Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Abril, 2014

Hanggang Saan Ka Dadalhin ng Iyong mga Salita?

Ika-24 ng Abril, 2014 Huwebes, 1:38 ng madaling araw             Hindi pa rin ako inaantok. Napasama pa ata ang inom ko ng kape kasabay ng hapunan. Badtrip hahaha . Gusto ko na matulog eh…             Pero, parang okay din ang oras na ito… madilim… tahimik. Tanging netbook ko lang ang nagsisilbing source ng liwanag… nakakabulag lols . Wala na akong naririnig mula sa mga energetic naming neighborhood , buti naman uso rin pala sa kanila ang matulog. Himala walang videoke marathon ? Walang party pipol ? At walang mga habulan at eksenang nangyayari sa labas… Amazing! Hahaha.             Nauuhaw ako… natatamad akong bumaba. Saka madilim na, baka may mag-abot sa akin ng pitsel at baso… hahaha . Bababa muna ako… hindi na ako magti-tyaga ulit sa tubig sa gripo lols . Masisira na naman tiyan ko…   ...

Here Comes the Sun!

Ika-22 ng Abril, 2014 Martes, 9:16 ng gabi             I love the smell of coffee in the afternoon…             Pakiramdam ko umaga pa lang kahit papalubog na ang araw.             I realized… di ko na pala madalas masaksihan at ma- appreciate ang umaga.             I miss that feeling. x-o-x-o-x             Nung isang araw, nagising ako ng 5:30 ng umaga. Napansin ko (habang tulala at nakahiga pa rin sa kama) na papasikat na ang araw kasi unti-unti na ring lumiliwanag sa kwarto. It was an amazing experience to see na nagla- lighten up ang room dahil sa sikat ng araw na tumatagos sa mga bintana. Na mula sa malamlam na liwanag ay unti-unting tumitingkad ang sikat ng araw. Ang gaan sa...

She's Back!!!

Ika-21 ng Abril, 2014 Lunes, 10:59 ng umaga             Kanina mga 10:30 ng umaga habang naghihilamos ako sa banyo, may naririnig akong tumatalak na boses sa baba. Oh no!... Andyan na siya… Andyan na si mudra!             Pagbaba ko, kakain na dapat ako, kasi alam mo na tanghali na naman ako nagising, gutom na ako. Alam mo yung unang pagkakita niya sa iyo ang bungad kaagad – “Ano ba yan Jeff, parang walang tao dito sa baba? Hindi kayo naglilinis!” So , kunwari may kukunin ako sa kwarto para maka-eskapo. Di tuloy ako nakakain kasi panigurado lahat ng makikita niya ay sa akin niya ibubunton ang kanyang galit hehehe .             Mga ilang saglit pa, bumaba ulit ako para kumain nga hahaha , pero bigo pa rin kasi pagbaba ko ibang sermon naman – “Ano ba yang dumi ng aso sa labas, di niyo pa inaalis!” (kahit pa...

Paano ba maging Normal? Nakatanggap Ka na ba ng Isang Mahiwagang Regalo?

Ika-20 ng Abril, 2014 Linggo, 5:23 ng hapon             Gaano na ba ako ka- normal ngayon?             Ano na naman bang ginagawa ko sa buhay ko? Lols.             Ganito. Natutulog ako ng 3:00 AM minsan mga 4:00 AM pa nga, tapus magigising ng 11:00 ng umaga. Dahil tanghali na kakain na ako ng pananghalian. Pagsapit naman ng alas kwatro ng hapon kakain naman ako ng dapat na kanina ko pang kinain na breakfast hahaha , sa katunayan kakatapus ko lang kumain mga isang oras na ang nakalipas bago ako napunta sa gawain kong ito . At mamaya, mga bandang alas-otso o alas-nuwebe ng gabi ako kakain ng hapunan, at  paniguradong gising pa ako hanggang madaling araw.             Teka, ang sakit ng ulo ko, naarawan kasi ako kanina… nautusan ako ng tatay ko n...

Short Notes...

