Ika-02 ng Abril, 2014
Miyerkules, 5:56 ng hapon
May isang babae sa may Manila Bay… lumpo, nakaupo sa wheelchair. Parehong oras habang
sinusulat ko ‘to… yung oras na papalubog na ang araw na parang magtatago na ito
sa ilalim ng tubig. Bago yun, akala ko may inaabot siya habang nakaupo, habang
nakamasid sa langit.
Dati
dalawa raw silang gumagawa nito. Inaabot ang papalubog na araw na animo’y
lumalapit pababa sa kanilang mga palad… Ngayon,
mag-isa na lang niya itong ginagawa. Hindi naman daw nagbago ang kanyang
nararamdaman. Parehas pa rin nung
mga araw na magkasama sila.
x-o-x-o-x
Kabaligtaran naman niya yung lalaking nasa Divisoria. Isa siyang elevator
operator sa Tutuban. Paulit-ulit
ang pagpapataas at pagpapababa niya sa elevator…
kahit pa wala naman itong ibang
sakay… bukod sa kanya. Nakaupo sa kanyang upuan malapit sa ‘buton’ na makailang
beses na niyang pinipindot.
Bagot na bagot…
Patunay na kung nasa ‘taas’
o ‘baba’
ka man na parte ng iyong buhay,
pakiramdam mo’y wala ka pa ring narating,
lalo na nung malaman mong nasa iisang
lugar ka pa rin.
x-o-x-o-x
Kanina
habang malapit na ako matapos maligo, napatingin ako sa orasan na nilagay na nanay ko sa banyo lols. Limang minuto bago
mag-ala singko ng hapon.
Bigla kong naalala yung inulit kong
panuorin kagabi na pelikulang Titanic. Limang minuto na lang din bago mag alas-dose ng tanghali at aalis
na ang barkong Titanic, yung eksenang
naglalaro pa ng baraha sa Jack at
nung manalo siya ay kumakaripas na sila ng takbo ng kasama niya para umabot
bago lumisan ang barko sa takdang oras.
Natawa ako kung paano ko ginusto na
sana ay isa ako sa mga ‘ekstra’ sa pelikulang yun nung bata
pa ako hahaha. Ang simple lang kasi
ng gagawin, magpapatianod ka lang sa tubig, may life jacket naman kaya di ka mahihirapang lumutang, tapus ayun na,
mahahagip ka na ng ‘kamera’ habang
umaakting ka na isa sa mga bangkay na lumulutang lols.
x-o-x-o-x
Sa siwang ng bintana nakita kong
tumatagos ang liwanag ng araw. Hindi
ko alam lang kung ako lang ba ang mababaw
na ipinagpapasalamat ko na parang pinipilit pa rin akong abutin ng liwanag sa kwarto kong ito hahaha.
Alam naman natin na higit pa sa
libo-libong milya ang pinangagalingan ng sikat ng araw… pero nagawa pa rin ako
nitong matagpuan.
Saan ba ang daan patungong araw?...
x-o-x-o-x
Isang
araw nung high school… di ko alam kung bakit ang dami kong binayaran at
ang dami kong binili. Akala ko may natira pa akong pera… pagdukot ko sa bulsa, dalawang piso na lang pala. Liningon ko
ang paligid manghihiram sana ako sa mga kaklase ko, kaso pagtingin ko bigla na
lang sila naglaho lols. Naramdaman ba
nilang manghihiram ako ng pera? Hahahaha.
Naisip ko kung paano ako makakauwi
ng dalawang piso na lang ang natitira kong salapi. Dalawang jeep ang kailangan kong sakyan para
makauwi ako, at hindi ko yun magagawa sa dadalawang piso. Naalala ko bigla yung
masungit kong science teacher nung nasa
elementary pa ako. Sabi niya
kailangan ng katawan natin ng glucose
para magkaroon ng energy.
Nakita kong may nagtitinda ng ‘kendi’
sa tabi. Tatlo dos… dun ko ginamit
ang dalawang piso ko. Bumili ako ng ‘Frutos’
hahaha. Alam kong maglalakad ako
pauwi, kaya bumili ako ng kendi para
may energy hehehe.
Dun ko nalaman na masaya rin palang maglakad mag-isa. Yung marami ka rin pa lang kasabay sa kalsada. Na
okay lang din palang mausukan at maarawan. Na yung mga kalsada na hindi man
lang nasasayadan ng mga paa mo ay
nagawa mo nang lakaran. Na damang-dama
ko ang pagkaluskos ng swelas ko sa kalsada dahil alam kong minsan ko lang ito madadaanan.
