Hanggang Saan Ka Dadalhin ng Iyong mga Salita?


Ika-24 ng Abril, 2014
Huwebes, 1:38 ng madaling araw


            Hindi pa rin ako inaantok. Napasama pa ata ang inom ko ng kape kasabay ng hapunan. Badtrip hahaha. Gusto ko na matulog eh…

            Pero, parang okay din ang oras na ito… madilim… tahimik. Tanging netbook ko lang ang nagsisilbing source ng liwanag… nakakabulag lols. Wala na akong naririnig mula sa mga energetic naming neighborhood, buti naman uso rin pala sa kanila ang matulog. Himala walang videoke marathon? Walang party pipol? At walang mga habulan at eksenang nangyayari sa labas… Amazing! Hahaha.

            Nauuhaw ako… natatamad akong bumaba. Saka madilim na, baka may mag-abot sa akin ng pitsel at baso… hahaha. Bababa muna ako… hindi na ako magti-tyaga ulit sa tubig sa gripo lols. Masisira na naman tiyan ko…

            2:00 AM… Balik na ulit ako sa aking higaan. Oha kinaya kong bumaba, nakapag-akyat pa ako ng isang baso ng tubig pang-reserba hahaha.


x-o-x-o-x


            Napaka-powerful ng mga salita. Kahanga-hanga kung paano nito naita-transfer sa mambabasa ang emosyon o kaisipan na nakapaloob sa isang salita / pangungusap / talata. Na kung iisipin mga pinagsama-sama lang naman itong mga letra… Ang galing di ba? Lols.


x-o-x-o-x


            Mukha ba akong alien? Mukha ba akong di karaniwan? Hahaha.

            Kanina (I mean kahapon ng afternoon), may nakasabay ako sa jeep at nakasalubong sa daan na kung makatingin parang namamangha o naguguluhan sa kanilang nakikita. Pakiramdam ko gusto nila akong tanungin kung tao ba ‘to? Nag-iisip ba ‘to? Bakit mukha s’yang shunga? Endangered species ba ‘to? Hahaha. Ewan…

            Lakas makaloko ng mga tao ngayon…

x-o-x-o-x


            Nakakasawa rin pa lang marinig when people or when we are trying to justify our actions (tama man o mali sa paningin ng iba). Minsan, gusto kong mag-explain pero bakit? I mean, may mga tao na kahit ano man ang sabihin mo, hindi mo mababago kung ano ang nasa isip nila. At ang lagay pa eh pinagmumukha nilang tama ang kanilang mga sarili sa kabila na pinipilit nilang ikaw ang hindi tama. Hay…

            Kaya minsan, ang sarap na lang manahimik. Wala naman talagang may alam o may-ari ng absolute truth sa mundong ito… kaya pakinggan mo na lang ang katotohanang meron ka sa iyong sarili.


x-o-x-o-x


“Sorrow is a fruit: God does not make it grow on limbs too weak to bear it.”
- Victor Hugo


x-o-x-o-x


Question: What SKILL or talent would you like to learn if you had all the time and resources in the world?

Answer: Writing. (Kailangan pa bang i-memorize yan, bisyo na ‘to! Hehehe).


x-o-x-o-x


#MgaKwentoSaTagAraw
#GabingWalangLilim
#AntukinSaUmagaGisingSaGabi



Mga Komento

  1. At least di mo na pinatulan ang tubig sa gripo by managing to get down to have a glass of water.

    Well, may mga tao din talaga na kung makatingin ay akala mo nakakita ng ibang nilalang. Quite offensive and uncultured ang ganung mga actions toward other people. Kadalasan din kasi, judgmental cynics ang mga tao, may makita lang sa'yo na something different, they will easily put you under their negative impression. Quite sad to note such people. But, the only thing that can get you even with them is to learn to ignore them. To learn not to associate yourself with people not bringing the best in you, not appreciating the real person in you. Conclusively, It is important to choose the people we bring into our lives - by screening the positives over the negatives :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. i agree sa lahat ng iyong sinabi :)
      at ini-ignore ko lang din naman ang mga taong ganun,lalo pa't di ko naman sila kilala :)

      Burahin
  2. At least pag di nakakatulog, nakakapagsulat ka. Nag enjoy akong magbasa sa mga sinusulat mo.
    napapangiti, nakakapagisip ,namamangha at may natutunan ako:)

    TumugonBurahin
  3. Ah eh... magspider crawl dw papunta sa room mo ang maghahatid ng water. Lels.

    I know right. Ika nga ni papa Rizal, pen is mightier than sword.
    Reminder din ang Psalms 34:13-.Keep thy tongue from evil and thy lips from speaking guile :)

    Di ko alam kung anong hitsura mo eh. Pero yung mata mukhang pang human being naman. Lels. Baka napogian sayo kaya kung makatitig ay wagas. Hahahah

    Gusto kong matutunang magpiano ang magviolin. Lels.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. oh baka si 'the grudge' ang maghahatid sa akin ng tubig with her special moves :)

      gusto ko rin mag-violin, kaso parang ang hirap, kaya piano na lang :) at saka kumanta na rin lols...

      Burahin
  4. madaling araw person din ako. hehe and i love it.
    mas chill sa madaling araw habang tulog ang lahat kasi parang sa'yo lang ang mundo.

    ...at hindi porke hindi ka bumaba, wala nang mag-aabot sa'yo ng pitsel at baso di ba? hehe
    mas nakakaloka yun! nyahaha

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. agree ako sa iyong sinabi na kapag madaling araw at tahimik parang 'sayo lang ang mundo' :)

      Burahin
  5. Just dropping by to say hello and see if there is an update from you:)

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento