Lumaktaw sa pangunahing content

Kape Pa!


Ika-09 ng Abril, 2014
Miyerkules, 1:16 ng madaling araw

            Napakainit. Hindi ako makatulog.

            Gusto na pumikit ng mata ko, pero ayaw pang mahimlay ng diwa ko. May gagawin pa ako bukas, bawal pa naman magkamali dun. Panigurado, tulog na naman ako nito sa hapon.

            Manunuod sana ako ng docu tungkol kay Chris Hadfield, kaso nagloloko ang internet. Isa si Chris sa mga naging commander ng International Space Station (ISS). Isa siya sa pinaka-popular na astronaut sa kasalukuyan. Siya ay mula sa bansang Canada. Naging popular siya dahil sa paggamit niya ng social media para maibahagi niya ang ilang tagpo sa kanilang buhay sa ISS - ilang daang milya mula sa lupa, sa labas ng ating mundo. Ibinahagi niya ang kanyang mga saloobin, sa katunayan nakapagsulat pa nga siya ng libro. Ipinakita niya rin sa mundo ang mga natatangi niyang kuha na mga larawan mula sa outer space. Dagdag pa ang mga nakatutuwa at napakainteresanteng mga videos niya – kung paano mag-toothbrush habang nasa outer space, ang uminom, ang kanilang mga kinakain, kung tutulo ba ang luha mo kung iiyak ka sa outer space at marami pang iba tulad ng nagawa pa niyang mag-record ng isang music video habang nasa space station.

            Nakatulong ng malaki yung mga napanuod kong videos tungkol sa ISS para maintindihan ko ng madali at lubos ang pelikulang Gravity. Kung paano nakapupunta ang tao dun at pati na rin ang proseso na kailangang gawin para makabalik ka sa mundo – walang lugar para sa kahit isang maliit na pagkakamali, dahil kung magkaganun man, tiyak na hindi na makababalik pa o mabubuhay ang mga astronaut. At dahil isang pelikula lamang ang Gravity, natural lang na may mga eksena doon na hindi naman talaga makatotohanan. Pero nakakabilib ang pagkakagawa ng pelikula, lalo na ang mga special effects.

            Manunuod pa sana ako ng iba pang pelikula… pero baka wala na akong panuorin sa susunod na mga araw kundi mga docu na lang.

            Speaking of tag-init, napakabilis kong ma-dehydrate ngayon. Naalala ko kahapon ng umaga, gumising ako ng super-dehydrated. Mga tatlong baso lang ata ng tubig ang nainom ko sa buong maghapon. At mga tatlong baso (hindi tasa hahaha) ng kape ang naubos ko sa buong araw. Kaya kulang na lang ay lahat ng likido ko sa katawanan ay mai-flush ko na. Kaya paggising ko kanina, nanunuyo yung labi ko, ang hapdi na parang nahiwa ng blade. Tapus yun balat ko sa mukha ay ramdam kong dikit na dikit sa bungo ko hahaha, yung tipong nagpulbos ka at parang tipak ng semento ang nangyari sa pulbos dahil halos wala na ang moisture sa mukha para kahit paano ay kumapit ang pulbos lols. Ramdam ko na hindi na gaanong elastic yung balat ko sa mga braso at binti ko… pero nung breakfast ay nag-kape pa rin ako hahaha.

            Kaya pagdating ko sa faculty, inom ako ng inom ng tubig. Kada ihi ko sa banyo, binabawi ko ulit ng inom ng tubig. At unti-unti ko na nararamdaman yung paghiwalay ng balat ko sa buto hahaha. Elastic na ulit siya. Hydrated na kung baga. Para maiba nag-softdrinks na lang ako.

            Naisip ko, napakadaling maging pabaya ng tao s kanyang kalusugan. Madalas iniisip natin bata pa naman tayo at hindi tayo tatablan ng sakit. Pero ang hindi natin alam, ano mang oras, maaaring mawala ang pinakaiingatan nating yaman.

            Kaya ngayong summer, iwasang mag-adik sa kape. Magtubig muna mga pre! (mai-rhyme lang).

            Di pa rin ako inaantok… matutulog na lang ako na dilat ang mga mata. Goodluck!


x-o-x-o-x

#MgaKwentoSaTagAraw

Mga Komento

  1. Sya,ba,yung astronaut na may selfie? Yung kasama sa top 20 selfies around the world? Nabasa ko lang kung san di ko na matandaan... Hehe


    Ikakamamatay ko ang isang araw na walang kape! Haha. At naramdaman ko na din ang risk ng sobrang pagkakape- im a GERD baby. Pero hindi pa din. Di ko maletgo. Dati sa umaga, mainit na kape, ngaun, malamig. Tinutunaw ko completely ang yelo sa kape bago ko inumin. Ayoko ng may buong yelo. Lols.

    Naiinggit ako sayo. More post. More fun! Andami ko din gustong isulat pero puro ka-emohan lang at mga baliw random thoughts na isinusulat ko na lang either sa drafts ng notes ko or sa totoong notebook ko. Napilay yata yung utak ko dahil sa init. Nakakainis. Im preoccupied with a lot of worries at mga kababawan moments ko sa buhay. Hay...

    May docu ba nung tungkol sa pagpapabagsak ng SkyLab?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Nabalitaan ko rin yang astronaut na nag-selfie, ang astig! Kaso hindi rin ako sure kung si Chris Hadfield yun :)

      Parang hindi ko rin kaya ang hindi uminom ng kape, kahit isang tasa lang sa isang araw. Yun lang kasi ang pampagising ko bukod sa mga enegry drinks tulad ng Sting! lols

      Go lang Ma'am Yccos! Isulat mo lang ang mga nararamdaman mo, dadaloy din ang ginhawa (Maynilad? hehe).

      Uhm, try ko maghanap ng docu about SkyLab... babalitaan kita.

      Burahin
  2. pero kung gusto mo talagang matulog uminom ka ng gatas kundi tubig.. hehehe..

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Kaso lang madali po masira ang tiyan ko sa gatas.
      Kaya, nagbababad na lang ako sa panunuod ng pelikula o docu hanggang sa dalawin ng antok :)

      Burahin
  3. uu nga mahirap matulog paano na lang pag peak na ng summer?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. hindi ko alam kung anong gagawin ko pag sobrang mainit na...

      Burahin
  4. It's essentially important to hydrate especially during summer time. This summer, it is better to drink more than 8 glasses of water a day. Kay inom lang ng inom :)

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...