Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa 2015

Sige na nga, sabihin na nating year-end post ito.

                 12.31.2015 (9:56 PM) Dalawang oras na lang bago mag-2016!                 Yey! Di naman talaga ako excited hahaha. I am full of hope (or hopeful, same lang ba yun? Lol) para sa darating na taon pero very usual na lang din ang event na ito. Lagi rin naman akong inaabot ng past twelve midnight bago matulog. Mahirap din naman magkaroon ng event sa labas; ang daming putukan at saka nakakasulasok kaya ang amoy ng pulbura.                 Kaya ngayong gabi, balak ko sanang abutan ng bagong taon na nagbabasa sa gitna ng kaingayan hahaha. Well, balak lang naman; pwedeng di rin matuloy. Ako pa ba!                 Gustong-gusto ko yung statement na nabasa ko sa speech ng isa sa naging prof ko – “...

Tala-A-Larawan: Bulilit! Bulilit! :)

03.21.2015 (Saturday, 5:47 PM) "Ayun oh!" : Mga batang namamasyal sa Luneta. Ito ay habang nakatambay kami sa parke noong huling araw ng isang nakaka-haggard na sem. 04.11.2015 (Saturday, 8:43 PM) "Reflection" : Stolen shot sa makulit na pamangkin habang nasa byahe sakay ng bus papuntang Bicol.

3 Uri ng Kwento na Nakaka-Victim ang Feeling After Basahin :)

                 (1) Yung kwento na kung tutuusin ay ang ikli lang pala, pero humaba dahil sa mga paligoy-ligoy na naidagdag. Na ikaw naman pilit mong binasa ang bawat ‘palabok’ hoping na may kinalaman yun sa kwentong binabasa mo, tulad ng mga ‘flashback-thingy’ na nagbibigay paliwanag sa mga anek-anek na misteryong meron sa kwento. Pero at the end, feeling mo talaga ay nauto ka lang ng nagsulat. Hahaha. Ako lang ba ang biktima? Pero okay lang din kasi maayos naman ang pagkakahabi at may sense pa rin naman basahin… pero feeling ko talaga, nang-uuto lang sila.                 (2) Yung napakahaba ng tunggalian / conflict sa istorya… yung malapit ka na sa ending pero bakit di pa rin natatapos at hindi pa rin nabibigyan ng solusyon. Ang pinakamasaklap, matapos mong ma-excite na para bang “Eto na! Malapit na ang ending! Malalaman ko na!” pero nagulantang ka na lang ...

Tala-A-Larawan: Statue, Ilog, Painting, Hagdan at Kampana.

04.16.2015 (Thursday, 5:44 PM) Isa sa mga estatwa na makikita mo sa sementeryo ng Pe ñ afrancia Church, Naga, Bicol. 04.21.2015 (Tuesday, 5:33 AM) Ang ilog sa may tulay ng Tawiran, Bulacan. Ito ay noong naisipan kong mag-bike mula sa amin sa Valenzuela.  Solo trip lang. 05.07.2015 (Thursday, 12:35 PM) Isa sa mga paintings na nakita ko nang pumunta kami sa GSIS Museum. Hindi naman talaga ang musuem ang unang pakay, ang e-card :) 09.26.2015 (Saturday, 2:11 PM) Ang medyo freaky na hagdanan ng NTC. Kung naging napaka-freaky nyan, eh di sana 'I Love It!' Masaya ang horror :) 12.14.2015 (Monday, 7:17 AM) Tanaw ang kampana ng San Diego Church mula sa 4th floor ng Polo NHS. Ganda!

Just another 'sirang plaka' kind of story.

