang…                 Kung nalaman ko lang…                 Siguro ay kung nag-reach out pa ako.                 Siguro ay kung kahit saglit ay pinatahimik ko m...

cherie encounter 02

Si Cherie, Neri, Eldie at Ako. (2016 12 19 - Dalandanan, Valenzuela City) o-O-o Ako: Ang ganda ng uniform n’yo Che! Cherie: Oo, para kaming taga-munisipyo. Cherie: Last year pa ‘to, tumaba na ako… Ako: Di naman, baka lumiit lang yung damit, nag-shrink… Ako: Bakit di ka sumali ng chorale? Cherie: Bakit mukha ba akong baboy? :) o-O-o 2016.12.19 Christmas Party Valenzuela City Astrodome Narito ang link para sa 'biglaan with cherie'.

full time

                “Full Time” ang napili kong tema para sa susunod na taon – 2017! Ang korni, pero parang nakagawian ko na ang magtakda ng tema para sa bawat taon. At oo, madalas ay wala naman talagang kinalaman ito sa buhay ko sa araw-araw, o sa bawat buwan. Parang automatic na kapag mga huling buwan na ng kasalukuyang taon ay bigla na lang akong nakakaisip ng tema kuno ng aking buhay. Idagdag pa na kahit pala bawat buwan ay meron din hahaha; ganun kalala! Pero at least di ako tulad ng iba na puro *insert month here* be good to me ang peg. Ito na marahil ang subconscious na pamamaraan ng aking isip kung paano ko nai-envision ang life for the next year (o kahit pa nga every month).                 Pero epic pa rin sa aking memorya ang tema kong “chasing dreams” hahaha. Sobrang korni! At saka, sa lahat ng naisip kong tema, ito lang an...

Kahit saan mapunta, may magsasabing “Hi Sir!”.

                Nasalubong ko si Jasper (dati kong estudyante) sa footbridge. Nagkamustahan ng kaunti. Saglit kaming tumigil sa mismong hagdanan, mabuti na lang at kaunti lang yung dumaraan. Tinanong ko kung saan na siya nag-aaral; sa pagkakatanda ko kasi ang sabi niya sa akin noong nagpi-fill up siya ng form para sa senior high ay magti-TESDA siya. Ang sagot niya, siya raw ay nag-aapply na ng trabaho. Hindi ko na nausisa pa, dahil nasa hagdanan kami ng footbridge at baka kami ay makaabala, ‘good luck’ o ‘ingat’ ba ang huli kong nabanggit sa kanya, hindi ko maalala eh.                 Ang awkward o nakakatawang part ay yung mismong nagkasalubong kami. Sanay ang mga ka-batch na estudyante ni Jasper magmano sa mga teachers nila, pero sa kung anong dahilan hindi niya naituloy yung akmang magmamano sana siya sa akin, di ko na rin naiabo...

09 at 23

2016.11.09      Kung hindi ako mag-i-enroll ngayong sem, anu naman kaya ang gagawin ko tuwing sabado? …tatambay sa national library para doon magbasa, at mag-blog. …tumambay sa luneta o kahit saan pa sa maynila para mangalap ng istorya. …makitulog sa bahay ng iba tuwing byernes ng gabi at uuwi ng sabado ng gabi. …magpagala-gala sa malls? …mag-bike kaya sa umaga at tumambay sa tulay sa may Bulacan? …manuod ng movies? documentaries? …gumawa ng art crafts. …magtanim ng halaman at itala ang paglago nito bawat linggo. …magkulay gamit ang color pencils. …maglakad nang maglakad, kung saan man mapadpad.      Naalala ko ang klasmeyt kong si Steph na nag-aaya sa pag-attend ng The Feast, tuwing sabado raw iyon. Kaso lang, hindi ko alam kung bakit kapag nasimulan ko na ay di nagtatagal ang pag-attend ko sa mga ganito. Ano bang mga ayaw ko? Una ay yung cell group na tinatawag. Tapus meron kang cell group leader. At bawat isa sa...

