Mga Pahina

Sabado, Abril 12, 2014

Ako lang ba ang Ganito? :)


Ika-12 ng Abril, 2014
Sabado, 8:11 ng gabi

            Unti-unti kong inimpake ang mga gamit ko mula sa faculty. Bale, naka-tatlong hakot ako. Di ko naman kasi pwedeng gawin ng isang hakutan lang… kasi magmumukha akong mangangalakal lols. Kaya paunti-unti ko lang yung ginawa… hanggang nung biyernes nga ang huling paghahakot ko. Sabi ko, ilalagay ko ang mga gamit ko sa kahon, pero, kung saan ko ito nilapag, naroon pa rin sila hanggang ngayon hehehe. Mukhang tambakan na ang aking kwarto.

            Nitong nakaraang linggo, (to be honest hahaha), hindi ko maramdaman kung bakit nagsisimula nang magdrama ang isang co-teacher na maiiwan namin sa school. Hindi sa dahil hindi siya sincere, hindi ko lang maramdaman pa (ako ang may problema hahaha)… siguro kasi alam kong may mga araw pa naman na magkikita kami.

            Pero nung biyernes, nung huling hakot ko (bitbit ang dalawang paper bag na siksik sa gamit), dun ko naramdaman ang lungkot. Habang tinutunton ko ang daan palabas ng gate ng school, para bang biglang sumulpot sa isip ko ang lahat ng alaala. Yung pinigilan ko na lang na maalala at maramdaman ang lahat ng mga istoryang nabuo mula nang ako ay unang dumating sa paaralang iyon.

            Ganun pala. Ngayon ko palang naiintindihan ang nararamdaman nung isa kong co-teacher. Malungkot nga pala ang maiwanan… at malungkot din naman ang lumisan.

            Kaya pag-uwi ko nung Friday, nilapag ko lang sa sahig yung dalawang paper bag na dala ko at natulog na ako. Napakadaming kwento kasi ang nagbabalik sa loob ko… kaya tinulugan ko na lang, tutal inaantok na rin naman ako.

x-o-x-o-x

            Hindi ko alam kung mabuti ba akong kaibigan hahaha. Hindi ko alam kung kapag ba lagi kang present sa mga event ng mga friends mo ay ‘good’ ka na as a friend. Minsan kasi ayoko na magkikita lang for bonding. Hindi naman sa hindi ko sila nami-miss… pero alam mo yung pakiramdam na ‘fresh’ pa rin naman ang mga pinagsamahan niyo sa isip at puso ko, kaya parang pakiramdam ko okay lang kahit di muna kami magkita-kita sa ngayon. O baka ako lang ang ganun lols.

            Yung isa ko pa kasing circle of friends na mga guro din ay nag-aaya for bonding. Yung tinext na ako at nag-missed call pa (or di ko lang talaga nasagot lols), tapus wala man lang akong reply hahaha. Sabi ko naman sa kanila, pag wala akong reply, that means ‘NO’… kasi kung gusto ko namang sumama, nanginginig pa ako sa pag-text ng “YES! SAMA AKO!” pero madalas kapag nag-aaya itong grupo ng kaibigan ko ay hindi ako sumasama. I don’t know why. May isang beses nga na parang na-badtrip na ata sila sa akin kasi ang hirap ko daw ayain, which is true hahaha. Hindi ko rin talaga alam. Kapag di ko feel… hirap akong makumbinsi ang sarili ko.

            Kaya baka nagtatampo na sila. Kasi itong current group ang lagi kong kasama. Masaya kasi ako kapag kasama ko sila. Saka hindi mahirap mag-aya dahil pare-parehas naman kami ng mga ‘sked’ kumbaga. Alam namin kung kailan may pera sa wala hahaha, alam namin kung saan pupunta kung ‘ito’ lang ang budget, alam namin kung saan magpi-fit ang lahat para ‘everyone is happy’. Alam namin na kung hindi man pwede ang isa ay dapat namin intindihin at hindi yun nangangahulugan ng ‘nagkalimutan na’. Ito marahil ang kaibahan.

x-o-x-o-x

            Hindi ko lang din alam kung ako lang din ba ang ganito o ano ba hahaha. Yung kapag tumitingin ako ng mga larawan sa facebook… nabababawan ako. Siguro kasi dati, lalo na nung ‘de-film’ pa ang mga camera, napaka precious ng bawat ‘shot’. Yung bilang na bilang lang talaga, walang dapat sayangin. Kaya mga precious moments lang talaga ang dapat makunan… na kapag napa-develop mo na ang larawan at inilagay mo na ito sa photo album, kahit isang picture lang, o kahit iilang shots lang nung happening na yun, isang buong istorya, sari-saring emosyon na ang iyong matutunghayan at mararamdaman.

