Ika-03 ng Abril, 2014
Huwebes, 6:47 ng gabi
Kagigising ko lang. Napasobra ang
idlip ko dahil sa init sa maghapon. Naalala ko, kailangan ko magkwento. Pumasok
lang ako saglit sa banyo, pagtingin ko sa salamin namumungay pa ang aking mga
mata… at ang mukha ko… ‘wow-so-oily’ hahaha. Kaunting ayos… tapos balik sa kwarto… binuksan ang netbuk at ‘presto!’ ano na naman
kaya ang aking makukwento?
Nakasuot ako ng puting t-shirt kanina. Tamang-tama sa matinding init. Pasado
alas-dos ako lumabas ng school, tirik
pa rin ang araw. Nagliliwananag ako
sa suot kong damit… feeling ko
napaka-dalisay kong tao habang
naglalakad ako para makaabang ng jeep
lols.
Di ko sinuot ang aking salamin sa maghapon. Naisip ko kasi
yung disenyo ng suot kong puting t-shirt – mukha ng aso na naka-shades na may nakasulat na salitang ‘spectacle’. Baka sabihin kasi nila ‘redundant’ ako sa disenyo ng damit hahaha. Kaya pinangatawanan ko, tutal
mas nakakakita naman ako kapag sobrang maliwanag ang araw hahaha.
Pero hindi… kailangan ko i-justify ang di ko pagsusuot ng salamin. Uhm… kasi masakit sa mata kapag
nakasalamin ka habang tirik ang araw… at saka nakakapawis sa bandang may ilalim
ng mata… at magmumukha na namang lubog ang mga mata ko sa pagsusuot ko ng
salamin. Yan, pwede na ang mga rason na yan.
Pagsakay ko ng jeep, may dalawang ‘emo’ na lalaking kabataan akong
nakasabay. Nakaupo sila sa magkabilang dulo ng sasakyan. Sila ay magkaharapan.
May pinag-uusapan. Naririnig ko pero ayokong makinig, kasi di naman ako maka-relate.
May mga sumakay pa kaya napausog ako
papalapit dun sa isa. Napansin ko ang kanilang mga kuko sa paa. Nahagip ko lang ng tingin ng di naman sadya. Naisip
ko, kapag ba ‘emo’ ay marami ring patay na kuko? Ibinaling ko na lang sa
iba ang aking tingin… mukhang kapwa naman nila di nahalata ang aking napansin.
Biglang huminto ang sinasakyan kong jeep. May papasalubong sa amin na karo at isang mahabang linya ng mga tao.
Parang ‘premonition’ lang ang nangyari sa akin.
Sumilip ako sa may bintana.
Naririnig ko ang isang malungkot na kanta. Inaabangan ko ang mga mukha ng mga
naka-linyang tao. Nakaputi rin sila tulad ko. Gaano ba kasakit ang maghatid ng
isa sa mga mahal mo sa huling hantungan nito? Naisip ko, kahit kailan di ko pa
ito nararanasan. At parang hindi ko matatanggap ang ganitong tagpo sa aking
buhay.
May mga babaeng lumuluha habang
marahan silang lumalakad. Napakainit sa daan nung mga oras na yun. Pero hindi
man lang sila naka-payong. Siguro, ganun na lamang ang kanilang pighati.
Matindi pa sa naraaramdaman nilang init.
x-o-x-o-x
Pag-uwi ko sa bahay pinanuod ko yung
dalawang documentary about ‘porn addiction’ na na-download ko habang nag-uubos ng oras sa school. Muli ay uulitin ko, ang pinanuod
ko ay ‘docu about porn addiction’ at
hindi mismo ‘porn’ hahaha.
Ang title ng isa ay ‘BBC
Documentary – The Science of Porn’ at yung isa naman ay ‘BBC
Documentary – The Dark Side of Pornography’.
Akala ko naman ay ipaliliwanang nito
kung bakit may mga taong nagiging ‘addict’
sa panunuod ng mga pornograpiya, ang mga ‘epekto’ nito at kung paano ‘malulunasan’
ang pagkalulon sa ganitong sitwasyon.
Pero nabigo lang ako kasi hindi ang mga nabanggit ko ang naging focus nito. Parang mali naman yung mga title na nakita ko… parang iba yung
pamagat sa mismong content nito.
Dahil dun sa ‘BBC Documentary – The Science of Porn’, ang tinalakay ay ang buhay
ni ‘Lolo
Ferrari’ – siya pala yung babae na may pinakamalaking hinaharap sa
mundo (di ko alam kung paano ko sasabihin
lols), sa katunayan napabilang pa pala siya sa Guinness Book of World Records. Binanggit dun ung paano ang naging
takbo ng kanyang buhay, ang pagkasabak niya sa mundo ng pornograpiya, ang
pagka-addict niya sa pagpapa-opera at ang lagim o misteryo ng kanyang
pagkamatay.
