Ika-13 ng Abril, 2014
Linggo, 10:23 ng gabi
Kaninang hapon, sa sobrang katamaran kong kumuha ng inumin sa
baba, tyinaga kong uminom ng tubig sa banyo
malapit sa kwarto ko. Mabuti nga at sa may lababo ko pa naisipang uminom ng
tubig at hindi sa inidoro hahaha. Eeewww!
Dun kasi sa isang pelikulang
napanuod ko kung saan ang sitwasyon ay puno na ng kakapusan sa pagkain at
tubig, nagawa ng isang karakter na mag-survive
sa pamamagitan ng pagkain ng toilet tissue at pag-inom ng tubig mula
sa toilet
bowl. Sa’n ka pa?
Pero syempre di naman aabot sa
ganung punto ang katamaran ko. Ayoko kasing kumilos kapag mainit, parang
nakakapanghina ang panahon. Oo, alam ko na kasiraan sa pagkatao ko ang
katamaran, pero tuwing weekend lang
naman ito, tuwing weekdays naman,
wala akong pakialam kahit maarawan pa ako… dati yun noong may pasok pa… eh
ngayon kaya? Hahaha. Ewan.
Buong araw lang akong nakahiga sa kama. Nanunuod ng mga kung
anong mahahalukay sa netbook ko… pero wala naman talaga dun ang pokus ko.
Maaaring nakatingin ako sa screen pero
iba yung tumatakbo sa aking isip.
Kanina, habang nakahiga pa rin sa
kama, dinadama ko ang init sa kwarto.
Sarado ang pintuan at hinayaan ko lang na bukas ang mga bintana para sumingaw
kahit paano ang init, pero nakaladlad pa rin ang mga kurtina gayong wala naman
akong makikitang magandang view sa
labas kundi ang mga wagas naming
kapitbahay hahaha.
Sa isip ko, pamilyar ang init na
nararamdaman ko sa aking kwarto. Ganito yung init na nararamdaman ko nung bata
pa ako noong madalas pa akong maglaro sa labas. Ganitong-ganito yun,
nasabi ko sa aking sarili. At lumutang na lang bigla sa isip ko ang mga alaala.
Ipinikit ko ang aking mga mata… tapus… ayun nakatulog na ako lol.
Paggising ko madilim na… ano pa bang
bago? Dumiretso na ako sa banyo at naligo.
x-o-x-o-x
Bigla ko lang naalala na nung bata
pa ako, mahilig pala akong makikain
sa ibang bahay hahaha. Hindi naman sa
wala kaming makain lol, ganun lang
talaga ako kagala nung bata na kabaligtaran naman sa ngayon. Sa sobrang
pagkalayas ko noon, madalas akong abutan ng oras ng pagkain sa ibang bahay,
tanghalian man o hapunan.
Ewan ko pero masaya ako noon kapag nakikisalo ako sa ibang pamilya. Ganun pa
siguro kakapal ang mukha ko na kapag
inayang kumain ‘go lang’ hahaha, kahit pa pwede naman akong umuwi
muna sa amin at kumain. Pero, naisip ko baka dun na rin nagsimula yung pagiging mapagmasid ko (wow?).
Iba’t ibang lamesa ang natunghayan ko
nung bata pa ako – may hugis rectangle,
square at bilog. May gawa sa kahoy, plastic at glass. Iba’t iba rin ang paraan ng pagkain – may gumagamit ng serving spoon, meron namang kung ano
yung pinangsubo mo ay yun din ang ipangkukuha mo ng pagkain hahaha. May gumagamit ng placemat meron ding hindi. May pamilya
na nakaupo talaga sa paligid ng lamesa at sabay-sabay kumakain, meron namang
nasa lamesa lang ang mga inihandang pagkain at doon kumakain sa may sala kaharap ang tv.
May mga palaalok, yung tipong may laman pa nga yung plato mo, nang-aalok na
agad ng iba pang makakain. Meron namang ‘bahala
ka na dyan, tutal nakikain ka lang naman’ hahaha. Meron akong nasaluhan na isa lang ang ulam pero masarap, meron ding marami nga pero ang tatabang naman lol, may simple tulad ng
mga pritong ulam.
Meron ding hindi plato ang ginagamit
sa pagkain, kapag bata ang binibigay ay bowl.
Parang ‘beybi’ ganun. May pamilya na
kumpleto ang mga kubyertos, meron
namang swerte ka kung abutan hahaha, kung hindi baka kutsara o
tinidor lang. May pamilya akong nasaluhan na nagkakamay, kaya nakikamay din ako, nakakahiya naman di ba hahaha. May naghuhugas ng kamay bago kumain, mayroon ding wapakels kung saan nagmula ang mga kamay lol.
May mga kalaro akong binobola pa
para kumain ng gulay. Yung gagamitin
pa ako para kumain ng gulay yung anak nila. Sasabihin – “Oy tignan mo nga si Jeff oh
kumakain ng gulay, tapus ikaw hindi. Sige nga Jeff pakita mo nga”,
tapus subo naman ako ng isang bulto ng
ampalaya hahaha! “Oh di ba, hindi naman mapait di ba Jeff?”,
oo na lang ako, kahit naluluha na ako saa kapaitan hahaha.
May mga partikular sa pagkakaayos ng
ginamit na kutsara at tinidor pagkatapus kumain. Tandang-tanda ko pa, tinuruan
pa ako ng maldita kong kalaro nun. Sabi niya – “Tapus ka na ba?”, oo naman ako kasi tapus na talaga ako kumain. “Eh bakit di pa nakaayos yung kutsara at
tindor mo? Dapat ganito”, at tinignan ko na lang ang ginawa niya. Ganun
pala sa kanila hahaha.
Siya nga pala mayroon ding nagdarasal muna bago kumain, kaya ako,
ayun panggap-panggap din pag may time lol.
Kaya siguro ako nawili makikain kasi
iba’t iba ang natututunan ko mula sa pakikisalo sa ibang pamilya. Pero syempre ‘da best’ pa rin sa bahay kung saan
pwede akong kumain ng nakataas ang paa
hehehe.
x-o-x-o-x
Hindi nga pala ako palakamay
kapag kumakain, kahit pa ang ulam ay dapat kamayin. Tandang-tanda ko kasi yung
pangalawa kong ate na maarte, kahit pa alimango na o hipon ang ulam namin,
hindi pa rin siya nagkakamay, todo kutsara at tinidor pa rin siya. Kaya yun
ginaya ko siya hahaha. Hanggang
ngayon, nakuha ko yun sa kaniya lol.
x-o-x-o-x
#MgaKwentoSaTagAraw
pag weekends din katam na katam ako. as in maghapon akong tulog dahil siguro panggabi ako lagi pero hindi ako pwedeng uminom ng tubig mula sa gripo dahil sensitive tiyan ko lol
TumugonBurahinwala na rin akong balak ulitin ang pag-inom sa gripo :)
BurahinNatutuwa ako sa experience mo ng bata ka. Sa family kasi namin, my parents somehow would not allow us to share lunch time with kapitbahay kasi naman may pagkain naman sa bahay. Plus, mahiyain kami talaga or walang lakas ng loob na makisalo sa kainan ng other families. But, I like your experience kasi nagawa mo ang ganyan, it's good kasi to reminisce things like this.
TumugonBurahinnadaan ko lang siguro sa 'kapalmuks' nung bata pa ako hahaha :)
Burahinnag-aaya eh, di ako palatanggi dati, kabaligtaran na ngayon...