Mahal Ko Na Rin Ang DUBAI...


Ika-04 ng Abril, 2014
Biyernes, 8:42 ng gabi

            Halos kauuwi ko lang at katatapos lang kumain. Sobrang nakaka-dehydrate ang init kanina sa rehearsal namin ng graduation. Di ko alam kung mapipiga ko pa ba ang sarili ko na magkwento lols. Pero pipilitin ko.

            Kaninang umaga, sobrang bagot ako sa faculty. Yung hinihintay ko kasing mga gawain ay di pa dumarating. Yung nakakainis at nakakainip na wala kang ginagawa sa kabila ng halos lahat ng nakapaligid sa iyo ay mayroong pinagkakaabalahan, parang nakakahiya naman di ba hehehe.

            Yung nasusuya na ako sa mga pinakikinggan kong musika, kasi alam ko na pag-uwi ko mamayang gabi ay pakikinggan ko na naman sila. Nakapagbasa na rin ako ng mga bagong blogpost ng mga bloggers na sinusubaybayan ko, na halos minu-minuto ko na nga niri-refresh yung dashboard ng blog ko para lang makita ko kung may nakapag-post na ba ng bago. Kaso wala.

            Kaya naisipan ko na lang na panuorin ang isa na namang docu na na-download ko kahapon. Ang title ay “Dubai: The Greatest City on Earth”. Talaga pa lang nakamamangha ang Dubai! Isipin mo na lang na ang isang lugar na dati ay puro disyerto lamang, ngayon ay isa na sa pinakamodernong syudad sa mundo na may pinakamatataas na istruktura. Grabe ang kaalaman nila sa engineering! Talagang pinag-aralan nila ang lahat – mula sa kung paano magagawan ng pundasyon ang mga nagsisitaasang gusali, kung paano magkakaroon ng water supply ang lugar sa kabila na ito nga ay isang disyerto, at ang mga materyales na ginagamit na kayang tumagal sa matinding kondisyon ng panahon. Kahanga-hanga! Nakakabilib!

            Hindi ko tuloy maiwasang maisip na sana ganun din ka-detalyado ang mga pagpaplano natin sa pagtataguyod ng isang lungsod. Kaya nakakainis na pinapangarap ko na ngayon na mapunta sa Dubai! Grabe, gusto kong pumunta sa Dubai, ngayon na! Hahahaha.

            Nadagdagan na tuloy ang lugar na gusto kong mapuntahan. Dati talaga solidong Germany lang ang gusto kong mapuntahan. Kaya ko naman gustong mapunta sa Germany kasi hinahangaan ko kung paano nila binibigyan ng halaga ang ‘science research’ sa kanilang bansa. Yun bang naging parte na ito ng kanilang pag-unlad. Napakadami nilang research institute doon, na hindi ko alam kung magkakaroon pa ba ako ng chance na maging parte man lang ng isang research team sa bansang yun. Grabe! Pagpasensyahan na ang pagiging ambisyoso ko hahaha. Kasi dito sa atin, hindi naman masyadong research oriented ang ating bansa, Yung para bang nakakaasar na lagi na lang mga natutuklasan mula sa ibang bansa ang ating ibinabalita. Nasaan na ang sarili nating mga research o pag-aaral? Para saan pa ang mga thesis sa M.A. at Doctoral? Hanggang sa pang-akademiko na lang ba natin gagamitin ang ating nalalaman sa research?

x-o-x-o-x

            Bukas na ang graduation. Kaybilis ng panahon. Nakatutuwang isipin na yung mga naging estudyante ko noong OJT / Practice Teaching ay ga-graduate na rin sa college. Grabe, isipin mo yun, kung maghahanap ako ngayon ng bagong trabaho maaari ko pa silang maging katunggali bilang aplikante kapag nagkataon hahaha. Ang weird ng feeling, dati estudyante mo, ngayon katrabaho mo na lols. Tapus yung mga naging estudyante ko naman ngayon sa high school ay magsisipagtapos na rin, mga 3 o apat na taon pa, pwede na rin kaming maging magkatrabaho hahaha, bale bata pa rin naman ako nun, mga 28 years old.