            Eh ngayon kasi, dahil digital na, kapag panget ang ‘kuha’ pwedeng i-delete at ulitin. Kahit ilang kuha pwede. Kahit gaano karami. I-share sa fb at kahit saan pang social media. Patok pag maraming likes. Da best din kapag nai-share pa. Ganun na ngayon. Ang biglang pagtingin ay kasingbilis na rin ng biglang ‘click’.

            Ewan ko lang. Siguro napaka-arte ko para hanapin pa ang saysay, kwento o kabuluhan sa mga larawang nakikita ko. Wala lang. Nagpapaka-deep lang siguro ako… Pasensya lols.

x-o-x-o-x

            Gumising ako na ako lang mag-isa dito sa bahay. Naalala ko ginising ako sandali ng nanay ko kagabi. Nung oras na yun, dumating na ata yung sundo nila papunta sa Cavite. Hindi ako sumama kasi ayokong makita ang mga mahaharot kong pamangkin. Ayoko ng maiingay at magugulong mga bata hahaha. Kaya pinili ko na lang maiwan. Hanggang ngayon ako lang din ang nandito. Bukas pa ata sila uuwi. At ano pa bang bago, sana’y na ako sa ganitong eksena. Enjoy pa nga ako mag-isa hehehe.

            Ang sarap kapag tahimik dito sa bahay. Yung nagiging madrama ang liwanag ng araw na sumasabay sa payapang paligid. Na habang naliligo ako, naririnig ko yung lagaslas ng tubig, nakaka-relax.

            Ganito lang ang buhay ko ngayong sabado. Nanunuod. Nagbabasa. Nakikinig. Nagkakape. Kakain. Matutulog. Mag-iisip. Magku-kwento. Masaya na ako.

x-o-x-o-x


#MgaKwentoSaTagAraw

6 (na) komento:

  1. 1) i know the feeling... Ganyan talaga kahit na dinideny mo ang totoo eh may parang iba feeling pa rin sa mga maiiwan mo...

    2) Kaya naman pala siguro ganun ang pakiramdam mo, kasi sa isang group hindi ka hirap mag adjust unlike sa isa.

    3) Sentimental sa moment? lolz ahahaha ayos lang yan walang basagan ng trip.

    4) Minsan kailangan mo din naman kasi ng panahon sa sarili mo yung ikaw lang magisa, siguro para may ma-miss ka. hmmm di ko lang sure lolz.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. ...saying goodbye is the hardest thing hahaha :)
      ...mas lagi ko lang siguro kasama itong current group of 'kaibigans' kaya ganun
      ...sanay lang din talaga akong mag-isa sa bahay :) at oks na oks lang yun para sa akin basta may food! lols

      Burahin
  2. Markado akong walang separation anxiety. Kasi sa totoo lang, ayoko ng maghihiwalay na feeling. Kapag nagpapaalam ako sa lola ko kapag paalis na ko sa bahay namin sa bicol, para lang akong bibili ng suka. Pero kapag magkikita kami, more yakap more fun! Hehe

    Sobrang dami kpng kakilala, pero sobrang konti ng sinasamahan kong friends. Same set lang ok na ko. Ayoko din sa masydong maraming tao. Di nga ko nagpupunta sa mall kung walang bibilhin eh. Hahaha

    Yehey sa loner moments! Ganyan kaming magkakapatid kapag magkakasama. Kala mo di magkakasama, lahat busy with their own worlds, pero nakakamiss din yung walang tatanungin kung anung ulam. Haha.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. ...parang ganyan din ako, ayokong makita yung mga taong umaalis, basta alam kong umalis na sila okay na yun sa akin

      ...sa lagay ko naman, feeling ko di ko kayang mag-maintain ng maraming friends, kasi hindi ganun ka-broad or ka-loud ang personality ko para yakapin silang lahat :) i mean, may panahon ako para sa kanila pero di pwedeng sabay-sabay

      ...hahaha :) ganyan kami ng bunso namin, kahit magkasama sa bahay 'wapakels' sa isa't isa, and that is just okay! :) mas gusto namin ang ganun :)

      Burahin
  3. Ako naman friendly talagang tao, na minsan naiisip ko na parang medyo pressure kung kali-kaliwa ang pagyayaya nila. I can't play favorites, though my favorites naman talaga ako, pero di ko nalang sinasabi para wala nalang masaktan.

    At the end of the day, you still have the final say. It's up to you pa rin kung sasama ka or hindi. And your decision will always matter kasi it's just being true to yourself. Plus, friends should always understand the uniqueness and individuality of people.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. gusto ko yung sinabi mo sir jay-
      "friends should always understand the uniqueness and individuality of people"

      ...ito marahil yung gusto kong itanong sa other group of friends ko, naiintindihan kaya nila ako o naiintindihan ko rin ba sila...

      Burahin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...