"and"

Sa photocopy-han… …may nagtanong ng presyo ng ink ng printer – “Magkano yung ink na BLACK and WHITE?” Nag-‘kru-kru’ ang paligid. Di ko siya ‘gets’.                 Deo ba un, or anu?                 Pero ‘peyborit’ ko pa rin yung –                 “Pa-photocopy nga, BACK and FORTH .” Kasalanan talaga yan ng “and”.

umaasa-kind-of-thinking

2016.10.02 Nagsusulat ako dahil halos isang buwan na hindi ko na rin nagagawa ang pampalipas-oras na gawaing ito. Sa sobrang dami ng nangyari noong nakaraang buwan ng Setyembre, hindi ko magagawang sabihin yung madalas i-post ng iba sa fb na “September, be good to me!” Lumipas na ang Setyembre at hindi ito naging mabuti sa akin hahaha. Ang naging mabuti lang ay kung paano ako naka-survive sa mga moments ng pagka-haggardness. Siguro, sanayan lang... at nasanay na lang siguro akong maging haggard. Tutal ang sabe, base sa nabasa ko nuon tungkol sa ating perceived self-efficacy, kung mas marami ka nang nalampasan na mahihirap na tasks o mga gawain na nahirapan kang tapusin ngunit napagtagumpayan, tumataas ang paniniwala natin sa ating sarili na malalampasan ang kasalukuyang mahirap na gawain. Kumbaga, kung ang mga “iyon” nga ay nalampasan mo, ang mga “ito” pa kaya. Kaya kahit maraming factor ang humahadlang para maka-survive, maging hopeful tayo sa theory na iyon ni Albert Bandura...

...ang titik M.

2016.09.25 Mabuti na lang, kahit paano ay napilit ding gumana ang ilan sa mga sirang keys dito sa keyboard ko. Nasira ang huling mouse na ginagamit ko dahil nabagsak ko ito nang hindi sadya noong mga araw na may problema ang kuryente dito sa bahay. Nakabili naman ako ng bago, yun nga lang, maliit lang siya, sa laki ng kamay ko hirap akong hawakan ito; nakakangalay gamitin. Kung naabutan ko lang sanang bukas ang cd-r king eh di sana ay nakapili pa ako ng mas akmang mouse kesa sa ginagamit ko ngayon; at kung di ko lang talaga kailangan, eh di sana ay di muna ako bumili. Napakabilis ng paggalaw ng cursor, paano ba ito pabagalin? Pag binago ko naman yung setting parang sa touchpad lang applicable at hindi sa nakakabit na mouse. Kaunting galaw lang kung saan-saan na napupunta ang cursor sa screen… ganito siguro talaga ang mouse na tig-150 lol. Na-miss ko na ang pagsulat ng kahit na anek-anek lang at saka ang magbasa ng mga blogpost. Pero sa dam...

ito na ang una at huli...

                Okt. 29, Sabado – sa LRT, sa di ko na matandaang istasyon, sumakay ang isang grupo ng mga kabataan na mga maiingay. Masikip na nga, maingay pa. Pinag-uusapan nila ang kung ‘anek-anek’ na output na kailangan nilang ipasa. Sa tantiya ko, kung hindi sila mga estudyante sa kolehiyo, mga senior high school students sila. Sila ay nasa bandang kanan ko nakatipon, sa dulo  malapit sa pintuan ng tren (Pinto pa rin ba ang tamang term kapag  tren? Feeling ko may iba pang tawag dito hahaha).                 Sa kaliwa, bandang likuran, isang maliit na grupo naman ng kabataang kalalakihan. Mga mukha o may lahing chinese ang iba, mahihinuhang sila ay mga estudyante ng isang private school. Malinis at mayaman tignan, pero hindi ko naman sinasabi na madumi at mahirap tignan yung naunang grupo lol. Napaka-judgmental. Pinag-...

"nakakaumay ang pagkayas sa makating gabi..."

                May twitter account na pala ako (actually, iyon ay binuhay na account lang; mabuti nga’t natandaan ko pa ang password). Sa palagay ko kasi ay mas payapa sa twitter.                 One time, nakita ko na naka-follow na si Neri (at tatlo pa, ang dami na hahaha). Sa twitter ko sinimulang ibahagi ang ilan sa mga recent na nagagawa kong blogpost. So, ngayon marahil ay alam na ni Neri (pati na si Eldie) na mayroon akong blog. Na madalas, sa mga nakalipas kong posts, ay nababanggit ko sila, dahil sila lang naman ang lagi kong kasama tuwing weekend (sa eskwela, sa pagkain at kaunting gala).                 Binalak ko rin naman na i-share ito sa kanila. Pero di ko lang talaga magawa. Ang una kong rule ay para lang ito sa makakatuklas nang hindi k...