Ika-18 ng Abril, 2014 Biyernes, 11:37 ng gabi             Kaninang hapon, magliligpit na dapat ako ng mga gamit… kaso kakakuha ko pa lang ng isang notebook , inantok na ako hahaha . Bumalik na lang ako sa higaan… nakuntento na lang ako sa pagbabasa ng mga short notes na nakasulat dun…taong 2013 pa. Ang orihinal na plano ko sa notebook na iyon ay punuin ng mga short notes araw-araw… ayun hanggang plano lang… naka-pitong (7) entries lang.             Here it is… January 18, 2013 / Friday             Nagkaroon ng shooting, starring Dianne as the main character. Ang title ng scene ay – “How to Walk Out and Leave Your Bag to Someone” – panalo. Pang Oscars. January 19, 2013 / Saturday             Tulala moment… computer the whole day… blog ho...

Don't Ask Me Why...

Ika-18 ng Abril, 2014 Biyernes Santo, 4:03 ng hapon             Hindi ko ang alam kung ako lang ba… ang may ayaw ng Holy Week . Siguro, parang napakasama ko naman para sabihin yun pero… that’s how I feel . Ayoko kasi ng pakiramdam ng holy week… ang lungkot…  ayoko ng malungkot.             Na kung bakit sa mga panahon lang na ito nagkakaroon ng mga madadramang palabas … yung mga mabibigat sa damdamin… yung mga palabas na patungkol sa faith o pananampalataya o kahit ano pang may kinalaman sa kabutihan.             Nakakaloko ang media . Dahil ba sa ganito ang panahon kaya mga ganung palabas din ang ipinalalabas nila? Kung talagang concern sila sa usaping moralidad at pananampalataya sana noon pa at dati pa nila ito inumpisahan (kahit pa hindi holy week) . At sa lahat ng kanilang programa dapat ito...

Huli man daw... ikatuTUWA mo pa rin! :)

Ika-14 ng Abril, 2014 Lunes, 6:57 ng gabi             Tandang-tanda ko pa noong Grade 6 , pagkatapos ng klase sa umaga, umuuwi muna ako sa amin ng tanghaling tapat para kumain at magbihis, dahil bandang ala-una ng hapon ay babalik na ulit ako sa eskwela para sa aming training sa campus journalism . Bitbit ko ang isang binder na binalutan ko ng kulay orange na kartolina na ginuhitan ko ng mukha ni Garfield at naka- plastic cover pa hahaha . Hindi ko alam kung bakit si Garfield ang iginuhit ko dun, ang alam ko lang malapit kasi sa orange ang kulay ni Garfield lol .             Ang laman ng binder ay ilang piraso ng papel at isang bagong People’s Journal na dyaryo. Araw-araw bago sumakay ng tricycle pabalik sa eskwela, bumibili muna ako ng tabloid sa gilid ng terminal . Ako kasi ang naka-assign sa sports writing kaya kailangan kong pag-aralan kung paano ba i...

Ang Pamilyar na Init at Ang Hilig kong Makikain

Ika-13 ng Abril, 2014 Linggo, 10:23 ng gabi             Kaninang hapon, sa sobrang katamaran kong kumuha ng inumin sa baba, tyinaga kong uminom ng tubig sa banyo malapit sa kwarto ko. Mabuti nga at sa may lababo ko pa naisipang uminom ng tubig at hindi sa inidoro hahaha. Eeewww!             Dun kasi sa isang pelikulang napanuod ko kung saan ang sitwasyon ay puno na ng kakapusan sa pagkain at tubig, nagawa ng isang karakter na mag- survive sa pamamagitan ng pagkain ng toilet tissue at pag-inom ng tubig mula sa toilet bowl . Sa’n ka pa?             Pero syempre di naman aabot sa ganung punto ang katamaran ko. Ayoko kasing kumilos kapag mainit, parang nakakapanghina ang panahon. Oo, alam ko na kasiraan sa pagkatao ko ang katamaran, pero tuwing weekend lang naman ito, tuwing weekdays naman, wala akong paki...