Lumaktaw sa pangunahing content

Mahal Ko Rin ang Eggpie

Ika-01 ng Abril, 2014
Martes, 7:48 ng gabi

            Napakainit kanina… yung tipong lahat na lang ng likido mo sa katawan ay maaari na mag-evaporate. Dagdag pa sa sakit ng ulo ay ang maya’t maya mong pagpasok at paglabas sa faculty na ‘de aircon’. Nga pala, di magtatagal, di na rin ako mapupunta sa isang pamilyar na lugar.

            Posible pa lang pakinggan mo ng paulit-ulit… at paulit-ulit ulit… ang iilang kanta na di mo naman mabigyan ng isang rasyonal na dahilan kung bakit mo ginagawa yun. Ang alam mo lang, minsan nakakaantok silang pakinggan, na kahit patugtugin mo sila ng ilang beses ay parang wala lang… o kaya naman naiintindihan mo lang talaga marahil kung tungkol saan ang kanta.

            Di naman ako tulad ng neighborhood namin na rak-en-rol kung magpatugtog… tulad ng pagkanta nila ng walang humpay sa videoke lalo na kung merong okasyon. Oh di ba pag sinabing okasyon dapat minsan lang? Pero dito sa amin ang okasyon ay kasingkahulugan ng mga pangyayaring ‘always’ lols.

            Brave (Sara Bareilles). Cover ng di ko kilala kung sino
Let Her Go (Passenger). Birdy cover
            Six Degrees of Separation. The Script
            Stay (Rihanna). The Script cover
            We Can’t Stop (Miley Cyrus). Bastille cover

            Yan yung limang kanta na ipinagsisiksikan ko sa eardrums ko. Ipinanghehele para makatulog.

            Di ako masyadong kumakain pag gabi. Kahit pa gaano kasarap, kahit pa bagong luto ang pagkain… singlamig ng bahaw na kanin ang kagustuhan kong kumain. Naisip ko yung batang nag-aabot ng kapirasong papel tuwing nakasakay ako ng jeep, ang nakasulat –

            “Ate/Kuya kahit kaunting barya lang po, pambili ng pagkain. Salamat po.”

            Ang totoo di ko binigyan ang bata ng pera. Sa murang edad niyang yun, obvious naman na hindi siya ang nagsulat nun… sulat matanda… dikit dikit pa… naisip ko napakapabaya naman ng mga magulang nitong batang ‘to, hinayaan nilang manlimos sa kalsada ang anak nila. Di ko maiwasang maitanong kung bakit pa sila nag-anak?...

            Speaking of jeep… nauntog ako sa handle o hawakan ng jeep kanina hahaha. Di ko kasi namalayan na mababa lang pala yung bubong ng jeep kaya para akong may stiff neck kanina… kailangan kong umanggulo ng kaunti dahil sasadsad ang ulo ko sa bubong ng jeep kung magmamatuwid pa ako sa pag-upo… alam na… iba na may ‘height’ lols.

            Akala ko may tatawa sa pagkakauntog ko kanina… buti na lang wala. Takang-taka naman ako kasi yung mga kasama ko sa jeep tuwid na tuwid ang pagkakaupo, para akong na wow mali… bakit ako lang ang nahirapan, gusto ko na ngang bumaba eh kaso nakabayad na ako hahaha. Kaya pagbaba ko ng jeep… nangalay na yung leeg ko.

            Nakita ko ang isang nanay kasama ang isang batang babae nung paakyat ako sa overpass. Parehas silang madungis… nanlilimos din sa mga tao. May dala akong eggpie nun, pero sa di ko malamang dahilan ay di ko nagawang abutan siya ng eggpie

            Paano ba ang pakiramdam ng magutom? Yung walang makain? Yan ang gusto kong maranasan kahit saglit lang. Nung mga nakaraang araw, ganun yung ginagawa ko. Di ako kumakain. Pero iba pa rin pala yung walang-wala kang makain sa pinili mo lang na kumalam ang iyong sikmura dahil di ka kumain.

            Hinding-hindi ko mailalagay ang sarili ko sa sitwasyon nila. Hindi ganun kadali. Ganun pala.

            Kaya hindi mo masasabing nauunawaan mo ang isang tao. Hinding-hindi mo s’ya mauunawaan… ng lubos… tulad ng iyong inaakala.

            Nga pala… siguro bukod sa hopia, mahal ko rin ang eggpie hahaha.