topaz 05: Storm

                Pinalitan na namin si Storm bilang presidente ng aking klase. Ito ay dahil sa napakaraming pagliban niya mula noong matapos na ang training at laban nila sa volleyball. Sayang, dahil malaki pa naman ang potensyal ni Storm bilang leader; sa katunayan, siya pa nga ang captain ng volleyball team. Nabanggit niya na noong siya ay nasa grade 9 ay dati na rin siyang napalitan sa pagiging class officer – napalitan siya dahil di na niya magampanan ang kanyang “tungkulin” sa kanilang pangkat.                 Naalala ko, isa si Storm sa mga aktibo na nagpa-participate sa klase… kaya nanghinayang din ako sa kanya… ipinagtaka ko pa nga ang maraming line of 7 na marka niya sa card noong siya ay grade 9 gayong may husay din naman siya sa klase… pero ngayon alam ko na kung bakit. Resulta iyon ng kanyang mga absences dati… na nangyay...

dagli 17: "...bahala na ulit si Batman."

                Mas malaki pa ang keyboard na gamit ko ngayon kaysa sa aking primitibong netbook. Sira pa rin ang ilang mga keys nito (pinaasa lang ako kamakailan nang bigla na lang gumana ang lahat, pero makalipas ang ilang araw ay bumalik na naman sa dati nitong depekto)… kaya pansamantala, kinuha ko muna itong keyboard sa desktop na matagal naman nang hindi nagagamit. Nakakapanibago lang sa pagta-type dahil mas kailangan dito ng “diin” sa pagtipa… kumbaga mala-typewriter ang peg; pero mas gugustuhin ko na ‘to kaysa naman palipat-palit ang kamay ko sa keyboard at mouse para lang ma-click sa on-screen keyboard at ma-encode ang ilang mga characters.                 Ang lagay ng buhay ngayon ay “whirlwind” pa rin ng mga gawain… ang sabi naman eh “tough times don’t last; tough people do”. May mga gawain na okay din sanang pag-ukulan ng...

anino atbp.

                Sabado.                 Ang sabi ni Prof. M (tatagalugin ko na lang) “ kahit na ang ating anino ay iiwanan tayo sa dilim; kaya nararapat lamang na may mga bagay tayong nagagawa nang mag-isa… yung hindi umaasa sa iba. ” Hindi ko alam kung ito ba ay ‘hugot’ nya noong araw na iyon, o sadyang tinadhana na ipatama sa akin hahaha. Kaka-text ko lang din noon kila Eldie at Neri, magpapasama sana akong bumili ng uniform sa SM Manila o North o kahit sa Divi (kung saan meron at kung sila ay available). Ito ay sa kabila nang napakalapit ko naman at madaraanan ko pa pag-uwi ang SM Manila… hindi ko lang talaga feel ang magpunta at maglibot doon nang mag-isa.                 Sakto namang huli na nang mabasa nila Eldie at Neri ang text ko, pauwi na sila (...

dagli 16: lights out

                Wala kahit na kaunting pangamba kong inakyat ang ikatlong palapag ng bahay. Umuulan kasi nang malakas, nag-alala ako na baka nakalimutan o may hindi naisara na bintana (ang lagay eh aanggi ang tubig-ulan sa kwarto, masisisi pa ako lols). Wala rin ni isang ilaw na nakabukas kahit pa sa may hagdanan. Walang-wala lang din sa isip ko ang pumanik kahit na madilim, binuksan ko ang pinto, kinapa sa kanang bahagi ng pader ang switch. Nang mag-on at magliwanag ang kwarto, inisa-isa ko ang bawat bintana, mabuti na lang lahat naman ay nakasara… walang problema. Nasa tarangkahan na ako ng pintuan para patayin na muli ang ilaw nang maalala ko ang isang pamilyar na eksena sa pelikula na Lights Out ... naisip ko kapag pinatay ko na ang ilaw sa kwarto mababalot na ako ng dilim. Ang ginawa ko – binuksan ko muna ang ilaw sa may hagdanan para kung papatayin ko na ang ilaw sa kwarto ay meron pa ring liwana...

dagli 15: P ; : “ . ‘ ?