Dun naman sa ‘BBC Documentary – The Dark Side of Pornography’, ang tinalakay
naman ay ang industriya ng pornograpiya sa Estados Unidos. Nakalimutan ko
yung lugar na tinatawag nilang ‘porntown’ – dahil sa lugar na ito
may pinakamaraming isinu-shoot na mga
eksena na parang sa pelikula, ganun. Binanggit lang dun kung paano nagambala
ang ganuong uri ng industriya dahil sa paglaganap ng HIV.
Samakatuwid, nauwi sa wala ang pag-download ko sa mga docu na ito dahil di ko naman nito nasagot ang mga target questions ko, naks!
Parang ang ‘weird’ talaga na sa
mundong ito ay may industriya ng pornograpiya. Ano naman kaya ang nagtutulak sa
isang tao na gustong pumasok o sa mga taong naging parte na nito? Anong mabigat na dahilan ang meron sila? Pera?
Kahirapan? Karangyaan? Kasikatan?
x-o-x-o-x
Napakadaling malason ng isip ng mga kabataan ngayon. Ngayong panahon na para
bang lahat na lang ay mayroon na silang ‘access’ saan man o ano man ang
gusto nilang makita o mapanuod. Basta may internet,
maaring malulon sa mga gawaing liko.
Kaya mahalaga ang pagiging bukas ang isip at pagiging responsable sa lahat ng ating mga
aksyon.
x-o-x-o-x
#MgaKwentoSaTagAraw
natawa ako sa encounter mo sa mga emo na guys.
TumugonBurahinbakit nga kaya ganun noh? kung magpapakulay ba ako ng itim sa mga kuko emo na agad ako? lolz
nakita ko kasing literal na patay na ang karamihan sa kanilang kuko sa paa, at hindi ko alam kung bakit nagkaganun, nakakahiya naman kung ako ay magtatanong lols :)
Burahinkaraniwan, itim nga ang kulay ng mga emo, parang yun na kasi yung fashion statement nila :)
but sir jep, wala kayong na encounter na mga batang jejemons sabay sasabihan kayo ng #boompanes ahaha!
TumugonBurahinayy may nyorn sa dulo... *evil grin*
kahit i-block or i-filter ng mga magulang ang mga porn sites sa pc nila sa bahay, madali pa rin ma-access yan sa ibang paraan like sa mobile phones at mga comp shop >_<
dapat talaga matinding pangaral at gabay ng mga magulang ibigay sa mga bata para di mapariwara sa mga ganyang bagay...
Mukhang hindi ko na kailangan pang makasalubong ang mga batang jejemons, kasi sa school pa lang namin ay patok na patok na yang BOOMPANES! na yan hahaha :) Kaya mawawalan ka na lang ng gana kausapin yung ibang estudyante kasi puro BOOMPANES! na lang ang namumutawi sa kanilang bibig lols.
BurahinMaihrap talagang usapin ang tungkol sa "paggabay". Isang malaking responsibilidad.
eh ang boom vanesse? ahahaha
Burahinuhm, naririnig ko na rin yan :) pati na rin yung iba pang boom *other version* :)
Burahinkelangan bang itulad tayo sa North Korea na i-firing squad ang nahuhulihan ng porn? Lols.. Wag naman sana. It's a matter of education. Yun talaga yun eh. More than being informed, kids need to be taught discretion about things in life. Pero hindi madali. Kids nowadays really need to be surrounded with good examples.
TumugonBurahinWhite is the color of fresh and comfy :P
malikot pa man din ang isip ng mga kabataan,
Burahinpero tama ka, kung may mga good people naman na nakapalibot sa kanila mas malaki ang chance na hindi sila mamali ng landas :)
yeah tama! iba ang white sa tag-init :) mas masarap suotin :)
Ang napuna ko lang is your being a hyper observant kind of person. At ang pacing and shifting ng kwento mo ay nakakatuwa - it keeps me hooked until the end part.
TumugonBurahinParang pangit nga ang napanood mo, docu nga pero parang kulang sa elements na dapat binigyan ng diin. Anyway, I don't know naman the context ng documentary na yan, baka mali lang ako or tayo sa ini-expect na result based on the title.
Regarding sa emo, baka kinulayan lang niya ang kuko hahahaha.
Parang gusto ko lang muna i-document yung mga nangyayari sa buhay ko ngayong Abril hahaha :) baka ito muna ang tema ng mga blogpost ko,
BurahinHindi po talaga ganun kaganda yung mga docu na napnuod ko, pero ok lang din, may mapupulot pa rin.
Hindi sa kinulayan lang sir jay, talagang patay na ang mga kuko :)