Hindi ko alam kung bakit lagi kong nari-recall yung kagustuhan ko na maging isang 'terror' na teacher. Ang bait-bait ko kaya. Hindi bagay. Siguro kasi yung ugali ng ilang mga mag-aaral ngayon ay higit pa sa isang terror , kaya naisip kong maging mas terrorista pa sa kanila lols. At saka nagbago na rin ang panahon. Kwento nga ni Pope Franics, nung s'ya daw ay nasa grade four pa, may nasabi s'yang hindi maganda sa isang guro. Pinatawag ng guro ang kanyang magulang. Ang kasama nyang nagpunta ay ang kanyang ina at sinabihan sya ng kanyang ina na humingi ng paumanhin sa guro. At pag-uwi nila, alam nyo na ang nangyari... katakot-takot siguro na sermon ang inabot nya sa kanyang ina. Pero ngayon, dagdag ni Pope, kapag nagpatawag ng magulang ang isang guro, maaaring dalawa pa nga ang magpunta, ngunit ang pinagkaiba, hindi na sa bata ang sisi, kundi sa mismong guro na. Nagpadala ako ng materials para sa activity ng mga bata. Simple lang – short bond paper, pencil ...

Cobra, cinnamon and nuts.

Alam kong marami kang gagawin kapag may uwi kang Cobra ...yung energy drink. Iniisip mong Cobra na lang Kaysa umasim ang tiyan mo sa kape. Alam kong asar ka sa sekyu ng Mercury, nakaka-intimidate kasi. Pero, bili ka pa rin ng bili ng sliced coffee cake ...wala kasi nun sa bakery. Pinipili mo pa. Pinipilit mong makuha. Yung slice ng coffee cake na maraming cinnamon and nuts! Tulad ngayun, kala mo natuwa ka. Yung nabili mo kasing sliced coffee cake may cinnamon and nuts nga ...namumuong tipak ng cinnamon and nuts! Pero kinain mo pa rin. Nag-adik ka pa rin sa kendi na bread, O kaya ay bread na may kendi. Na cinnamon and nuts. Pero bakit ang tawag ay 'coffee cake'? Eh cinnamon and nuts nga. Siguro, da best kapartner ng kape. Hindi ng cobra. Baka. Kape kasi. Hindi cobra. 2015.11.02

Singkwenta Pesos Story

Sa halagang singkwenta pesos nakabili ako ng libro na College Algebra and Trigonometry sa National Bookstore. Di naman ako Math major. Naisip ko di na rin ako lugi. Singkwenta pesos para sa halos 700-pahina na libro na dating Php 645 ang presyo na may copyright 2008 na nai-reprint noong 2011. Na ang mga author ay faculty members ng UP Math Department. Kaya kahit di ko maintindihan binili ko na lang din (so when life gets tough) meron akong mapaglilibangan! Ganyan. Hahaha. 2015.10.18

#HWTD!

Gaano kasaya? Ganito... Teachers' Day eh! Happy World Teachers' Day!!!

let's make it a habit :)

Ako, Neri & Eldie. After a long day, I wonder how tambay moments like this can be so relaxing... Eldie, Ako, Neri & Dranreb. (photo grabbed from Dranreb's fb lol) So let's make pagtambay a habit! :)

the fiery general...

Pinagbabaril. Pinagtataga. "Mga traydor!" Sinubukan niyang makaganti, ngunit walang nahagip kanyang bala at talim. Humandusay sa lupa. Na nagkulay pula. Ilan pang putok ng baril. Taga at pagnanakaw din. Siniguradong walang buhay, Tiniyak na siya'y mapapatay. Totoo ang kanyang sinabi, kalaban nati'y ang sarili.

Okra (Lady's Fingers)

OKRA ( Abelmoschus esculentus ) First time kong makakita ng okra na nasa halaman pa. Dati, akala ko, katulad sila ng ibang gulay na parang nakalawit or nakalambitin sa sanga ng halaman. Yun pala, umuusbong ito na naka-upside down. Wala eh, ganyan talaga pag nasanay kang nakakakita lang ng semento at polusyon. Basta, nakakita na ako ng okra na nasa halaman pa, hahaha! Gusto nyo bang malaman ang 'amazing health benefits' ng pagkain ng okra? I-click nyo lang ang link na ITO .

just like those big photographs...

