Lumaktaw sa pangunahing content

Tulala Moments...



Ika-08 ng Abril, 2014
Martes, 11:19 ng umaga

            Wala pa rin ang hinihintay kong gawain. Tulala lang ako dito sa faculty. Ayoko ng ganitong moment. Pakiramdam ko nasasayang ang buhay ko hehehe. Kaya ito, habang busy ang lahat, kwento-kwento rin pag may time.

            Nakakainip. Ayoko ng naiinip.

            Kanina naghahanap ako ng mga tanong na kahalintulad sa isang slam book. Kaso nakakatamad kasi napaka-common ng mga tanong. Gusto ko yung kakaiba. Yung masaya at challenging sagutan.

            Di ako nakapagsulat nung mga nakaraang araw. Nakakatamad yung init ng panahon. Nakakaantok. Idinadaan ko na lang sa tulog. Wala na akong naisulat na matino. Puro na lang random thoughts ng buhay ko lols.

            Bumabalik na naman ako sa abnormal kong schedule. Matutulog sa hapon at magigising ng madilim na. Tapus mag-oonline hanggang madaling araw, magbabasa ng mga blogs at makikipag-chat sa random people hahaha. Walang humpay na makikipag-inglisan. Makikipagpalitan ng mga kuru-kuro. Makikipagtalo sa mga maka-western na mundo.

            Nakakatuwa makipag-usap sa mga random people. May mga mapanlait, may mga cool lang, mga makasarili, mga sobrang bilib sa sarili, mga mahahalay hahaha este maiingay. Pakiramdam ko, nilibot ko na rin ang mundo. Ganun pala mag-isip ang mga taga-ibang parte ng mundo.

            Wala pa kong plano sa bakasyon na ito. Heto nga oh, nandito pa kami sa school sa kabila ng lahat ng mga nakapalibot na school sa amin ay halos wala na ginagawa… kami meron pa, bongga! Hahaha.

            Mas gusto ko ang matulog sa hapon kaysa gabi. Di ko matanggap yung init ng panahon sa gabi. Kahit pa nakatutok na yung electric fan sa akin.

            Napagdidiskitahan kong panuorin yung mga videos about sa International Space Station. Ibang-iba ang paraan ng pamumuhay ng mga astronaut at cosmonaut dun. Nakakatuwa at nakakabilib. Parang ang husay na ng tao para makayanan nating mag-survive sa outer space. Taong 1998 pa pala unang nailatag ang ISS sa outer space. At marami na ring mga siyentipiko ang nagpabalik-balik na doon matapos ang ilang buwan na pananatili para sa kanilang mga eksperimento at pag-aaral. Parang hindi kapanipaniwala na may mga taong nasa labas ng ating mundo at nakakabalik din naman dito. Sana may mga Pinoy din na makapunta doon. Sana ako yun hahaha.

            Ayoko ng mga moment na nganito. Grabe. Grabe.

            Gusto ko laging naaaliw at naa-amaze. Inaantok ako.

            Di ko na-feel ang gumawa pa ng kung anu-ano na may knalaman sa school. Ang tagal ko na inanticipate ang mga gawain sa school. Nakakatamad kapag naaantala.

            Ang bakasyon ay panahon ng pagtulog. Pahinga na dapat ang bakasyon hehehe.


x-o-x-o-x

#MgaKwentoSaTagAraw

Mga Komento

  1. Badtrip ang init noh? kung pwede lang hindi gumalaw para di pawisan...
    Two weeks nang nawawala ang pusa naming si Pete. Kung hindi pa ko umuwi, hindi ko pa malalaman :( at napapanaginipan ko sya sa pagtulog ko...huhuhu...

    Nung pinanood ko yung Gravity, andami kong tanong tungkol sa mga eksena dun. Pinakauna kong pangarap nung bata ako ang maging astronaut.. Pero ayun, hanggang astrology at astrophysics na lang for now. haha

    Dapat busy pa din pag summer, with personal things.. personal kutingtings.. Pwede mag-aral mag-crochet! lols

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. hahaha inaantok talaga ako kapag sobrang init, yun lang ang ayoko.
      nasaan na kaya ang pusa ninyo? sana makabalik siya asap!

      ang saya marahil maging astronaut, kakaibang experience at parang ang smart mo kapag astronaut ka hahaha :)

      i will try my best para maging busy this summer! :)

      Burahin
  2. Parang napapangiwi ako habang binabasa ko ang random post mo lols! Parang kahit nasa comfortable location ako ay parang damang-dama ko pa rin ang init diyan sa Pilipinas. Buti nalang di ko pinili ang summer para sa bakasyon lols!

    Sadya nga bang nag iiba na ang temperatura ng ating mundo? (nagtanong pa eh no) haha. Well, ang kainaman lang naman dito sa kinaroroonan ko ay ang comfort provided by a full airconditioning system. Di kasi d2 pwede ang walang aircon kundi matutusta din kami dito haha.

    Tama ka dapat ang bakasyon ay bakasyon talaga - kain, tulog, gala at kung anu-ano pa na mga masasaya at kapaki-pakinabang na gawain. Di yong masi stress ka pa rin dahil may inaasikaso ka pa sa school tapos dagdagan pa ng super duper hyper mega ultra init ng kapaligiran - hay paano nalang kaya hahaha.

    Kaya ako, di naman sa isinusuka ko na ang Maynila, I prefer to stay in the countryside, naks countryside pa talaga haha - I mean sa probinsiya kasi mas presko pa ang hangin at madami pa ang fresh gulay (matakaw ako sa gulay) lols!

    P.S. parang ang dami kong babasahin sa mga posts mo kasi more than a week din akong di makapag check ng blogs dahil busy ang peg hehe.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Naka aircon din naman sa faculty kaso paglabas mo naman mag-aagaw ang init at lamig sa ulo mo, kaya minsan pag-uuwi na ako, sumasakit ang ulo ko sa init.

      Iba na talaga ang panahon dito. Mas gugustuhin mo na lang wag lumabas ng bahay.

      Salamat sa pagbabasa sir Jay! :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...