            Hay…Kaybilis talagang lumipas ng panahon!


x-o-x-o-x

#MgaKwentoSaTagAraw

Mga Komento

  1. at gusto kong mag-tambl... waaing.. haha... just imagine how i felt when my first HS students posted their college graduation pics years ago! Dati pinapahirapan ko lang sila sa pag-solve ng mga physics problems.. wahahaha...

    Bongga nga daw dyan sa Dubai. Ang sarap daw mag photowalk at andaming magagandang landscapes na pwedeng i-shoot.

    Maraming tie ups ang DOST sa Germany. Sana nga mas bigyan ng pansin ang funding for research at hindi maibulsa lang.. Sayang tlga.. Andami nang pinoy inventions ang naibenta ang patents dahil hindi naman kayang pondohan ng gobyerno..

    Congrats sa mga students mo Cher Jep! Good luck din sana di mo sila makasabay sa jobhunt! lels..

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. hahaha, grabe kinilabutan ako dun ah -
      "...sana di mo sila makasabay sa jobhunt!" :)

      di ko ma-imagine! awkward! lols :)

      Burahin
  2. Hello! I landed on your blog dahil gaya mo... tulala na ako sa dami ng gagawin haha Isa din akong guro.... kaya lang part time lang sa isang college sa Manila :) Nakaka relate ako sa wonders ng Dubai, yung mga dati kong colleagues eh halos nandyan na lahat. Ayun naiwan ako dito haha

    Pero mas nakaka-relate ako sa mga graduation photos.. 25 years old ako ng first time ko magturo sa college..(wala ng tanungan ng edad ngayon haha) Kapag nakikita ko yung mga dati kong students na nagpopost ng grad pics.. feeling ko lolang lola na ako ;) D ko alam kung masesenti ako or mainis ako haha

    Nakakaaliw yung blog mo :) keep writing

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. wow salamat sa pag-landing sa aking blog :)
      ang dami lang talagang guro na bloggers! :)

      gusto ko rin magturo sa college kapag may Master's Degree na ako.

      Burahin
  3. You should pack your things now, seek for a sponsor and larga na pa Dubai lols! Ako, I never visited Dubai yet, pero I've been in Abu Dhabi once (sa airport nga lang kasi connecting flight lang naman siya going to Saudi). Pero, like what you've observed, Dubai really fascinates its visitors with the structural and architectural wonders. Since United Arab Emirates doesn't have a lasting supply of oil and gas (as many says) the Sheikh decided to develop his country into a world class tourist destination adding to their economic resources. My brothers and lots of friends have similar thing in mind - marvelous and grandeur.

    A week ago lang, nakausap ko ang former grade school pupil ko named Erika Esteban. She told me she's graduating already in HS and is still contemplating which school she'll enter in college. She wanted to land in one of the state universities since mas mura ang tuition plus competitive ang learning. Pero, sabi niya rin na napag saraduhan na din daw siya sa mga gusto niyang schools. Di kasi siya nakapag take ng exams sa ibang mga gusto niyang schools. Sabi ko, how time flies so fast, naaalala ko dati, tinuturuan ko lang sila sa grade school tapos bigla nalang malalaman ko ga-graduate na pala sila ng HS. Ang tanda ko na nga lols! hahaha. Pero masarap isipin na ang mga former students mo ay di ka nakakalimutan and thankful sila sa'yo kasi tinuruan mo sila ng maayos. Yung ang ultimate satisfaction sa akin bilang isang naging guro - ang pasalamatan ka at i-validate ang pagiging mahusay mong guro sa kanila. Awww.....I'm crying now hahaha

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Kung may mag-i-sponsor lang, why not, go! hahaha :)
      Mahusay din mag-isip ang Sheikh ng UAE.

      Yung reward talaga ng isang guro ay di basta nakukuha, it takes time :)
      At napakasarap sa pakiramdam kapag may bumabalik para magpasalamat.

      Burahin

Mag-post ng isang Komento