(sa likod) Denise at Ako, (sa harap) Neri, Eldie at Dranreb. Isang malaking room na pupunuin ko ng mga black and white pictures. Just like those big photographs I have seen in the museum. So that when life seems so weary, You can just walk inside that room And instantly recall the many moments when you were happy.

to crop somebody...

You don't know what it's like, Baby, you don't know what it's like To crop somebody To crop somebody The way I did to you . x-o-x-o-x *Hango sa kantang "To Love Somebody" ng Bee Gees. *Setyembre na! Dami nang agiw sa kwarto at blog kong ito.

Now.

Masabi lang na nakapag-post pa rin ako ngayong Agosto :)

"Which is which? Who is who?"

             I WONDER. Ano kaya ang pag-uusapan nila Pastor Apollo Quiboloy at ni Vissarion kung sakaling mag-meet silang dalawa?... Papatotohanan o papasubalian ba nila ang isa?...             Si Pastor Apollo Carreon Quiboloy ay ang founder at leader ng  Kingdom of Jesus Christ na kinikilala ang sarili bilang ang Appointed Son of God. Taga Davao, Pilipinas.             Si Sergey Anatolyevitch Torop o mas kilala bilang si Vissarion ay ang founder at leader naman ng Church of the Last Testament , siya naman umano ang reincarnation ni Hesus. Taga Siberia, Russia.             Parehong mabigat na titulo ang kini-claim nila para sa kanilang mga sarili. Magkapareho ba sila ng ‘Diyos’ na pinagsisilbihan? O iisa rin bang ‘Diyos’ ang nag-appoint or nag-reincarnate sa kanila? ...

Ang Alamat ng Potato Chips :)

            Summer ng taong 1853. Saratoga Springs, New York. Isang guest ng Moon Lake Lodge restaurant ay hindi nagustuhan ang inorder nyang French fries; aniya masyadong makapal ang pagkakahiwa ng mga patatas. Kaya itong si chef George Crum ay nag-cram (mai-rhyme lang haha) na gumawa ng panibago para sa nagreklamo na guest na itatago natin sa walang pangalan. Ngunit, sa kabila ng effort ni Crum na magprito ng patatas sa mas maninipis na hiwa, tinanggihan pa rin ito ng dinner guest nila. Sa imbyerna ni Crum, mas pinanipis pa niya ang hiwa at napalutong ang kanyang pagkakaprito. Nung nai-serve na ito sa echoserang guest nila, aba nagustuhan! At dahil likas na insekyora ang mga tao sa paligid, umorder din sila ng ganuon kay Crum (kaya nag-cram na talaga siya nung time na yun lol). Mula noon ay naging popular na ang Crum’s Saratoga chips, na mas kilala at ini-enjoy na natin ngayon bilang potato chips! Na bukod kay Herman Lay (ng Lay’s) at n...

Exciting din pala ang magkaroon ng electric fan.

Ika-02 ng Hulyo, 2015 Huwebes, 7:08 ng gabi             First time kong ma-excite para sa balita na kahit paano ay naayos na raw ang dalawang electric fan sa room namin, ayon sa text ng ka-partner kong adviser sa room na panghapon, kani-kanina lang. Okay lang kahit kami pa muna ang magpaluwal sa gastos, walang-wala yun sa pakiramdam na excited na akong makita ang advisory class ko bukas na nag-aaral nang may electric fan J Hindi rin kaya biro ang isang buwan na magklase sa loob ng room na halos lahat kami ay nagmumukhang ‘hot’ lol.             Kaya sana bukas, totoo! Hay… dahil kung hindi, hotness never ends na talaga.

Choz.

Ika-27 ng Hunyo, 2015 Sabado, 9:48 ng gabi             “Dahil parang ang theory of creation ay di na mapapasubalian para sa mga naniniwala, mas pipiliin ko ang theory of evolution na base sa ideya ni Charles Darwin. Hindi ba’t amazing kung paanong nakagawa ang mga evolutionary theorists ng pagpapaliwanag tungkol sa ating pinagmulan? At ito’y nagresulta mula sa kanilang pananaliksik na sinusuportahan ng mga siyentipikong ebidensya. Oo nga’t maaaring kaduda-duda at kwestyonable ito para sa iba, ngunit kung iisipin, ilang milyong taon na kasaysayan ang ating inuunawa ukol sa ating pinagmulan, kaya’t baka sa ngayon ay hindi pa sapat ang ating nalalaman.” o-O-o Ang tinagalog na ‘echoz’ kong sagot sa quiz(?) na hindi ko na maalala kung paano ko na-english. Lol.

Sabi.

Ika-25 ng Hunyo, 2015 Huwebes, 6:43 ng gabi             Sabi ni Dr. Cruz , paborito nyang kasabihan (o bible verse) ang “This too shall pass.” Kung masaya ka ngayon, you have to savor it , alam mo naman it won’t last forever , kasi wala daw forever . Ganun din daw kung malungkot ka, i- savor mo lang din dahil lahat naman ay lilipas. -o-O-o-             “Bakit di n’yo pa natapus yan? Di n’yo ginawa sa bahay?” Sabi ni Ralph , mas ok daw kasing gumawa ng grupo sa school . Kasi sa bahay daw maraming bata, saka nag-i- SPES s’ya after class . -o-O-o-             Sabi ni Ricky Lee , wala naman daw sanggol na ipinanganak na malinis na. Parang mga draft , laging madumi ang unang mga draft . Sumulat lang daw, saka na lang pumili. -o-O-o-          ...

pampauMAY

Ika-24 ng Mayo, 2015 Linggo, 1:14 ng hapon             Unang beses kong mag-Brigada Eskwela noong nakaraang linggo.             First entry pa lang din para sa buwan ng Mayo.             I’m so busy… procrastinating.             I’m excited for this school year…             … excited na ako for the next vacation. Lol.             Nakakatuwa maglinis kasama ng mga co-teachers at ilang nag-volunteer na mga magulang at estudyante. Wala kasing ganito nung nasa private school pa ako. Kaya siguro naman pwede na rin ito para makaisa man lang na post sa buwan ng Mayo.             Yey! Buhay ...

"– may coke, royal, sarsi at sprite."

Ika-17 ng Abril, 2015 Biyernes, 8:54 ng gabi             Isang kulay asul na drum na may itim na takip na dati’y lalagyanan ng tubig ang pinuno ng maraming bote ng softdrinks at yelo – may coke , royal , sarsi at sprite . Naisip ko nun, kung yung mga matatanda ay naglalango sa alak, ako naman kasama ng mga kaibigan ko ay magpapabundat sa pag-inom ng softdrinks!             Hindi ko matandaan kung pang-ilang kaarawan ko na yun. Ikapito ata o ewan. Basta, pinagsabay-sabay ang birthday naming tatlo – ng kapatid ko at ng tatay ko; tutal iisang buwan lang naman pumapatak ang aming mga kaarawan at tig-isang araw lang naman ang mga pagitan.             Napakalamig ng mga nalusaw na bloke ng yelo sa loob ng drum . Saglit na mamanhid ang kamay sa kada kuha ko ng maiinom. Yung nasa ilalim pa yung pilit kong kinuk...

Mudra Knows the Hardest! :)

Ika-08 ng Abril, 2015 Miyerkules, 11:58 ng gabi Hard Scene 01: Umaga. Sa kwarto. Nagtutupi ng damit. Me: Ma, sabi sa klase namin sa genetics , kung gusto mo malaman ang future ng hairline mo, tignan mo daw yung buhok ng tatay o kaya mga tito… Mudra: Oo, kaya tignan mo si Papa mo, yung mga tito mo ang ninipis na ng buhok! Me: Eh nung nagpagupit ako ang sabi coming soon na daw itong buhok ko. ***lungkot effect lol Mudra: Ganun talaga! Whether you like it or not! ***may ngiting pang-asar hehehe Me: Ganun?! Bakit kasi ang naninipis ng buhok niyo, wala bang naligtas? Mudra: ***dedma, silent mode Me: *** afraid sa future ng buhok ko lol Hard Scene 02: Tanghali. Sa kusina. Kumukuha ng pagkain. Mudra: Oh, anung nangyari sa mukha mo bakit may butas-butas? Me: Bakit? Dati pa naman yan ah! Mudra: Saka naging nognog ka na, kaka- bike mo yan eh. Me: Eh summer naman, buti nga nagba- bike pa ako eh. Mudra: Sama...

Valenzuela People's Park! :)

Ika-03 ng Abril, 2015 Biyernes, 11:35 ng umaga             Noong miyerkules (Abril 01), napagkasunduan namin na magbisikleta papunta sa isa sa mga bagong attraction ngayon sa Valenzuela – ang tinaguriang ‘parke sa gitna ng lungsod’ – Valenzuela People’s Park! Kaya kung magagawi kayo dito sa amin, wag niyong kalimutan na dumaan sa parkeng ito, may open space para sa mga nais mag-jogging / mag-exercise sa umaga, may nakaka-relax na fountain, may amphitheater na may mga pagtatanghal tulad ng dula o film showing na nagaganap na free admission pa, at meron ding lugar kung saan pwedeng mag-muni-muni at lugar palaruan para sa mga bata.             Sa ngayon ay tinatapos pa ang katabi nitong Valenzuela Town Center, na tiyak kapag natapos na ay mas lalong dadami ang mga uma-aura este bumubisita sa parke hahaha .          ...

"Halina sa Luneta!" :)

Ika-29 ng Marso, 2015 Linggo, 1:19 ng madaling araw             Sabado ng nakaraang linggo. Noong huling araw ng klase, kasama ko sila Neri at Eldie na naupo maghapon sa Luneta matapos ang isang mahabang araw ng pasahan ng requirements at finals, ang lakaran at nakalilitong pagtawid sa mga ginagawang daan dahil sa mga buradong linya ng pedestrian. Sa ganung kasimpleng paraan lang namin idinaos ang pagtatapos ng semestre. Umupo lang at nagkwentuhan. Apat na taon kong naging kaklase sila Neri at Eldie noon sa kolehiyo. Matapos ang halos apat o limang taon pa na hindi na kami nagkikita-kita, ngayon ko lang ata sila ulit nakakwentuhan ng ganito. Noong sabado na iyon ko na lang napakinggan ang kanilang mga kwento. Yung tagal ng inupo namin sa Luneta pati na mga kwentuhan at tawanan, higit pa ata yun sa apat na taon na naging kaklase ko sila. Nakuntento na kami sa pagtingin sa fountain, sa saglit na pakikip...

About Compliments and Being Stranded. (Maka-title lang ng english, yey!)

Ika-16 ng Marso, 2015 Lunes, 2:38 ng hapon             “Ikaw lang ata yung nakita kong haggard na kalmado,” walang kaabog-abog na pagsabi sa akin ni Sir C na klasmeyt ko sa subject P habang abala ako sa pag-aayos ng report at pagsulat ng sagot sa mga task sheets.             “Pwede bang kalmado na lang?” banggit ko sa kanya, sabay dugtong ng tawa kong awkward lols.             Yung mga moment na ganito, na di mo alam kung compliment ba o inuuyam ka na hahaha. Kahit saan talaga, lumulutang ang ka- haggard -an ko. Hahaha!             Anyways…             Dinagdagan pa ng pagkasira ng LRT nung sabado ang kadukhaan ng aking pagkatao. Uwian pa naman. Hindi na bago ang pagkasira ng m...