Lumaktaw sa pangunahing content

Paano ba maging Normal? Nakatanggap Ka na ba ng Isang Mahiwagang Regalo?


Ika-20 ng Abril, 2014
Linggo, 5:23 ng hapon

            Gaano na ba ako ka-normal ngayon?
            Ano na naman bang ginagawa ko sa buhay ko? Lols.

            Ganito. Natutulog ako ng 3:00 AM minsan mga 4:00 AM pa nga, tapus magigising ng 11:00 ng umaga. Dahil tanghali na kakain na ako ng pananghalian. Pagsapit naman ng alas kwatro ng hapon kakain naman ako ng dapat na kanina ko pang kinain na breakfast hahaha, sa katunayan kakatapus ko lang kumain mga isang oras na ang nakalipas bago ako napunta sa gawain kong ito. At mamaya, mga bandang alas-otso o alas-nuwebe ng gabi ako kakain ng hapunan, at  paniguradong gising pa ako hanggang madaling araw.

            Teka, ang sakit ng ulo ko, naarawan kasi ako kanina… nautusan ako ng tatay ko na kunin yung mga sinampay dahil tuyo na daw ang mga iyon. Balak ko sana mga bandang papalubog na ang araw saka ko iyon gagawin, pero mukhang ‘urgent’ ang utos niyang iyon kaya no choice…

            Matagal ko nang gusto na maging random ang buhay ko. Hindi naman sa hindi siya planado, gusto ko lang na hindi masyadong naka-pattern yung buhay ko sa nakagawian na. Ganun.

            Kaya ko lang naman nagagawa ang gumising ng tanghali at matulog ng madaling araw ay dahil wala dito ang nanay ko hehehe. Masyadong maluwag ang tatay ko sa amin, basta gawin mo ang dapat mong gawin then the rest bahala ka na. Pero ang nanay ko, hindi pwede ang ganun. Kung nandito lang siya, baka naingudngod na ako nun sa burak malapit dito sa palaisdaan hahaha. Ganun talaga ang nanay ko, kahit malaki na kami, kailangan pa rin naming sumunod sa rules of the house kung ayaw mong talakan ka niya ng walang humpay!


x-o-x-o-x


            Noong April 14 (Lunes), pagbukas ko ng locker ko para kunin yung mga credentials na dapat kong ipamigay sa mga students, may nakita akong isang gift. Ang laman nito ay wind chimes.




            Nag-alangan akong kunin kasi walang nakalagay kung para kanino at kanino galing, sa isip ko baka nagkamali ng lagay. Kaya sinara ko muna yung locker ko at lumabas ng faculty para mamigay ng mga report cards atbp. Pagbalik ko sa faculty, nandun pa rin sa locker ko yung gift, kaya kinuha ko na, nasa locker ko eh hahaha, eh may name naman ang locker namin, siguro naman nabasa nung naglagay kung kanino yung locker na pinaglagyan niya. Saka yung locker ko kasi kahit nila-lock ko eh iniiwan ko pa ring nakasabit ang susi lol.

            Kaya inuwi ko na siya hahaha. Sa loob ay may kalakip na sulat na nakatupi tulad ng isang tagak. Akala ko malalaman ko na kung kanino nanggaling dahil sa penmanship, pero pagbukas ko, naka-computerized ang letter lols. Mahusay din magpaka-anonymous ang nagbigay. Nadagdagan pa yung duda ko (na baka hindi nga yun para sa akin) kasi sa sulat niya “Sir” lang ang nakalagay, eh marami kaming “Sir” sa faculty hahaha. Ngunit gaya nga ng sinabi ko, dahil nasa locker ko siya, akin yun lols. Saka dama ko ang sulat niya, para sa akin talaga iyon. (Kung hindi man, pasensya nasa akin na hahaha).





                "Sir, hang this up on your locker. Everytime na kukuha ka ng gamit sa loob, kailangan mo marinig ang tunog nito. Para palagi mo kaming maalala. Bali, 'yan yung ingay namin, kahit wala na kami, kailangan pa rin kaming marinig ng buong faculty. Siguro may oras na mabwi-bwisit ka sa tunog, pero alam ko namang may oras din namang mapapangiti. Basta, alalahanin mo sir, sa tuwing maririnig mo 'tong chimes, may isa kang anak sa isang eskwelahan sa malayo, nag-aaral ng mabuti, kasi alam namin 'yun yung gusto mo para sa amin.

                   Thank you for everything, my teacher, friend and father.

                   Never forget about your child who gives light in the dark."


            Gusto ko sanang ibalik ang sulat gaya ng pagkakatupi sa anyo ng isang tagak, pero dahil wala ako masyadong husay sa origami, di ko na siya naibalik.

            Naalala ko tuloy yung tv series na Prison Break. Sa mga unang episodes kasi, yung kuya ni Michael (ang bida) ay madalas mag-iwan ng papel na nakatupi tulad ng isang tagak nang hindi niya nalalaman. Tanda iyon, na hindi man sila malapit sa isa’t isa, lagi pa ring nakamasid ang kuya ni Michael sa kanya.

            Binalak kong isabit yung chimes sa may bintana, kaso dahil wagas ang hangin, sayang naman kung malaglag lang sa labas, kaya sa may pinto ng kwarto ko na lang sinabit. Kaya ngayon alam ko na kung may pumasok sa kwarto ko dahil tiyak na tutunog ang chimes na iyon.

            Hindi ko pa magagawa yung request niya na ilagay ko yun sa aking locker, dahil sa ngayon ay wala pa akong locker at hindi ko na iyon locker…

            Masaya ako kapag naririnig ko siyang tumutunog.


x-o-x-o-x


“If you want a thing done well, do it yourself.”
- Napoleon I


x-o-x-o-x


Question: If you suddenly could look into the future and saw that if only each person took up JUGGLING then all wars would be stopped, what will you do about this knowledge?

Answer: (Ano daw?)… I’ll keep it to myself! Lols. **walang maisagot**


x-o-x-o-x


#MgaKwentoSaTagAraw
#Papemelroti
#TheGift


Mga Komento

  1. I find the gift and the message on it very sincere. It's really heartfelt when your students send gesture such as this and acknowledge that at some point in their student's life, they made it difficult for you to handle them. And at the end of it, they are making up for those goofy things and encounters they have had. This kind of gesture will last in my memory.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. nakakatuwa na nakakaiyak (ang drama hehe)...

      gusto ko yung mga ganitong uri ng regalo, may sumisimbolo / representasyon / kahulugan / kabuluhan... ito yung mga uri na maa-appreciate mo ng sobra at mahirap kalimutan.

      Burahin
  2. Siguro yung student mo na yun hindi sya mushy and cheesy sa totoong buhay kaya anon na lang.. Ang sweet-sweet nila... The joys of being a teacher and being with kids...

    Pag walang pasok, ganyan din ako, pero usually mas maaga ko nagigising at babawi ng tulog sa tanghali..hehe..

    every now and then, kelangan bigyan ng randomness ang buhay.

    Di ko gets ang tanong... Next question pls.. Lels..

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. hanggang ngayon nga ay hindi ko pa alam kung sino s'ya, although may ideya naman ako :)

      ako rin di masyadong na-gets ang tanong, pero di ko pa rin alam ang isasagot hahaha :)

      Burahin
  3. Nakakatuwa ang message nila. Natats ako..

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. kaya nga tuwing tumutunog ang chimes parang automatic na sila dapat ang maisip ko :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...