            8:36 ng gabi… inakyat ako ng nanay ko sa kwarto… “Hindi ka ba kakain?” tanong niya. Sabi ko, “Hindi. Busog pa ako.” Nagsinungaling ako hahaha. Marahil kung may Earth Hour dapat meron ding “Hungry Night” yung minsan damayan mo naman, kahit isang gabi lang, ang ilang nagtitiis na matulog dahil wala silang makain. Yan ang gagawin ko ngayon. Gusto kong maunawaan ang pakiramdam na yun.

            Pero pag di ko na kinaya… may chocolate naman akong binili… pwede na yun lols.

            Napakaganda ng mga mata mo. Higit pa sa pisikal at literal na eyeball ang nakikita ko hahaha. Pakiramdam ko sa likod ng iyong mga mata ay isang uniberso… na ikaw lang ang nakakikita… at isa lang ako sa nakatatanaw. Gustong-gusto ko ang ganung mga mata. Tumatagos sa kawalan. Gustong-gusto kong tumitig sa ganung mga mata. Sing-init ng araw ang nadarama. Ang saya…


x-o-x-o-x

#MgaKwentoSaTagAraw

Mga Komento

  1. Random post ba ito, medyo nahilo ako eh, siguro dahil nauntog din ako sa pagbabasa nito. Bakit hindi ka naman kumakain? May iba bang dahilan? Nagpapapayat ka for the summer?

    May katwiran tayong hindi nigyan ang mga nanlilimos dahil nga kapabayaan ng mga magulang yan. Pag nakakakita ako ng mga bata sa kalye, lagi kong nasasabi sa sarili ko na dapat eh nasa paaralan ang mga iyon. Pero may magagawa ba tayo? Edukasyon lang naman ang ating hawak, hindi ang kanilang mga buhay.

    Wag kang pakagutom, nagkasakit ako for doing that so warning po ito. God bless!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Wala na po akong ikapapayat for the summer, kasi payat naman po ako :)

      Gusto ko lang malaman yung pakiramdam nung mga taong nasa kalsada na natutulog at nilipasan na ng gutom... hindi pala madali...

      Kumakain na po ako ngayon. Salamat sir Jo! :)

      Burahin
  2. Panuto: Sagutan ayon sa pagkakasunud-sunod.

    uy... sinong crush mo??????

    puma-fasting?????

    peborit ko ang eggpie, lalo na yung sa baker's fair!

    aalis ka na sa school? pero magtuturo ka pa rin?

    hahahaha.... Jinitsung! bawal gumalaw. papawisan.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. 1. Hindi ko siya crush. Hinangaan ko lang yung passion na nag-uumapaw sa kanyang mata hehehe :).

      2. Uhm... parang ganun nga ang peg ko kagabi lols.

      Mabuhay ang Baker's Fair haha :)

      Burahin
  3. I'm reading from latest post backward. Ang common ground lang is all about "init" lols and from the init - springs out the different random thoughts na naiisip mo - which is fun to read. Most of the times, it is better to read random posts than a structured ones kasi sa random - easy going lang eh, spot on.

    Gusto kong gawin yang pagpapagutom sa gabi - kasi I'm blessed with more food than I want kaya nananaba hahaha. I will try it maybe. I don't usually eat chocolates - only when I play badminton.

    Mahilig ka ba sa chocolate? hehehe..Kasi I can give a pasalubong pero "meet-up" ang kapalit hahaha. Kasi ang alam ko ayaw mo ng scheduled meet up, gusto mo lang yung random meet up haha. Eh malabong mangyari yun so let's go for a scheduled one nalang hahahaha. If you agree lang naman, if not, ok lang hehe :) :) no pressure :) :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. "Mga Kwento sa Tag-araw" ang peg ko ngayong buwan ng Abril.

      Hindi po ako masyadong mahilig sa chocolate (para iwas meet-up lols).
      Nakaka-pressure hahaha. Kasi gusto ko talaga kayo makita - sir jay, sir jonathan, bino, sir mots, mam yccos at marami pang iba :) Soon!

      Burahin
  4. Or kahit na busy ka for a meet up, I can still send the chocolates through LBC or any courier service. Baka ma pressure ka eh kaya ok lang if you're not ready or not into meet up talaga :) :). Pero kapag pumayag ka naman, I can arrange at least more than 3 or 4 bloggers for a meet up. This time ayoko ng maramihan kasi sa experience ko di ko naman nakakausap ng personal ang iba sa sobrang dami. :) :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. parang ang saya :)
      gusto ko munang manabik ng todo-todo, yung ako na mismo ang mag-aaya :)
      baka ma-starstruck ako lols

      Burahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...