Ayun, nakauwi naman ako noong
panahon na yun na haggard. Yung halos
maubos ko yung isang pitsel na tubig sa sobrang pagkauhaw, na hindi ko magawang
ipagtapat sa nanay ko na hindi ko na-budget
yung binigay niya sa aking baon nung araw na yun, dahil baka sabihan na naman
niya na ako ng ‘tanga’ hahaha.
x-o-x-o-x
#MgaKwentoSaTagAraw
Aww... Kinausap mo yung matanda. How nice :)
TumugonBurahinBet ko yunv realization mo dun sa elevator person. At feeling ko siguro ang sakit ng tenga nya :(
Ako lang ba ang hindi naka appreciate ng Titanic? Lols. Ang haba eh!
Light travels on a straight line at a speed of 2.8 *10 raise to the 8th power. Ang liwanag galing sa araw na nararamdaman natin ay nakapagtravel na ng 8minutes, tama ba ko? Ang Pilipinas ay nasa may equator, naka-tilt tayo at certain degree of around 23.5° something. Actually di ko alam kung tama yang mgfa details na yan. Di ko pa nigo-google eh. May inaantay lang ako habang nababloghop. Lels... Para makapunta ka ng Araw, kelangan mo ng rocketship na kelangan mapantayan ang speed of light kasi baka gurang ka na eh wala ka pa sa araw! at yung trajectory ay tatama sa araw. So ang sagot sa tanong mo, hindi ko apal kung pano.. Lols... Ginulo ko lang! HahahaPero wait lang, bakit gusto mo dun? Mainit na nga sa Pinas, pupunta ka pa dun! Lols..
Masarap maglakad. Wag kang mag-alala di lang sayo nangyari yan! Hahahaha
Feeling ko nga baka nahihilo na yung lalaki sa elevator...
Burahinhahaha... Di mo ba feel ang Titanic? Mahaba lang talaga kasi panuorin.
Halatang science major ka mam yccos :) dinetalye mo pa ang iyong mga sagot :) Ibang araw ang gusto kong puntahan lols
Salamat at di lang naman pala ako ang nakaranas ng paglalakad pauwi hehehe :)
Gusto ko yung last story. Nangyari rin sa akin. Elementary ako, promise ng tatay ko susunduin nya ako sa school tapos nakalimutan nya. Nilakad ko pauwi. Buti may nakakita sa akin at nakilala ako, isinakay ako sa tricycle LOL. Teka anong connect sa mga words na nakabold? Hindi ko mahanap eh...
TumugonBurahinHahaha :) Nangyari rin sa akin yan nung elem. Umuulan pa nga noon eh, tapus ang tagal tagal akong sunduin ng nanay ko kaya umuwi akong basa ng ulan at galit sa nanay ko kasi di niya ako sinundo lols :)
BurahinGrabe ha. You actually walked all the way to your house even if it takes two jeepney rides ah. Hinde ko makaya mag ganun. Feel ko puputol na legs ko basta mag ganun ako haha. Nice blog ;) nasaya ako nag backread sa mga posts mo
TumugonBurahinYeah, nilakad ko po talaga :) Enjoy naman eh :)
BurahinMaraming salamat sa pagbabasa :)
Doon ako magpu-focus sa last part - about the walking going home. I can relate to it. Pero, baliktad naman tayo ng prinsipyo. Since elementary and HS, we used to walk 4 kilometers (1km in the morning, 1km lunch time, 1km back after lunch and 1km going home sa hapon). Whole day kasi ang pasok namin at uwian pa sa lunch time. We never dream na sumakay kasi unang una our baon is not enough for a tryke fare. Plus, it's fun walking kasi noon di pa ganun kainit ang araw.
TumugonBurahinKaya weird pa rin sa akin even up to now, seeing and hearing stories na ang mga students daw sa amin ay di na makapasok ng di nakasakay sa tryke or jeep. I don't know, kung kami kinaya namin bakit sila hindi hahaha. Well, siguro dahil na rin sa init ng araw plus sa katamaran na rin ng estudyante. Gusto nalang kasi nila nowadays ay madalian at di na pinaghihirapan ang mga dapat paghirapan.
masaya lang marahil ang maglakad dati :)
Burahinat tama ka sir jay, hindi na masyadong matiyaga ang bata ngayon, gusto lahat 'instant'...