                Sa kagustuhan kong maintindihan pa at maayos ang ginawa kong proposal, nag-download ako ng ilang pdf na maaari kong mabasa o gawing reference… ganun din ang ginawa ko para naman sa naging take home na prelims. Marami akong na-download na babasahin para dun sa take home na prelims (yung iba ay swak sa topic, others are related lang); napansin kong may mga files na nasa mga 20-30 pahina (may ilan na aabot ng 100 pages na); nagdalawang isip na nga akong i-download dahil baka di naman sapat ang oras para mabasa ko yun lahat. PERO … dinownload ko pa rin (feelingerong masipag magbasa, samantalang ang isang libro nga ay inaabot pa ng ilang buwan bago matapos… ang dahilan ko naman kasi ay BUSY lols).                 Wala naman kasi akong isasagot kung hindi ako makapagbabasa, hindi naman kasi opinyon ang hinihinging mga sago...

dagli 14: reporting

                Nagmadali akong pumunta ng library matapos kumain ng lunch. May report ako; nabasa ko na yung ilang bahagi, ang problema ko na lang ay ang powerpoint… di pa ako nakapag-prepare ng presentation. Ang ginawa ko, ipinares ko na lang yung template o design dun sa mas inuna kong tinapos na report (na hindi ko naman nai-present; sa puyat ko makatapos lang ng kahit na isa, feeling-haggard na ako para mai-present pa ang isa sa natapos kong report… sa madaling sabi, pinauna ko na lang yung ka-partner ko, para di naman masayang ang suot nyang polo hahaha. Alam kong parehas kaming nag-anticipate na makapagri-report noong araw na iyon, pero sa natirang oras matapos nung nauna sa amin, isa na lang ang pwede, kaya pinauna ko na siya. Ang target ko pa naman noong sabado na iyon ay mai-present na ang nagsabay kong dalawang report; pero dahil nagparaya ako sa isa, ang lagay eh dun pa ako masasalang sa hindi ...

topaz 04: mahiwagang notebook

                Noong martes, nabanggit sa akin ni Storm (presidente ng klase) na may gustong lumipat sa aming section. Ang sabi ko, kung sino man sya wag na hahaha. Pinayuhan ko na, bago mangyari iyon ay kelangan muna kausapin ng student na yun ang kanyang adviser, year-level chairman at ang beis-officer. Ipinaliwanag ko na hindi basta-basta ang paglipat ng section, lalo na kung ang rason lang ay para makasama yung gusto nyang maging kaklase (hindi mapapayagan kung hindi naman mabigat ang dahlian ang ibig kong sabihin). Sa personal kong preference, ayoko na may madagdag pa sa section na hawak ko dahil nag-aayus na ako ng listahan at mga school forms dahil gusto ko sana ma-finalized na ang lahat, pero kung aapruban naman ng nasa ‘higher-itaas’ anu naman ang magagawa ko (at saka kung makabubuti naman sa bata, why not). Ehem.              ...

topaz 03: anecdotal record

                Dapat sana ay homeroom ang schedule ko sa Topaz kanina, pero dahil wala naman akong naitakdang gawain para sa homeroom, nag-proceed na lang muna ako sa quiz namin (tutal sabi ko naman sa kanila ay ngayong lunes iyon; saka yun naman talaga ang inihanda ko para sa unang araw ng week na ito. (At bakit ako nag-eexplain hahaha).                 “Kala ko ba homeroom?” pahagip-hangin ni Robles.                 “Gusto mo ba mag-homeroom?” ang balik ko sa kanyang tanong.                 Pailing-iling si Robles, sabay sabi ng “Hindi po sir.”                 Mabuti na lang at hindi na sumagot pa si ...

dagli 13: pango

                Kahapon ay naliwanagan na ako sa kung sino ang tinutukoy ni Clang na naospital sa NKTI (yan, ayon kay Clang, ang pangalan ng ospital). Nang tanungin ko siya kung sino, ang naging sagot niya ay si “pango”; napaisip ako, isa lang naman ang maaari naming asarin na “pango” sa grupo lol. Ang ipinagtataka ko lang, kung sya nga iyon, bakit hindi nag-organize ng pagkikita at pagdalaw ang grupo? (tulad nang nakagawian)… naisip ko na lang ulit, baka kasi busy. Mabuti na lang at nagkahuntahan kami nila Clang atbp sa faculty bago kami umuwi. Iba pa lang “pango” ang tinutukoy nya. 2016.07.02

topaz 02: concept map

                Mabuti pa ang Topaz ko, matinong gumawa kanina ng kanilang activity. Masasabi kong effective na pang-summary o pang-generalize ang paggawa ng sarili nilang concept map. Malaking bagay na yung makita kong nakagagawa sila ng maayos na concept map; ibig sabihin kaya rin nilang ma-organize ang kanilang mga natutunan. Kaya kanina, sa klasrum, nakapagbasa pa ako ng report ko, habang pamasid-masid sa kanila. Nakukuha naman sila sa tingin, kahit pa si Miguel na hindi mapirmi sa upuan.                 Kabaligtaran naman sa… * (hindi na lang ibabahagi; mapanirang-puri lols) 2016.07.01