Here Comes the Sun!


Ika-22 ng Abril, 2014
Martes, 9:16 ng gabi


            I love the smell of coffee in the afternoon…
            Pakiramdam ko umaga pa lang kahit papalubog na ang araw.
            I realized… di ko na pala madalas masaksihan at ma-appreciate ang umaga.
            I miss that feeling.


x-o-x-o-x


            Nung isang araw, nagising ako ng 5:30 ng umaga. Napansin ko (habang tulala at nakahiga pa rin sa kama) na papasikat na ang araw kasi unti-unti na ring lumiliwanag sa kwarto. It was an amazing experience to see na nagla-lighten up ang room dahil sa sikat ng araw na tumatagos sa mga bintana. Na mula sa malamlam na liwanag ay unti-unting tumitingkad ang sikat ng araw. Ang gaan sa pakiramdam. Nasabi ko sa sarili, ganito ang pakiramdam ng mabuhay ng may pag-asa. (Drama?)… Pero ganun talaga yung naramdaman ko nung tagpong iyon.


x-o-x-o-x


            Sabi nga, kung meron mang isang bagay na madalas ay hindi natin nabibigyang pansin marahil isa na ang araw dun. Expected naman kasi na bukas ay sisikat ang araw, kaya ano pa bang bago… Madalas mas napapansin pa nga natin ang init ng panahon kaysa sa ganda ng liwanag ng araw.

            Kahit medyo (medyo lang?) ayaw ko ang nasisikatan ng araw, isa ako sa mga ‘tagahanga’ ng haring araw lols. Kahit gaano pa kaganda ang paligid, kung wala ang kanyang liwanag, hindi mo ito mapapansin (o maa-appreciate).


x-o-x-o-x


            Tuwing uwian, minsan umaakyat kami sa rooftop ng canteen. Masaya kasing mag-picture dun, saka mahangin at may dagdag pang breath-taking view ng sunset! Doon kami nagkukulitan ng mga co-teachers ko, ‘wapakels’ kahit kitang-kita kami ng buong bayan ng Obando hahaha. Ang mahalaga, masaya kami at pampalipas oras lang naman yun bilang pambawi sa isang nakakapagod na maghapon.


Ang 'amazing sunset' sa rooftop ng canteen.


Teacher Roland, Dianne, Clarisse, Sarah at AKO :)


x-o-x-o-x


“God shall be my hope, my stay, my guide and my lantern to my feet.”
- William Shakespeare


x-o-x-o-x


Question: If you were a poet, what would your POEMS be mostly about?

Answer: Thank you ‘Papemelroti: Query 2’ for this wonderful question, I want to answer it in tagalog. (hahaha). Kung ako man ay isang ‘poet’ (manunula ba ang tagalog ng poet?), madalas ang aking mga tulang isusulat ay may kinalaman sa mga bagay-bagay na hindi masyadong napapansin (tulad ko lols). Halimbawa, nagawan ko na ng #shortula ang bolpen, balakubak, lapis, medalya atbp. Ganun. That’s all, thank you!


x-o-x-o-x


#MgaKwentoSaTagAraw
#HereComesTheSun
#MahalKoAngAraw



Mga Komento

  1. Ahahahahah, tawa ako sa mga di napapnsin tulad ko.. LOLs. Eh malay mo may pumansin ikaw naman yung di pala pumansin.. meganun? ahaha.

    Ganda ng sunset sa bubong ng kantina ha. Kakapawi ng pagod no.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. sanay na akong maging 'wallflower' :)

      nakakarelax talaga ang sunset, parang lahat ng hirap ay papatapos na rin :)

      Burahin
  2. I love waking up to a sunny day - and sweating it out while the sun is just about to rise. And I also love witnessing the sun sets. It's just so dramatic that I can write of a good story while somewhere watching it sinks down the horizon.

    Ang ganda ng photo nyo sa roof top ah, dapat nagsi stay pa kayo ng mga more than an hour pa while telling stories and nibbling something - boy bawang at that- my favorite lols

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. yung pagtalikod talaga namin ang nagdala (*talikodgenic*)... :)
      madalas din kaming magkwentuhan at harutan (haha) sa rooftop!

      Burahin
  3. Love the shot sa rooftop!!! so dramatic, lakas maka-Korean drama. hahaaha

    I love watching sunsets :D. It's serene and calming. I love taking photos of sunset... My latest is the one I posted on fb, sunset by the Oble.

    Im a morning person pero til 9am lang kasi after nun, antok na antok ako. Siguro kasi nasanay ako nung bata ko na after maligo sa dagat sa umaga, matutulog..hahaha

    Coffee in the morning to jumpstart the day :D

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. ang aga mo magising pero ang aga mo rin matulog hehehe...
      i love coffee... sa hapon kahit mainit at nakakapawis :)

      Burahin
  4. i love coffee kaya nga madalas ako may hyper acidity dahil sa kape...

    Question: If you were a poet, what would your POEMS be mostly about? I would like to be an inspirational poem that would lift the spirit of the reader to continue the journey in life even if there are a lot of stuggles.. ganyan lolz

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. parehas tayo... minsan hindi na rin muna ako makapag-kape dahil sa nangangasim na sikumra...

      da best ang sagot mo hehehe :)

      Burahin
  5. First time ko yata nakabisita sa yo. San ka.ba nagtago before? Hi hi.
    Anyway, totoo lang, dahil pag winter dito ay puro dilim, en namnam namin ang araw na nakasikat lalo pag summer.
    Thanks for the reminder:) hope to get to know you more;)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. salamat po sa pagbisita :)
      ako rin po, hoping to know more of you through your wonderful blog :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento