Ika-24 ng Abril, 2014
Huwebes, 1:38 ng madaling
araw
Hindi pa rin ako inaantok. Napasama
pa ata ang inom ko ng kape kasabay ng hapunan. Badtrip hahaha. Gusto ko na matulog eh…
Pero, parang okay din ang oras na ito… madilim… tahimik. Tanging netbook ko lang ang nagsisilbing source ng liwanag… nakakabulag lols. Wala na akong naririnig mula sa
mga energetic naming neighborhood, buti naman uso rin pala sa kanila ang matulog.
Himala walang videoke marathon?
Walang party pipol? At walang mga
habulan at eksenang nangyayari sa labas… Amazing!
Hahaha.
Nauuhaw ako… natatamad akong bumaba.
Saka madilim na, baka may mag-abot sa akin ng pitsel at baso… hahaha. Bababa muna ako… hindi na ako
magti-tyaga ulit sa tubig sa gripo lols.
Masisira na naman tiyan ko…
2:00 AM… Balik na ulit ako sa aking
higaan. Oha kinaya kong bumaba, nakapag-akyat pa ako ng isang baso ng tubig
pang-reserba hahaha.
x-o-x-o-x
Napaka-powerful
ng mga salita. Kahanga-hanga kung paano nito naita-transfer sa
mambabasa ang emosyon o kaisipan na nakapaloob sa isang salita / pangungusap /
talata. Na kung iisipin mga pinagsama-sama lang naman itong mga letra… Ang
galing di ba? Lols.
x-o-x-o-x
Mukha ba akong alien? Mukha ba akong di
karaniwan? Hahaha.
Kanina (I mean kahapon ng afternoon), may nakasabay ako sa jeep at nakasalubong sa daan na kung
makatingin parang namamangha o naguguluhan sa kanilang nakikita.
Pakiramdam ko gusto nila akong tanungin kung tao ba ‘to? Nag-iisip ba ‘to?
Bakit mukha s’yang shunga? Endangered
species ba ‘to? Hahaha. Ewan…
Lakas makaloko ng mga tao ngayon…
x-o-x-o-x
Nakakasawa rin pa lang marinig when people or when we are trying to justify
our actions (tama man o mali sa paningin ng iba). Minsan, gusto kong mag-explain pero bakit? I mean, may mga tao na kahit ano man ang sabihin mo, hindi
mo mababago kung ano ang nasa isip nila. At ang lagay pa eh pinagmumukha nilang
tama ang kanilang mga sarili sa kabila na pinipilit nilang ikaw ang hindi tama.
Hay…
Kaya minsan, ang sarap na lang
manahimik. Wala naman talagang may alam o may-ari ng absolute truth sa mundong ito… kaya pakinggan mo na lang ang
katotohanang meron ka sa iyong sarili.
x-o-x-o-x
“Sorrow
is a fruit: God does not make it grow on limbs too weak to bear it.”
-
Victor Hugo
x-o-x-o-x
Question:
What
SKILL or talent would you like to learn if you had all the time and resources
in the world?
Answer:
Writing.
(Kailangan pa bang i-memorize yan, bisyo
na ‘to! Hehehe).
x-o-x-o-x
#MgaKwentoSaTagAraw
#GabingWalangLilim
#AntukinSaUmagaGisingSaGabi