She's Back!!!


Ika-21 ng Abril, 2014
Lunes, 10:59 ng umaga

            Kanina mga 10:30 ng umaga habang naghihilamos ako sa banyo, may naririnig akong tumatalak na boses sa baba. Oh no!... Andyan na siya… Andyan na si mudra!

            Pagbaba ko, kakain na dapat ako, kasi alam mo na tanghali na naman ako nagising, gutom na ako. Alam mo yung unang pagkakita niya sa iyo ang bungad kaagad – “Ano ba yan Jeff, parang walang tao dito sa baba? Hindi kayo naglilinis!” So, kunwari may kukunin ako sa kwarto para maka-eskapo. Di tuloy ako nakakain kasi panigurado lahat ng makikita niya ay sa akin niya ibubunton ang kanyang galit hehehe.

            Mga ilang saglit pa, bumaba ulit ako para kumain nga hahaha, pero bigo pa rin kasi pagbaba ko ibang sermon naman – “Ano ba yang dumi ng aso sa labas, di niyo pa inaalis!” (kahit pa nung oras lang din naman na yun nadumi ang aso). Kaya umakyat na lang ulit ako, nakasabay ko pa siya paakyat sa hagdan at bawat makita niya sa bahay nagagalit siya hahaha. “Ano ba yang mga sinampay, di niyo pa tinupi!”“Yung kumot na nakalagay sa kwarto namin, sa iyo yun ah, nalabhan na ba yun?!” Hala ka, ayaw tumigil. Yung totoo Ma… house inspection? Hehehe. Kaya eto, nakuntento na lang ako dito sa silent sanctuary ko – ang mahal kong kwarto lols.


x-o-x-o-x


            11:16 ng umaga (oras sa cellphone ko), pumasok bigla ang nanay ko sa kwarto sabay sabi – “Yang mga karton mo, di mo pa rin inaayos! Ano ka ba!” Oha bongga hahaha, hindi na ito simpleng house inspection, raid na ito! Raid! Hahaha. Nasakop na niya pati ang space ko, sa’n pa ako nito lulugar?

            Kaya nagpaka-busy na lang ako sa paggugupit ng kuko at sa bisyo kong ito. Grabe, ayokong bumaba kasi nandun pa siya, baka di na ako sikatan ng araw pag bumaba pa ako hahaha.


x-o-x-o-x


            Minsan, di ko alam kung malakas lang bang magparinig si pudra o sinasaktan ko lang ba ang sarili ko hehehe. Kanina habang nasa opensa ng pagtalak si mudra,  todo depensa naman si pudra (at nandun din ako sa eksena, nagmamasid lang). Yung tipong ayan na naman nagtatalo naman sila, soplakan na ‘to hahaha. Tapus biglang banggit ng tatay ko – “Hindi naman ako  naka-TAMBAY lang dito!” Wow hahaha, tumambay sa tenga ko ang salitang TAMBAY, pakiwari ko pahagip yun sa akin bilang nakatambay lang ako dito sa bahay hahaha.

            Gusto ko sanang sabihin na – “Pa, wala talagang pasok ang mga guro tuwing bakasyon, di naman marahil labis ang dalawang buwan para mag-chill muna at relax relax lang.” (kaso baka assuming lang ako sa narinig ko). Kaya yun… tahimik na lang me… tadhana kampihan mo na lang ako lol.

            Naalala ko tuloy yung minsan tinanong niya ako kung ilang taon na ba akong nagtuturo, sabi ko mag-aapat na, ang sabi niya – “Mag-iba ka na lang ng trabaho, turo ka ng turo wala naman nangyayari sa ‘yo.” Heaven! It hurts you know hahaha. Buti na lang noong araw na yun papaalis na ako ng bahay papuntang school, kaya umaga pa lang buo na ang araw ko.


x-o-x-o-x


            12:40 ng tanghali (oras sa aming wall clock), sa may hapag, nakaupo na ako para kumain. Pangatlong subok ko na ito hahaha. Sakto, habang nagsisimula na akong kumain, nagsisimula na ring maglitanya ang nanay ko habang abala siya sa paglilinis at pag-aayos sa may kusina. Pa’no ba yan, di ko siya mapigilan.

            Nakita ko na hindi nakabukas ang tv, naisip kong buksan para ma-divert ang atensyon niya. Nang binuksan ko aba gumana, napanuod siya ng kaunti at nagkaroon ng katahimikan. Pero hindi nagtagal, ratsada ulit sa kanyang mga hinagpis sa bahay lols. Kaya habang kumakain, sinasabi ko na lang sa sarili – “Okay lang yan Jeff… ngumuya ka lang dyan, kailangan mong mag-survive, go!” hahaha.

            Ganito ang buhay ko sa bahay… and I love it!


x-o-x-o-x


P.S.
            Kahit ano pa man ang mangyari, sabi nga eh sila pa rin ang iyong mga magulang (kaya no choice hahaha, joke lang). Nangyayari lang naman ang ganito sa bahay kapag galing ng bakasyon si nanay. Eh kasi naman, ako rin ang may kasalanan (ako na, ako na lang hahaha). Kaya baka sa Mayo ay maulit na naman ang mga ganitong eksena. Gagala na naman kasi ang nanay ko next week. Siya na talaga! Ako nga "nga-nga" eh, hahaha. Anyways…


x-o-x-o-x


“Years wrinkle the skin; but to give up enthusiasm wrinkles the soul.”
- Anonymous


x-o-x-o-x


Complete the sentence: You know you made it when ______________________________.

Answer: … I can’t sleep. (hehehe)


x-o-x-o-x


#MgaKwentoSaTagAraw



Mga Komento

  1. nyahaha para paraan na lang para maka survive sa raging mouth nyahaha.

    TumugonBurahin
  2. ooopppss... si mudrakels ay minsan lang ganyan... mas ako pa ang mas malakas manermon sa mga kapatid ko..lols...

    Anoberr... bakasyon, I lost sense of time.. Eto at kagigising ko lang para magcatch up with Game of Thrones.. May email ako from work, pero ayoko pa basahin! lels...

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. ikaw pala ang dapat na ka-tandem ni mudra :)

      ako rin, hindi na ako masyadong partikular sa oras... basta mulat pa sige lang, pag inantok tulog :)

      Burahin
  3. Parang eksena lang sa isang independent film ang nabasa ko hahaha. Nakakatuwa ang nanay mo, pero kakampihan ko siya this time, baka naman kasi kapag wala siya di nyo man lang maisipang maglinis ng buong bahay lols!

    Ayan pati sa comments mo sini sermunan ka pa din lols! Pero tipikal naman yan sa mga nanay. Siyempre, ganyan na yang mga nanay natin kasi kabisado na tayo, kaya ganun na magsalita hehehe. Siguro, gusto rin niya na minsan kapag datnan niya ang bahay nyo ay super linis din sa paningin niya hehehe.

    Subukan mo kayang gawin yon Jeff, isama na rin si tatay hehehe!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. ito ang isang patunay na "mother knows best... and most of the time, she's right!" hehehe :)

      agree naman ako sa'yo sir jay... siguro masyado lang ako nasanay na siya lagi ang gumagawa sa bahay, iba rin kasi pag si nanay ang kumikilos sobrang linis at ayos. anyways, i'll try! :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento