Ika-18 ng Abril, 2014
Biyernes, 11:37 ng gabi
Kaninang hapon, magliligpit na dapat
ako ng mga gamit… kaso kakakuha ko pa lang ng isang notebook, inantok na ako hahaha.
Bumalik na lang ako sa higaan… nakuntento na lang ako sa pagbabasa ng mga short notes na nakasulat dun…taong 2013 pa. Ang orihinal na plano ko sa notebook na iyon ay punuin ng mga short notes araw-araw… ayun hanggang
plano lang… naka-pitong (7) entries
lang.
Here
it is…
January
18, 2013 / Friday
Nagkaroon
ng shooting, starring Dianne as the main character. Ang title ng scene ay – “How
to Walk Out and Leave Your Bag to Someone” – panalo. Pang Oscars.
January
19, 2013 / Saturday
Tulala
moment… computer the whole day… blog hopping… feeling holiday! So lazy…
January
20, 2013 / Sunday
Nanuod
ng UAAP Women’s Volleyball, talo Ateneo sa Adamson. Nanuod kagabi nung docu
about Saudi Arabia and India, kahit pa’no nagbago tingin ko sa bansa nila.
January
21, 2013 / Monday
Binigay
ni Dianne ang notebook na ’to, with a personal letter na pampalubag loob sa
pamamalo niya sa ‘min ni Olan. So lazy rin ang emote ng mga studz ngayon, hirap
mag-lesson…
January
22, 2013 / Tuesday
Nakakairita,
daming forms na gagawin. Mukhang maha-haggard ako sa Feb! Gudlak… come what
may. “I’m bulletproof, nothing to lose.” – Titanium.
January
23. 2013 / Wednesday
Walang
pasok…
Januray
24, 2013 / Thursday
This
is a ‘fly away’ day… nalalapit na ang ‘busyness’… go lang.
x-o-x-o-x
Nung nabasa ko ang pitong entries na yan, mas lalo ko lang na-realize na di talaga ako masipag na tao.
Na siguro, ginagawa ko lang yung mga bagay para matapos na bago pa ako mawalan
ng pasensya hahaha. Isa sa pinakaayaw
ko ay ang pag-aayus ng mga papel, ewan ko nai-stress ako kapag maraming papel na kailangang ayusin, kaya marahil
inaantok ako kapag tatangkain kong mag-ayos ng mga gamit ko galing sa school (parang kaninang hapon lang). Lol.
x-o-x-o-x
“Laugh
at yourself before others beat you to it.”
x-o-x-o-x
Question: How
do you know if you’re already grown up?
Answer:
Kapag
namumuhay na akong mag-isa, malayong-malayo mula sa kung nasaan man ako ngayon.
x-o-x-o-x
#MgaKwentoSaTagAraw
#PapemelrotiMadeMyDay
I am impressed by your handwriting in print - hehe. Ganda kasi at malinis ang mga short notes entries mo. However, I am curious about the docu regarding Saudi Arabia - ano kaya ang topic?
TumugonBurahinPerhaps you need motivation and inspiration in order for the "busy parts" of your body wont' stay stuck hehe. Or perhaps the lazy part can be attributed to not really loving what you do at that moment. I don't know it's just a guess. Natawa ako kasi naalala ko ang wife ko sa pagiging antukin mo hahaha - para ka lang nagbubuntis hehe.
Sabi kasi nila pag-kaliwete dapat maganda sulat :)
BurahinYung docu about sa Saudi Arabia... yun ata yung may direktang paraan para lumapit at humingi ng tulong (tulad ng pinansyal) ang mga mahihirap o nangangailangan sa kanilang hari (o opisyal?), di ko na rin masyado matandaan. Nakakatuwa lang kasi ang bilis ng pag-grant ng tulong, agad-agad kumbaga, di tulad dito sa atin...
sa buntis pa ako naikumpara lols... makapag-sipag na nga! :)
Yes, mabilis lang sila mag grant ng loans dito sa mga locals nila. Plus, recently, na subsidize na sila ng government. Previously, there were series of protests from the marginalized sectors kaya napilitan ang King na bigyan sila ng additional subsidy kasi natatakot din ang King na baka one day, pag dumami ang nag protest ay ma-overthrow siya. At dito rin, walang interes ang pangungutang dahil bawal sa kanilang religion ang pagpataw ng tubo.
Burahinparang ang husay naman pala ng sistema sa Saudi :)
Burahinat least malaki ang naitutulong ng mga namamahala sa mga mamamayan ng bansa nila... di katulad dito, aabutan ka pa ng agaw-buhay bago ka matulungan... grabe.
May issue din ng corruption but it's not like in our country. Here, di naman ganun kalaki ata ang nakukurakot. Usually, the King's clan lang din naman ang mas nakikinabang kaya nag aaklasan din ang ibang locals dito. Plus dito merong two religious denomination.
Burahin1. First, yung tinatawag na Sonni or Sunni - where the King belongs
2. Second, yung tinatawag na Shia or Shi'ite - eto yung di gaanong pinapansin ng monarchy system nila. Kaya dito nanggagaling ang mga groups of protesters. This group are more liberal in their religious views unlike the Sonni/Sunni na more conservative sila.
And the fact is that this country is really a very rich country. People here are accustomed in buying luxury cars of elite brands.
naalala ko yang Sunni at Shi'ite nung World History namin :)
Burahinsobrang yaman ba talaga nila diyan? Ang gara marahil manirahan sa Saudi...
Kaso parang nakakatakot ang mga Arabo, ewan ko pero parang ang weird kasi nila hehehe :)
ako din naisip ko rin ang ganito sa akin naman kahit isang word lang per day. kaso lang tinamad na din ako ahahaha.
TumugonBurahinHow do you know if you’re already grown up?
- Ako nalaman ko na na i grew up kasi ngayon bukod na mas nastrech ko ang pasensya ko ngayon ay nagvo-voice out na ako lalo na kapag alam ko na matutulungan ko din mag improve ang tao. Ngayon ay naiisip ko na rin kung ang desisyon ko ay selfish o benifical sa lahat. At syempre alam mo na timbangin ang nasa paligid mo kung tama o may mali sa gagawin/ginagawa mo. lolz
interesting yun ah! pwede yun sa akin, "one word per day" :)
Burahingusto ko ang naging sagot mo, lalo na yung - "...naiisip ko na rin kung ang desisyon ko ay selfish o beneficial sa lahat..." - sana ma-achieve din ng marami yan hehehe :)
Nyahaha yun bang tipong kapag naging masaya ka sa araw na ito pwede mo isulat na "Superb" para sa araw na iyon at least napahayag mo kung ano ang nasa loob mo that day lolz.
BurahinSalamat *winx*
i will try to do it :)
BurahinAng ganda ng sulat mo. Yun unang napansin ko :) ang layo sa sulat ko. Lol. Merong isang journal, Project Happiness yata yun. Basta, in one sentence, everyday, you will make one sentence what made your day happy. Good for five years.
TumugonBurahinGustung gusto ko nag aayos ng mga papel. At gusto ko ng amoy ng dyaryo. Hehe
Hay. Lately, nararamdaman ko nang matanda na talaga ko. Pagkatapos pa lang mag lunch, magiisip na kagad ako kung anong ulam for dinner kapag andito ang mga kapatid ko sa apartment ko. Lels. Ayun, I guess when we start being accountable with things and people around us, matanda na tayong matatawag. Hehehe
Salamat! :)
BurahinMukhang maganda rin yang Project Happiness na yan, para naman matuto tayong i-appreciate kung ano ang meron sa ating buhay.
Ako ang gusto kong amoy ay yung amoy ng bagong libro hahaha, nakaka-adik eh :) Yung ibang papel kasi kapag naluma na amoy amag lols.
Agree ako sa sinabi mo, kapag hindi na lang sarili mo ang iniisip mo, that means nag-matured ka na, and it's just okay :) It's for good naman.