Don't Ask Me Why...


Ika-18 ng Abril, 2014
Biyernes Santo, 4:03 ng hapon

            Hindi ko ang alam kung ako lang ba… ang may ayaw ng Holy Week. Siguro, parang napakasama ko naman para sabihin yun pero… that’s how I feel. Ayoko kasi ng pakiramdam ng holy week… ang lungkot…  ayoko ng malungkot.

            Na kung bakit sa mga panahon lang na ito nagkakaroon ng mga madadramang palabas… yung mga mabibigat sa damdamin… yung mga palabas na patungkol sa faith o pananampalataya o kahit ano pang may kinalaman sa kabutihan.

            Nakakaloko ang media. Dahil ba sa ganito ang panahon kaya mga ganung palabas din ang ipinalalabas nila? Kung talagang concern sila sa usaping moralidad at pananampalataya sana noon pa at dati pa nila ito inumpisahan (kahit pa hindi holy week). At sa lahat ng kanilang programa dapat ito ay makikita, pero alam mo naman na pagkatapos ng linggong ito balik na naman ang media sa mga dating gawi kung saan walang lugar ang moralidad at pananampalataya dahil ang totoo ang higit na mahalaga ay karangyaan, kasikatan at ang walang humpay na “Number 1 kami sa ratings! Salamat po!” Lol.


x-o-x-o-x


“When all is said and done, it is best to leave it that way.”
- Anonymous


x-o-x-o-x


Question: You were chosen to represent the whole mankind to a newly discovered planet inhabited by ALIENS. You could bring 5 people with you, who would you bring?

Answer:
1. Chris Hadfield
2. Preston Chaunsumlit
3. Miriam Defensor-Santiago
4. Sarah Sechan
5. Chris Hansen

*** walang ‘Why?’, meaning I cannot explain my answer, kahit gusto ko hehehe ***


x-o-x-o-x


#LibanginAngSarili
#Papemelroti



Mga Komento

  1. At idinamay mo pa ang Holy Week sa kalungkutan na nadarama mo lols! kidding. But you got a point about the media. Minsan maiisip mo na parang it's a show nalang ang observance ng Holy Week, na parang many are just conforming to the tradition without high regard to the real essence of it. It somehow borders into like a seasonal commodity and people are just going with the flow and creating some unessential ways of observing the Holy Week. Plus, I really observed that many people are busier on where they're going to spend their lenten vacation than doing something worthy and relevant to the event. Perhaps, people have become unreligious already?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. hahaha :) yung mga palabas kasi eh nakalulungkot... gusto ko kasi kahit paano masaya ang holy week, pero hindi naman yung masaya dahil walang pasok o dahil makakagala kayo, gusto kong maramdaman yung masaya kasi nga holy week, yung may oras ako para sa sarili ko at sa Kanya... ganun :)
      (*nag-explain hahaha*)

      hindi na nga ba religious ang mga tao?... hindi ko rin po masagot... it shows! :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento